Kabanata 5

63 7 0
                                    

Written by WildestRebel

"Eng sherep nye" bulong ko sa sarili ko habang sinusundan ng tingin ang mesherep na duktor papunta sa isang kwarto 'dun.

Hindi ako mapakali. May nangangati.

Hinampas ko ang braso ko at nakita ang isang kulay pulang langgam na nahati sa dalawa.

"Kawawang langgam. Panira ka kasi ng moment." bulong ko habang kinakamot ang parte na nagpantal dahil sa kagat. 'Yun pala ang nangangati, kung anu-ano ang iniisip ninyo!

"Miss, eto tissue.." pagputol ng sekretarya sa mga iniisip ko.

Napansin ko na lang na basang-basa na ang sahig. Hindi tissue ang kailangan ko, gaga kailangan ko ng mop!

Napagtanto ko na lamang na kanina pa pala ako naglalaway.

"Naku miss, pasensya ka na! Kinagat kasi ako ng aso sa kanto namin 'nung nakaraan. Ngayon lang ata umepekto ang rabies." pagdadahilan ko.

Natawa na lang ng sekretarya sa dahilan kong halatang pinag-isipan.

"Eto na ang number mo, Miss." sabay abot ng laminated number sa kulay green na background.

"Salamat po." nagbigay ako ng matipid na ngiti at umupo na sa waiting area.

"Pangalawa ako. Lagi na lang akong pangalawa." Napahugot ako sa kaba na aking nararamdaman.

9:30 A.M.

Muli kong sinulyapan ang mga medical tests na kailangan ko.

Blood and Drug Test, X-ray, Urinalysis.

"Sana yung poging duktor yung mag-eksamen sa katawan ko. Maghuhubad ako. Pramis." sambit ko sa hangin habang nag-uunat sa kinauupuan ko.

"Number 2!" sigaw ng babaeng nurse na medyo may edad na.

Mabilis akong pumunta sa kwarto kung saan pumasok ang nurse.

ohh la la

Nasa langit na ba ako?

Bakit ang popogi ng mga nurse dito?

Napatingin naman sila mula ulo hanggang paa ko. Iba ang ngiti nung isang nurse na medyo bad boy na kahawig naman ni Tony Labrusca, parang may ibig sabihin.

Ang hot niya.

"Miss, umupo ka na. Kukuhaan na kita ng dugo." nakangiting sabi ng isang cute na nurse na mala-Ronnie Alonte ng Hashtags.

"Saan ako uupo?" malanding sagot ko naman sa kanya na kunwaring kinakabahan.

Nagtawanan silang dalawa sa kaharutan ko.

"Steph, umayos ka." bulong ko sa sarili ko.

Inalalayan naman nila ako sa pag-upo.. sa hita ni este sa upuan.

"Miss, kukuhaan ka namin ng blood at drug test. Relax ka lang. Parang kagat lang 'to ng langgam." nakangiti pa ring sabi ng isa.

"Ouch!" napahiyaw ako sa kirot na aking naramdaman.

Hindi naman talaga siya 'ganun kasakit.

"Isa na lang." sambit naman ng isa habang may kinukuhang mukhang ballpen na injection 'ata.

"Ouch! Ang sakit!" OA ko na namang reaksyon.

"Ayan! Tapos na." nakangiting sabi ng nurse na mala-Tony Labrusca.

Hindi ako makalandi ng maayos dahil panay ang lingon sa akin ng isang nurse na kakambal ata ni Winnie Cordero.

"Eto miss. Kukuha din kami ng sample ng ihi mo." iniabot sa akin ng isa kong baby este nurse ang isang maliit na botelya para sa urinalysis.

"Okay. Maraming salamat!" nakangiti kong sagot.

Nagtungo agad ako sa C.R. para kumuha ng sample. Lintik naman! Hindi ma-shoot sa maliit na botelya ang wiwi ko! Gaaaaad!

"Shocks! Wala nang lumalabas na wiwi. Nanghihina na ako." panlulumo ko.

Nagtalsikan pa sa sahig ang iba. Yuck!

Lumabas muna ako para uminom ng tubig. At sa panlimang pagsubok ay nakakuha na ako ng sample.

Iniabot ko agad ito na nanginginig pa ang mga kamay sa sobrang pagod.

"Miss, magproceed ka na sa chest x-ray." tinuro niya ang daan sabay ngiti.

Nagpasalamat naman ako at nagtungo na sa kwartong kanyang itinuro.

OMG. OMG. OMG.

Doon ko nakita pumasok ang pogi at hot na doctor!

Excited na me! Yayks!

-----------------------------------------------------------

Ano kaya ang mangyayari sa magiging encounter ni Steph kay Dr. Handsome?

Abangan sa susunod na chapter!

May nakapansin na bakit daw ang ikli ng mga chapters na ginagawa ko?

Eh trip ko. Bakit ba? Dejk. Maikli kasi para hindi nakakatamad basahin. Orayt?

Salamat sa pagbabasa! Keep on voting! <3

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon