Kabanata 18

24 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Ang chaka naman ng magiging uniform ko. Bakit slacks? eew! mas gusto ko ng maikling palda noh. Tapos ganito.. naka-long sleeves na white. Ang losyang naman! Ayokong magaya kay Ursula! Bakit nga ba Ursula ang pinangalan ko sa kanya? Verna talaga ang pangalan ng bruha na yun! Duh?! Bata pa lang kasi ako feeling ko ako si Ariel ng The Little Mermaid kaya ngayong nakahanap na ako ng kontrabida sa istoryang ito. I'll just name her Ursula.

"Steph! Ano bang meron sa inyo ni Mr. Buenavidez?" pag-uusisa ni Ursula na kanina pa pala nais ilabas ang galamay niya este ang pagiging chismosa niya.

Tinignan ko siya habang pinupusod na parang bun ang mahaba kong buhok.

"Magkaibigan kami ni Luke." pagtataray ko naman pagkatapos ay tinalikuran ko siya.

Hinila niya ang braso ko paharap ulit sa kanya.

"Kinakausap pa kita. Wag mo akong tinatalikuran!" matigas na sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"Shuta! Ihahampas ko sayo 'tong kaldero kung hindi mo ako bibitawan!" kinuha ko ang kaldero na kasing laki ng pinaglulutuan ng lugaw. Paano ko ito nabuhat? Ewan ko rin.

Napabitaw naman siya sa pagkabigla.

"Ms. Ramirez!" nagulat naman ako sa boses na kinilala ko na galing kay Mr. Saavedra.

Patay.

Nakita kong nakangisi ang pangit na si Ursula. May pangil pala siya. Ano to? Bampira sa dagat?

Dahan-dahan kong nilingon si Mr. Saavedra na kasama pala ngayon ni Luke.

"Kabago-bago mo pa lang, Ms. Ramirez!" nakasimangot siya habang titig na titig pa rin sa 'kin.

Kitang-kita ko rin ang disappointment sa ekspresyon ni Luke.

"Pasensya na, sir. Si Ursula.. este Verna kasi.." pagdadahilan ko habang nakayuko.

"Ang kailangan mo lang gawin, Steph ay magtrabaho. Wala ka nang ibang gagawin dito! Ikaw rin, Verna!" matigas na sabi niya. "Bumalik na kayo sa trabaho!" dagdag pa niya.

Ang sungit naman nito. Unang araw mo palang, Steph. Palpak na agad! Napalingon naman ako kay Verna na ngayon ay ngingisi-ngisi pagkatapos ay tinalikuran ako.

Gigil talaga ako ng bampirang pusit na 'yun!

Sinuot ko ang kulay pulang apron na may nakalagay na logo ng Chef Andrew.

"Ayos ka lang ba, Steph?" isang malambing na boses ang narinig ko na agad naman nagpalusaw ng puso ko.

Ang gwapo niya. Lahat na lang ng isuot niya.. bagay na bagay sa kanya. Nakasuot siya ngayon ng pang-chef uniform.

"Ayos lang ako, Luke." nakangiti ko namang sagot.

Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya.

"Wag mo na lang pansinin si Verna." dagdag pa niya.

Ngumiti na lang ako bilang tugon pagkatapos ay nagkahiwalay na kami para gawin ang mga trabahong ibinigay sa amin. Napunta ako sa pagharap sa mga customers at pagkuha ng mga orders samantalang si Luke naman ay napunta sa kusina. May background naman pala siya sa pagluluto.

"Siguro masarap din siyang magluto pero mas masarap pa rin siya." bulong ko sa sarili ko habang papunta sa isang table.

"Good Afternoon po!" masigla kong bati sa anim na taong nasa table ngayon.

"You look so pretty!" nakangiting sabi ng babaeng sosyalin.

"You too." pagbabalik ko naman sa kanya.

"Bago ka lang dito, Ija?" tanong naman ng kasama niya na mukhang businessman sa suot nitong suit.

"Opo." nakangiti ko namang tugon.

Kinuha ko na ang mga order nila at agad na nagtungo sa kitchen. Hindi ko alam na may isang pares ng mata na kanina pa pala nakatingin sa akin.

Nginitian ko si Mr. Saavedra nang agad ko itong mapansin.

Siguro pinagmamasdan lang niya kung paano ako magtrabaho. For evaluation kumbaga.

Seryoso pa rin ang mukha nito na agad namang ibinaling ang atensyon sa ibang bagay. Nagkibit-balikat na lamang ako at tumulong sa paghahatid ng ibang orders.

Bumalik ulit ako sa kitchen at nakita ko si Luke na pawis na pawis.

OMG. Mukha pa rin siyang mabango kahit pawisan na. Ganyan pala magiging itsura niya kapag nag-ano kami.

Sinampal ko ng mahina ang kanang pisngi ko. "Ano ba, Steph! Umayos ka!"

"Pinagpapantasyahan mo ba si Luke?" pagtataray na naman ni Ursula. Shuta hahampasin ko na talaga 'to ng kaldero!

"Oo." maikli ko namang tugon.

Napaismid naman siya na lalong nagpapangit sa kanya.

"Ilang taon ko na siyang gusto. Kaya layuan mo siya!" nanginginig ang panga niya habang binibitawan ang mga salitang 'yun.

"Ayoko." walang-gana ko namang sagot.

Namula na ang mukha niya. Hindi ko alam kung sa galit o dahil napahiya.

"Akin lang ang Mr. Hottie ko." dagdag ko pa na nagpatulala naman sa gaga.

Napaharap naman ako sa gawi ni Mr. Hottie at nakita kong nakatingin din siya sa 'kin.

Kinindatan ko siya na agad nagpangiti sa kanya.

Galit na galit na nag-walk out si Ursula sa harapan ko. Hahahahaha!

"Ms. Ramirez!" tawag na naman sa akin ni Mr. Saavedra.

Oh no!

-----------------------------------------------------------

Naku! Yari na naman si Steph! Shuta naman kasi yang Ursula/Bampirang Pusit! Arrrrrrgh!

Guys! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa!

Mwaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon