Written by WildestRebel
Knock Knock
Lumikha ng tunog ang pagdikit ng kamao ko sa pintuan na may nakasulat na "Dr. Andrei Saavedra".
"Who's there?" tanong ng taong nasa loob.
"Nanay ni Wally." matipid kong sagot.
"Nanay ni Wally who?" nakakagago naman niyang tanong.
"Nanay ni Wally na ako sa forever magmula nung nakilala kita.." pagsakay ko naman sa trip niya.
Malakas na tawa ang narinig ko magmula sa loob.
"Come in, nanay ni Wally." matawa-tawa niyang utos.
Minabuti ko nang pumasok agad-agad. Gusto ko na kasing maumpisahan ang ano.. X-ray! Ano ba!
"Hi doc!" bati ko sabay ngiti na abot tainga paikot sa batok.
"Hello! Hindi ka ba giniginaw diyan sa suot mo?" tanong ni Dr. Andrei.
"Hindi Doc.. ang init nga ng pakiramdam ko ngayon eh.." pang-aakit ko naman.
"Sige. Lalakasan ko lang ang aircon." anya ni Doc.
Nagtungo nga siya sa tapat ng aircon at nilakasan ito.
"Kainis ang slow naman ng Doctor na 'to." bulong ko sa sarili ko habang naninigas sa lamig.
Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Hindi mo alam kung slow o nang-aasar lang talaga siya.
"D-doc u-umpis-sahan n-na natin a-ang x-ray." mautal-utal kong sabi habang nangangatog pa ang panga.
Bigla niya akong niyakap.
Naramdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan.
May iba pa akong naramdaman.
Ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Nilalamig ka pa ba?" nakangiti niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.
"Yes Doc." Mas niyakap ko pa siya.
This is it. Pancit!
Agad naman akong bumitaw para magpakipot ng kaunti. Hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sakin. Ang ganda ng mga mata niya. Parang pamilyar.
"Maghubad ka 'dun at isuot mo ito." sabay abot niya ng hospital gown pagkatapos ay itinuro niya ang maliit na bihisan.
Dali-dali naman akong nagtungo doon at nagbihis.
"Hubarin ko na rin kaya pati panty ko. Basang-basa na kasi e." bulong ko sa hangin habang kinakapa ang kulay pink kong panty na polka dots at may butas.
Naihi kasi ako kanina kaya medyo mapanghi na. hmm. HAHAHAHA!
"Steph, tumayo ka lang diyan. Saglit lang 'to." pag-utos niya sa akin habang inaayos ang pwesto ko sa isang sulok ng kwarto.
Maya-maya ay isang malakas na ilaw ang tumama sa katawan ko.
"Alright!" Anya ni Doc.
Pagkatapos ay agad niya akong pinaupo at pinakinggan ang puso ko gamit ang stethoscope. Pinanganga rin niya ako gamit ang maliit na popsicle stick.
"Okay. Tapos na. Maaari ka nang magbihis." utos niya habang nakatitig pa rin sa mga mata ko.
"Ayokong magbihis Doc." wala ko sa sariling sagot.
"Ano 'yun?" natatawa niyang tanong.
"Eto na nga magbibihis na." paglalandi ko naman.
Haaay parang may cctv sa kwarto ni Doc kaya baka bawal mag-ano!
"Salamat Doc!" pagpapasalamat ako habang pupungay-pungay ang mga matang di na pantay ang eyeliner.
Tumalikod na ako at akmang aalis na nang..
bigla niya akong halikan.
O________O
Ang init ng labi niya.. at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso naming dalawa..
Nakipaglaban na rin ako ng halik.
Nang biglang..
"Ahm.. sorry Steph." paghingi niya ng tawad kasabay ng kanyang pagtalikod.
"Okay lang Doc. Isa pa." ngunit hindi na siya ulit humarap kaya nagpaalam na lamang ako.
Lumabas ako sa kwarto niya na dilat ang mga mata. Bakit kaya hininto niya? Hayyys!
"Ms. Ramirez, balikan mo na lang bukas ang results." nakangiting sabi ng sekretarya niya.
Tumango na lamang ako. Hindi ko magawang magpasalamat. Pakiramdam ko wala akong dila, nasipsip rin ata ito ni Doc kanina.
Limang beses ako nadapa bago makarating sa bahay. Hindi kasi maalis sa utak ko si Dr. Higop.
"Ang landi mo Steph!" bulong ng aking konsensya.
"Matagal na." sagot ko naman habang nakatingin sa salamin at gandang-ganda sa sarili.
-----------------------------------------------------------
Ang lakas talaga ng kamandag ni Steph! Nakatuklaw ng Doctor! Nyay!
Ang daming tanong na bumabagabag sa utak ni Steph dahil sa kinilos ni Dr. Higop.
Ano na kayang mangyayari sa susunod na chapter? HAHAHA!
Abangan nyo na lang!
Salamat sa pagbabasa! Vote at Comment na rin kayo :D
![](https://img.wattpad.com/cover/126203561-288-k833503.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...