Kabanata 27

18 5 2
                                    

Written by WildestRebel

"Steph!" marahang hinawakan ni Luke ang kamay ko dahilan upang mapalingon ako sa direksyon niya. "Are you.. okay?" seryosong tanong naman niya habang mahigpit pa ring nakahawak sa kamay ko.

Ngumiti naman ako para siguraduhin sa kanya na ayos lang ako. "I'm fine. Don't worry about me, Luke." giit ko pa. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Siguro kailangan ko munang layuan si Luke, ayokong masaktan siya. Hindi pa naman pagmamahal yung nararamdaman ko para sa kanya.. alam ko yun.. because I've never felt love before.. iba siya sa lahat ng mga lalaking nakilala ko.. ayokong saktan ang isang anghel na katulad niya.

"Are you sure?" paninigurado pa niya dahilan upang matawa ako. Itinaas ko pa ang kaliwang braso ko na tila ba nagpapakita ng muscles. "Nasaan? Wala naman e." pang-aasar pa niya pagkatapos ay sabay na kaming napahalakhak. Tumatawa ako pero hindi naman talaga ako masaya. I'm that good in faking my emotions.

Nakita namin ni Luke na papunta sa'min si Mr. Saavedra. Seryoso ito at dire-diretso ang paglalakad. Naka-business attire ito at ang shiny ng sapatos. Nag-kiwi ata.

"Steph." napabuntong-hininga siya habang iiling-iling. "Yung tungkol kanina.." napalingon siya sa direksyon ng matapobreng babae kasama ang mga magulang ni Luke dahilan upang mapatingin din kami sa direksyon nila. Napansin ko na may mga bago silang kasama.

Oh my gulaaaaaaaay!

Shuta bakit nandito na naman sila?

"Dito ka na muna, si Bob na lang muna ang mag-aasikaso sa table nila Mom." imbis na madismaya ako sa sinabi ni Mr. Saavedra ay nagtatalon pa ako sa tuwa. Agad naman akong huminto nang mapansin kong nagkatinginan sina Luke at Sir Andrew.

Napangiwi naman ako sa kahihiyan. Hindi pa rin sila nagsasalita at kitang-kita sa mga mukha nila ang pagtataka. Nakataas pa ang kilay ni Mr. Saavedra. "Hindi.. Sir! Mali kayo ng iniisip. Hindi naman sa ayokong magtrabaho kaya nagtatatalon ako.." Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso kaya sa mga pinggan ko na lang binigay ang atensyon ko. "Maghuhugas na lang ako ng mga plato!" dagdag ko pa habang nakangiti.

Binigyan naman ako ni Luke ng, Okay-Ka-Lang-Ba-Talaga look na agad nagpatango sa akin. Sobrang saya ko talaga kasi hindi ako makikita ng nga magulang ko. Hindi pa kasi ako handa na magpakita sa kanila. Agad akong nagtungo sa lababo upang maghugas ng mga pinagkainan. "Bagong manicure pa naman ako!" inis na inis ako habang bumubulong sa hangin. "Mas okay na 'to. Magpapamanicure na lang ako ulit mamaya." dagdag ko pa.

"So kapag araw-araw kang pinaghugas ng plato, Steph? Everyday, iba-iba ang kulay ng kuko mo?" - konsensya

Agad akong napaisip 'dun. Ang mahal pa naman magpa-manicure. Baka sa kuko lang mapunta ang mga makukuha kong sweldo.

"Napahiya ka 'dun, girl!" boses yun ni Ursula. Hindi ko na siya nilingon. Yung mukha pa naman niya ay makabasag-pinggan baka kapag binato ko 'tong mga hawak ko sa kanya e mabasag, yari ako. "Ha-ha-ha! Kunwari walang naririnig kasi talunan!" pang-aasar pa niya habang tumatawa. Yung tawa niya kakaiba parang bumubuhay ng patay. Siguro kapag sa sementeryo siya tumawa e babangon ang mga bangkay pero siya lang ang hahabulin, mukha kasi siyang impakta. Bwisit.

Hindi ko na lang siya pinansin dahilan para siya ang mainis. "Hoy Steph! Napapahiya na ako dito oh! Mukha akong tanga! Sayang effort oh!" bulyaw pa niya.

