Written by WildestRebel
Andrei's POV
Naka-ilang beses ko nang nahuli si Luke na nakatingin sa'min. Masasabi kong hindi nito gusto ang nakikita sa talas ng kanyang mga titig at hindi na maipintang pagmumukha. Sa pagkakakilala ko kay Luke, katulad ko rin siya na hindi nagseseryoso. Base sa kinikilos niya, gusto niya talaga si Steph pero.. seryoso nga ba talaga siya?
"Dr. Andrei!" nakangiting tawag ni Steph. Saglit na natulala ako sa kagandahang taglay ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Babe." pilyo ko namang sagot.
Napangiwi naman si Andrew.
"Babe? Kayo na ba?" natatawang tanong niya.
Napaismid naman ako. "Malapit na."
Halatang nanigas ang panga ni Andrew sa kanyang narinig kaya ibinaling na lang niya ang atensyon sa paglalaro ng candy crush. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Anong level na kaya niya ngayon?
Muli akong napalingon sa gawi ni Steph at kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi na mas lalong nagpatingkad sa kanyang features.
"Eneeee beeee." kasabay ng paghampas niya sa dibdib ko. Mahina lang ito na may halong paghagod.
Hinuli ko ang kamay niya at marahan ko itong inangat at inilapat sa aking labi.
"Bro." matigas na sabi ni Luke.
Agad ko namang binitawan ang kamay ni Steph at napaismid sa nakasimangot niyang mukha.
Tinignan ko muli si Steph at hindi ko makita ang pag-aalinlangan nito sa ginawa ko o sa nararamdaman ni Luke. Manhid nga ang babaeng 'to kaya hindi dapat ito seryosohin.
"Steph." puno ng pagsusumamo ang boses ni Luke.
Napangiti naman sa kanya si Steph. "Mr. Hottie." bulong pa niya.
Napakamot na lamang ng ulo si Andrew na kanina pa pala nakatingin sa'min.
"Bro. Gutom ka na 'ata? Pati kamay ni Steph. Gusto mo na kainin?" pang-aasar ni Luke.
"Iba ang gusto kong kainin sa kanya." matigas ko namang tugon.
Napa-awang naman ang kanilang mga labi sa kapilyuhan ko.
Dumating ang ibang crew at inilapag na sa lamesa ang mga paborito kong pagkain. Crispy pata, sweet and sour fish fillet, pork sisig, at kung anu-ano pang matamis. Kabisado pa rin talaga ni Luke ang mga gusto ko. Sana alam din niya na gusto ko si.. Steph.. na gusto kong mapaibig ito.
Ramdam ko pa rin ang bigat ng paghinga ni Luke na tila may malalim na iniisip.
"Salamat bro!" pagkatapos ay bahagya ko siyang tinapik sa balikat.
"Wow!" nanlaki ang mga mata ni Steph. "Leche flan!" masayang sabi nito na parang bata.
Napatawa naman si Luke na agad nagpagaan sa bigat ng mga pangyayari.
"Ang daming pagkain, ayan lang ang napansin mo?" tanong ko naman habang natatawa na rin.
Nahuli ko si Andrew na nakatitig lang at nakangiti kay Steph. Agad naman siyang napayuko nang mapagtantong nakatingin ako sa kanya.
"Magpakabusog kayo." nakangiting sabi ni Luke at pagkatapos ay umalis na ito.
Andrew started digging his food. Mukhang mas gutom pa 'to kaysa akin. Una namang tinikman ni Steph ang leche flan. Haaaay!
Ang babaeng katulad niya ay parang leche flan. Masarap lang sa una pero nakakasawa rin.
Nawala ang aking pag-aagam-agam nang bigyan ako ni Steph ng isang matamis na ngiti. "Kumain ka na, Doc." sabi pa niya.
Muli kong tinignan ang mga pagkain. Aba! Kaunti na lang. Walang hiyang Andrew 'to.
"Kuya, kumain ka na." pag-anyaya pa ng kumag.
"Ubusin mo na lahat!" pagbibiro ko naman.
Nang akmang uubusin na nga niya ay inagaw ko ang mga ito at mabilis na kinain.
"Ang cute ninyong magkapatid." natatawa si Steph habang nilakantakan pa rin ang paubos na leche flan.
Napatahimik naman kami ni Andrew. Ako lang dapat ang cute at ayoko ng cute pang-aso 'yun e.
Lumapit ang isang crew medyo namumukhaan ko ito. Siguro matagal na siya rito. Balingkinitan din ang kanyang pangangatawan ngunit hindi kalakihan ang mga dibdib. Morena siya at may matangos na ilong.
"May kailangan pa po ba kayo, Doc?" tanong niya naman habang pupungay-pungay ang mga mata.
"Wala naman. Thank you." nakangiti kong sagot habang sinusundan ng tingin ang pakembot-kembot niyang pwetan habang naglakakad palayo.
"Steph, bakit hindi mo binati yung bestfriend mo?" mistulang inaasar ni Andrew si Steph.
"Duh?!" pagtataray niya na agad naman niyang binawi. "Ayy.. sir..Kay Doc kasi ako nakatingin kaya hindi ko siya napansin." pagkatapos ay kinindatan niya ako.
May appointment pa pala ako. Kailangan ko nang umalis.
Nanlaki ang mga mata ni Steph nang bigyan ko siya ng mabilisang halik sa labi.
Muling napa-awang ang bibig nina Andrew at Luke sa nakita.
"Bye babe!" nginitian ko siya pagkatapos ay agad na kumaway sa aking kapatid at kay Luke.
Agad na tumalikod si Luke. Hindi man lang niya ako pinansin.
Dapat lang na layuan na niya si Steph.
Makakasira lang siya sa mga plano ko.-----------------------------------------------------------
Kawawa naman ang Mr. Hottie ko! (╥_╥)
Punyeta ka Steph! Nadadala na rin ako sa mga nasusulat ko. Shuta!
Ano na kaya ang mangyayari kina Steph at Luke? Abangaaaaaaan~
Hindi ako mapapagod na magpasalamat sa patuloy niyong pagsuporta sa HNMT!
Salamat sa inyong pagboto!
Mwaaaaaaaa!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...