Written by WildestRebel
Pangalawang order ko na 'to ng spaghetti. Paano ba naman kasi ang sarap ng luto ni manang, matagal na rin siyang nandito sa school. Mga 165 years na yata, nandito na siya bago pa itayo ang eskwelahan. Tinanong namin siya noon kung anong sikreto niya sa kanyang mahabang buhay.. spaghetti nga raw. Syempre, gawa-gawa ko lang lahat 'yun. HAHAHA!
Pinaikot-ikot ko ang pasta sa tinidor pagkatapos ay dahan-dahang isusubo na mistulang artistang gumaganap sa isang tv commercial. Kanina pa nga ako pinagtitinginan ng mga tao rito. Hindi ko alam kung saan ba sila natatakam, sa spaghetti ba o sa'kin? Bahala na!
*-*-*-*
Isang magarang sasakyan ang nakaparada ngayon sa parking lot ng school. Agaw pansin ang isang black porsche at ang lalaking nakasandal sa may gilid nito. Pinapalibutan siya ng mga tao kaya hindi ko masyadong makita kung sino ba 'to. Nakiusyoso na rin ako, diretso akong naglakad patungo sa direksyon ng lalaki pagkatapos ay marahang hinawi ang mga tao at nagsisiksik dahilan upang marating ko na ang unahan at makita nang malapitan ang taong pinagkakaguluhan.
"DR. ANDREI!" sigaw ko habang nanlalaki pa ang mga mata. Tumingin naman siya sa gawi ko ganoon din ang iba pang taong nakapalibot sa kanya.
Ngumisi siya at agad na kumaway sa'kin. "BABE!" sigaw din niya na agad ikinagulat ng marami. Lumapit siya sa'kin pagkatapos ay inakbayan niya ako para lalong mapalapit sa kanya.
"Steph! Iba yan sa guy na pinuntahan ka sa classroom kanina ah." pagsingit ni Eva na nakikiusyoso rin.
Nagsimulang umugong ang bulung-bulungan sa paligid.
"Akala ko naman seryoso siya sa lalaking pumunta kanina." bulong ni Mara, ang chismosa kong kaklase, sa katabi niya.
"Mukha pa naman 'yung good boy tapos niloloko lang pala niya?" tanong pa 'nung isa.
"Si Stephanie Ramirez yan, remember?" sabat na naman ni Eva sa dalawa.
Nakita ko ang ekspresyon ng mukha ni Dr. Andrei at di maalintanang nagulat siya sa kanyang mga narinig.
Nagkibit-balikat na lamang ako pagkatapos ay tinitigan sila ng masama dahilan upang mabawasan ang mga taong nakikiusyoso hanggang sa tuluyan nang magsialisan ang lahat.
"Anong ginagawa mo rito, doc?" bulong ko sa kanya dahilan para mapangiti siya.
Humigpit lalo ang pag-akbay ni Dr. Higop sa'kin. "Hindi kita nakita sa resto kahapon e, nabalitaan kong tinanggal ka raw ni Andrew kaya pinuntahan kita rito."
Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan. Napatingin ako sa kanyang gwapong mukha at marahang tumango habang nakangiti. "Oo, pero babalik na rin ako ngayon."
Napangisi siya pagkatapos ay napatingala. "Kaya ba pumunta rito si Andrew?" Umiling-iling siya habang nakatingin sa'kin. "Hindi siya nagsasayang ng oras sa mga empleyado niya."
Alam ko na ang gustong sabihin ni Doc pero ayoko 'tong paniwalaan. Sigurado akong hindi ako gusto ni Mr. Saavedra.
"Wag ka nang magselos, Doc. Hindi mangyayari 'yun." bahagya kong kinapa ang matigas niyang dibdib para maiba ang usapan.
Natawa naman siya sa kalandiang ginawa ko. "Tara, hatid na kita sa resto." pagpupumilit pa niya.
*-*-*-*
Andrew's POV
"Andrew, sira ka na ba? Bakit kailangan mo pang puntahan si Steph kanina. Baka iba ang isipin niya!" kinakausap ko ngayon ang aking sarili. Mistulang nababaliw sa ginawa kong ka-shit-an sa school na pinapasukan ni Steph.
Kanina pa ako palakad-lakad sa harap ng resto. Bakit nga ba ako nandito? Baka pag dumating si Steph e isipin ng iba na hinintay ko talaga siyang makarating.
Oo, hinihintay ko naman talaga siya.
Pagsasabihan ko lang naman siya. Orientation ulit kumbaga baka di niya kasi naintindihan noon ang mga kailangang gawin sa trabaho.
Napabuntong-hininga ako at nagbabalak nang bumalik sa loob ng marinig ko ang busina ng isang kotse kaya napalingon ako sa direksyon 'nun.
Kotse ni Kuya.
Galing na siya rito kahapon, hinahanap niya si Steph. Siguradong masisiyahan 'yun sa balitang binalik ko na sa trabaho ang babaeng gusto niya.. gusto nila ni Luke. Pinabalik ko siya dito sa resto dahil naaawa ako sa kalagayan niya. Alam kong nangangailangan talaga siya ng trabaho at ako lang ay may karapatang magtanggal ng empleyado, hindi ang mga magulang ko. Matagal-tagal din namang mawawala sila Mom dahil may business silang inaasikaso abroad kaya hindi naman na nila makikita si Steph.
Bakit ba parang pinoprotektahan ko ang babaeng 'to?
Binuksan ni Kuya ang pintuan ng kotse niya pagkatapos ay kumaway sa'kin. Tumango na lang ako bilang sagot. Pumunta siya sa kabila at pinagbuksan ang taong nakasakay 'dun.
Si Steph.
Magkasama pala sila..
E ano naman sa'kin? Naiinis lang ako ngayon..
Siguro dahil mistulang pinaglalaruan lang ng babaeng 'to sina kuya at Luke.
"Good afternoon, Mr. Saavedra!" masiglang bati ni Steph pagkatapos ay hinawi ang buhok na nakaharang sa bandang pisngi niya. "Salamat po ulit kasi binalik mo ako sa trabaho." maaliwalas ang mukha niya, ang sarap niyang titigan.. Ngumiti na lang ako bilang pagbati.
Ano ba itong mga iniisip ko.
"Andrew." pagsabat ni Kuya dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ko. Nakasimangot ito at seryosong-seryoso. Napatingin naman sa kanya si Steph at maya-maya'y napangiti siya dahil dito.
Nginitian ko siya. "Kuya, tara kumain ka na sa loob." pag-aanyaya ko naman. Tinignan niya ang kanyang orasan pagkatapos ay umiling-iling.
"Hindi na, Andrew. May appointment pa ako ngayon, hinatid ko lang si Steph." tinapik niya ang kanang balikat ko pagkatapos ay nagpaalam na. "Sige, bro!"
Lumapit siya kay Steph pagkatapos ay hinawakan ang baywang nito at hinila papalapit sa kanya. "Bye, babe." marahan niya itong hinalikan sa labi.
Kumaway kaming dalawa ni Steph habang papasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan. "Tara na, Steph. Marami pa akong gustong sabihin sa'yo."
Namula naman siya sa narinig pagkatapos ay napahawak sa kanyang dibdib. "Ano ho 'yun? Tatanggalin mo na agad ako?"
Napatawa naman ako at pinagbuksan na siya ng pinto papasok sa loob ng resto.
-----------------------------------------------------------
Hmmmm. Ano kaya ang mga sasabihin ni Mr. Saavedra?
Guys! Sorry medyo natagalan ang pag-update! Huhuhu! Medyo busy :"<
Salamat sa pagbabasa! Keep on voting! Mwaaa!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...