Written by WildestRebel
Steph's POV
Nakakahiya kay Mr. Saavedra. Nakita niya na butas yung suot kong panty! Siguro mas okay pa kung wala na lang akong suot para hindi na niya ako tanggalin sa trabaho. Ano nga bang dahilan? Siguro pakana 'to ng matapobre niyang nanay! Pinag-iinitan niya ako e hindi ko naman type si Mr. Saavedra! Duh?!
"Anak din niya si Dr. Andrew." pag-epal na naman ng aking konsensya.
Edi itago niya lang sa mamahalin niyang panty na hindi butas 'yung mga anak niya! Nawala bigla yung lagnat ko pero sumasakit naman 'yung batok ko ngayon.
Marahan kong hinilot ang aking batok kasunod naman ang ulo ko at maya-maya ang dibdib ko. Baka mapasayaw na naman ako ng Spaghetti nito.
Apir tayo sumakit ang ulo ko
sumakit ang dibdib ko sex bomb~ sex bomb~ sex bomb~Medyo iniba ko yung lyrics. Pabayaan ninyo na lang. Thanks.
"Kailangan ko nang maghanap ng trabaho." napayuko ako habang iiling-iling pagkatapos ay nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Naisip ko lang na parang ang sarap maging boyfriend ni Mr. Saavedra, maasikaso at AAAAAARGH! NOOOOO! Isang malaking ekis.
Masarap lang siyang magluto, Steph? Okay? Okay.
Napatingin ako sa pintuan at nakita na nasira pala ang doorknob. Nakalimutan magbayad ni Mr. Saavedra, paniguradong babalik na naman 'yun at sisiguraduhin ko na sa kanyang pagbabalik ay maayos na panty na ang aking susuotin.
*-*-*-*
Luke's POV
"WHAAAAAAAT?" sigaw ko kay Andrew nang makabalik na siya sa restaurant. Nagulat ako sa biglaan niyang pagtanggal kay Steph sa trabaho. Pwede naman niyang wag sundin si tita tutal siya naman ang may-ari ng resto. May iba pa bang dahilan? "Bro, alam mo naman na nangangailangan ng trabaho yung tao." dagdag ko pa. Iniisip ko kung ano na ang mangyayari kay Steph, nag-aalala ako sa kanya.
Pinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. "Bro, magtatrabaho ka pa rin ba rito kahit wala na siya?"
Nagkibit-balikat na lamang ako. Si Steph lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito e. "I don't know, bro."
"Natagpuan ko siyang walang malay kanina." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ang taas ng lagnat niya at sobrang putla pa niya." dagdag pa niya habang iiling-iling.
"Okay na ba siya ngayon?" gustong-gusto ko na siyang puntahan. Parang di matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ko nasigurado na okay nga siya ngayon.
Ngumiti naman si Andrew pero nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya.
Nag-aalala siya kay Steph?
"She's okay. No need to worry, bro." paninigurado niya pagkatapos ay tinapik ako sa kaliwang balikat.
"Puntahan ko lang siya." pagpapaalam ko naman tapos ay mabilis na akong nagtungo sa bahay ni Steph.
*-*-*-*
"Steph!" sigaw ko nang makita ko siya na nakahandusay sa gilid ng kanyang kama. Niyugyog-yugyog ko ang balikat niya. "Steph? Uyy Steph?"
Minulat niya ang kanyang mga mata kasabay ng pagguhit ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Mr. Hottie ko." Inalalayan ko siya at marahang pinaupo sa kanyang kama.
"Anong nangyari? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod kong tanong dahilan upang mapahalakhak siya.
Napatakip pa siya sa kanyang mukha gamit ang isang unan habang humahagikgik. "Ahm. Nalaglag lang ako sa kama, Luke." napakamot naman ako sa ulo at maya-maya'y napatawa na rin.
"Loko ka. Pinag-alala mo ako." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at kinurot-kurot ang mga ito.
Ngayon naman ay pinipisil niya ang aking ilong na tila ba nanggigigil. "Wag kang sumimangot, Mr. Hottie. Lalo kang nagiging pogi." giit pa nito dahilan para mapangiti ako.
"Okay ka na ba ngayon? Nagugutom ka ba?" nag-aalala pa rin ako sa kanya baka masama pa ang kanyang pakiramdam, hindi lang niya sinasabi.
Marahan siyang humiga sa kama at napapikit. "Okay na ako, Luke." pagkatapos ay hinimas-himas niya ang kanyang tiyan. "Busog pa ako." mabuti naman at nakakain na siya, wala pa naman akong dalang pasalubong.. nawala sa isip ko dahil sa sobrang pag-aalala. "Pinagluto ako ni Mr. Saavedra." dagdag pa niya.
Pinagluto siya ni Andrew?
Bihira lang gawin ni Andrew 'yun sa isang babae. Baka nga si Steph pa lang ang pinagluto niya ng pagkain.
Bakit?
"Mr. Hottie?" nagulat na lang ako nang tawagin ako ni Steph. Hindi ko namalayan na kanina pa nga siguro ako nakatulala. "Ikaw yata yung nagugutom."
Ngumiti ako at napatitig kay Steph na ngayon ay nagtataka. "Mabuti naman at naging mabait sayo si Andrew."
Napaismid siya pagkatapos ay bahagya akong inirapan. "Baka type niya ako." pagkatapos ay humalakhak na naman siya.
Baka type ni Andrew si Steph?
Hindi papatol si Andrew sa ganitong babae. Sa babaeng kailangan mong sumugal kung magtitino nga ba? Masyado yung mapili.
At hindi naman siguro siya papatol sa babaeng gusto ko?
"Uyy nagseselos?" biro naman ni Steph. "Hindi ako type nun at hindi ko rin siya type." hinawakan niya ang kamay ko dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko. "Ikaw lang ang type ko, Mr. Hottie." hindi ko alam kung totoo pero gusto ko 'tong paniwalaan.
Ayokong masaktan kaya nga hindi rin ako nagseseryoso pero ngayon.. kung kailan naman alam kong masasaktan ako 'dun naman ako magseseryoso.
Haay ewan ko sayo Luke, tama na ang panonood ng kdrama. K? Hahahaha!
-----------------------------------------------------------
Akalain mo yun? Tumataas ang rank natin! Cheers!
Nilalagyan ko na lang ng kadramahan kaya medyo shunga na mga characters! HAHAHA!
Salamat sa pagbabasa! Mwaaaaa!
Voooooote naman jan hihihi
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...