"Edi, quits. Parehas na tayong napahiya." sagot ko naman habang tuloy-tuloy pa rin sa ginagawa ko.

"Bwisit!" sigaw niya pagkatapos ay narinig ko na ang mga yabag niya na papalayo sa'kin. Ang lakas ng tunog ng sapatos niya parang pumapadyak-padyak sa sobrang inis. Sana matanggalan ng takong!

"Bestie!" nagulat na lang ako kay Becca, biglang sumusulpot sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa ka-weirduhan niya. "Bestie?" tanong ko naman.

Napayuko siya. "Wala pa kasi akong nagiging, Bestie. Ikaw pa lang ang nakapagparamdam sa'kin na may kaibigan ako." dagdag pa niya habang napapakamot sa ulo.

Ang drama ni Becca.

Ngumiti naman ako at sinakyan na ang kakornihan niya. "Sige, ikaw na ang bestie ko." napapalakpak naman siya sa tuwa. "At 'yun.." ngumuso ako at itinuro ang kinaroroonan ni Ursula. "Ang bwestie natin."

Napatingin siya kay Ursula na abala sa pakikipagchismisan. "Bwestie?" naguguluhang tanong niya.

"Bwisit kasi siya kaya Bwestie." I know it sounds corny kaya natawa na lang ako sa sarili ko. Sino pa bang susuporta sa sarili mo kundi sarili mo lang din.

Napakamot na naman siya sa ulo niya. Mukhang ayoko na siya maging bestie, baka mahawa lang ako ng mga kuto ng hinayupak na 'to. "Ha-ha-ha-ha" natawa siya pero halatang pilit.

"Umalis ka na nga dito. Kaya ko na 'to." natatawa ako habang tinutuloy pa rin ang paghuhugas ng mga pinggan. Ang bibigat naman ng mga ito at parang hindi nababawasan sa sobrang dami.

Nagulat kami ni Becca nang ihatid sa lababo ang sandamakmak na plato. "Shuta! Ano? Kain ng kain?" sigaw ko at agad tinakpan ni Becca ang bibig ko. "Mmmmp mmmmm mmmmmp bitawan mo mmmp akoooo!" hingal na hingal ako ang baho ng kamay ni Becca parang pinanghugas sa pwet. Kagagaling lang ata nito sa banyo. Eeeeew!

"Wag mo nang uulitin 'yun!" bulong niya. "Hindi tayo pwedeng magreklamo sa trabaho natin." dagdag pa niya.

"Wag mo na rin uulitin 'yun." binalik ko sa kanya ang sinabi niya kanina. "Wag mo nang tatakpan ang bibig ko ng kamay mo!" bulyaw ko pa.

"Bakit?" inosente niya namang tanong. Hindi ko na siya pinansin. Kailangan ko nang ituloy ang ginagawa ko para matapos na agad!

Umalis na si Becca, tinawag siya ng isang crew.. may iuutos yata? Napahinto ako sa paghuhugas. Ang sakit na kasi ng kamay ko. Hindi naman kasi ako naghuhugas ng plato e, panay disposable gamit ko sa bahay. Joke! Hahahahaha!

Agad akong napaupo sa isang upuan na nasa kitchen. Hinang-hina ang katawan ko at nangawit ang mga binti ko! Ang tagal kong nakatayo. Huhuhuhu!

"Steph! Hatid na kita pauwi." napatingala ako at halos mawala ang pagod ko nang makita ko ang smile ni Mr. Hottie.

Layuan mo na siya.

Layuan mo siyaaaaa!

Sabing layuan mo siya! - Author

Nagseselos na naman si author. Malandi ako kaya hindi ko na muna siya lalayuan. Pagod kasi ako kailangan ko nang maghahatid sa'kin sa bahay. Bukas na lang siguro ako lalayo sa kanya.

Ngumiti ako bilang tugon. Hinawakan ni Luke ang kanang kamay ko. Pinulupot niya ang kanyang mga daliri sa mga daliri ko.

Holding hands while walking, beybiiiii!

-----------------------------------------------------------

Layuan mo si Luke! Hahahahaha! Pakarat!

Salamat sa pagbabasa!

Lots of love,
WildestRebel

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon