Kabanata 29

22 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Andrew's POV

"Son, tanggalin mo na sa trabaho ang babaeng 'yun!" bulyaw ni mom at napapaismid pa habang tinitignan ang direksyon ni Steph. "I don't like the way you look at her! Parang may ibig sabihin! Hindi ka pwedeng pumatol na lang kung kani-kanino. Get it?!" dagdag pa niya.

Nagulat naman ako sa narinig ko. Ako? May pagtingin kay Steph? "What?! Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko gamit ang aking dalawang hintururo pagkatapos ay natawa dahilan para siya naman ang magulat.

"Whatever son." napabuntong-hininga siya habang nakahawak sa kaliwa kong braso. "I don't like her!" naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagkakahawak. Ipipilit pa niya talaga ang gusto niya. "Tanggalin mo siya."

Tanggalin mo siya..

Kagabi ko pa iniisip ang mga sinabi sa'kin ni mom. Hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko tinatanggal si Steph kaya napagdesisyunan ko na sabihin na lang ito ngayong araw pagdating niya rito sa resto kaso ang problema..

4:15 P.M.

Napatingin ako sa orasan pagkatapos ay napakamot sa ulo.. "Hindi yata siya makakapasok ngayon.." bulong ko pa habang palakad-lakad sa kusina.

"Bro, papasok ba si Steph ngayon?" tanong ko naman kay Luke na ngayon ay napahinto sa kanyang pagluluto. Namula ang mukha nito at nagulat nang marinig ang pangalan ni Steph.

Binalik niya ang atensyon sa paglalagay ng mga ingredients at maya-maya ay napaharap sa'kin. "Hindi ko alam, bro. Hindi ko na siya nagawang tawagan dahil sunod-sunod ang mga dating ng orders." halata sa mukha niya ang pag-aalala. Siguro namimiss niya na si Steph?

"Pupuntahan ko na lang siya sa bahay. I'm sure na alam mo ang address niya." napalunok si Luke sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Wala naman siyang dapat na ikaselos kung nagseselos man siya. Hindi ko type si Steph!

Ngumiti siya nang mapansin na sinusuri ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Sige bro! Paki-check kung ano na nangyayari sa kanya."

Tinawagan ko na rin ang school na kanyang pinapasukan at sinabing hindi nga siya nakapasok ngayong araw kaya wala na akong magagawa kundi pumunta sa bahay niya.

*-*-*

Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Steph. Sinunod ko lamang ang direksyon na binigay ni Luke. Sinuri ko ang kabuuan nito. Dalawang palapag ito at kulay pink ang kulay. Hindi naman halatang babae ang nakatira dito? Napapaligiran din ito ng mga paso na naglalaman ng mga halaman na sa tingin ko ay gumamela.

Baka maganda lang sa labas pero sa loob may mga ahas at gagamba pala siyang alaga? O baka puno ng manyika at mga itim na kandila?

Napakibit-balikat na lamang ako sa mga iniisip ko at naglakas-loob na lang na pindutin ang doorbell.

Ding dong~ Ding dong~ Dantes~

Nagulat ako kasi may Dantes talaga.

Mahigit tatlong minuto na rin akong naghihintay pero wala pa ring response na manggagaling sa loob. Sinilip ko ang bintana at nagulat ako bakit may kama.. kwarto na agad? Nanlaki lalo ang mata ko nang makita si Steph na nakabulagta sa sahig.. namumutla ito at.. naka-panty lang???

"Steph!" sigaw ko nang akalain ko na magigising siya sa lakas ng boses ko pero wala pa rin. Napilitan akong sirain ang doorknob. Babayaran ko na lang ito mamaya pagkagising niya. Agad akong lumapit sa nakahigang si Steph at mabilis na pinakiramdaman ang pulso nito. Makailang-beses kong tinapik ang pisngi niya para tuluyan na siyang magkamalay pero wala pa rin. Binuhat ko siya papunta sa kama at marahan siyang hiniga. "Steph? Can you hear me?" pilit ko pa rin siyang ginigising. Hinawakan ko ang noo niya at nasisigurado kong mataas ang kanyang lagnat.

"Oops.." Tinakpan ko ang mata ko ng makita ang legs ni Steph. Butas pa ata ang panty. Naku naman! Agad kong binalutan ng kumot ang buo niyang katawan. "Steph? Steph?" namula na ang mukha niya sa kakahampas ko kaya niyugyog ko na lang ang dalawa niyang balikat.

"Mr.... Saavedra..." ngayon ay nakatitig na siya sa'kin at mistulang nagtataka kung bakit nga ba ako nandito.

Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi. "Nakalimutan mo magtanggal ng make-up bago matulog. Ang pula ng pisngi mo." napakamot ako sa ulo nang mapansin kong natawa siya.

Naupo siya at agad na hinilot-hilot ang kanyang ulo. "Anong nangyari?" nagtataka niyang tanong habang nakatingala na tila ba ay hilong-hilo.

"Nakita na lang kita na wala nang malay." nagdadalawang isip ako kung sasabihin sa kanya na tanggal na siya sa trabaho. Hindi naman kasi makatarungan ang dahilan kung bakit ko ito gagawin sa kanya pero paano na lang kung magtanong siya kung bakit ako nandito. "Magsuot ka nga ng maayos, Steph." agad siyang namula nang mapasilip sa ilalim ng kumot. "Magbihis ka na muna. Dun lang ako sa kitchen." napansin ko ang isang maliit na silid na masasabi kong kusina. Binuksan ko ang kanyang refrigerator.. nagulat ako dahil halos walang laman ito maliban sa iilang itlog at manok. Nag-prepare ako ng egg drop soup gamit ang mga ingredients na nakita ko.

Bakit ko ba ginagawa 'to?

Siguro dahil hindi ko kayang pabayaan ang isang taong alam kong may sakit.

Natapos na ako sa hinahanda ko at agad na nagtungo sa kwarto ni Steph. Napaiyak naman siya nang makita ako at.. ang dala kong pagkain. "Ngayon lang ulit may nag-asikaso sa'kin.." naiiyak siya habang yakap-yakap ang kulay puting teddy bear. Malayong-malayo ang Steph na nakikita ko ngayon sa Steph na kilala ko.

"Shhhhhh.." sunod-sunod ang pagsubo ko sa kanya ng soup. Kung may makakakita man sa'min ngayon ay agad na iisipin na may namamagitan nga sa'ming dalawa ni Steph. "Sandali lang." nakita ko ang gamot na nakalagay sa lamesa niya. Pinainom ko siya nito pagkatapos ay marahang pinahiga na sa kama para makapagpahinga. Tinanong ko siya kung nasaan ang mga towels at agad akong kumuha ng isang bimpo at binasa ito.

"Ano bang ginagawa mo, Andrew?"

Napailing na lang ako nang marealize na sobra-sobra na ang ginagawa kong pag-aalaga sa kanya.

Nilagay ko ang bimpo sa noo ni Steph na ngayon ay nakatitig lang sa'kin. Ngumiti siya bigla na nakapagpatalon naman sa aking puso.

Please don't fall in love with her

"Nagpunta ako dito Steph para sabihin sa'yo na.." napapikit siya at bahagyang napasimangot.

Minulat niya ang kanyang mapupungay na mata. "Tatanggalin mo na ako sa trabaho." ngumiti siya at tumango-tango. "Naiintindihan ko, Sir."

Nalungkot na lamang ako bigla sa naging reaksyon ni Steph. Nakangiti pa rin siya.. kahit na..

"I'll go ahead, Steph." pagpapaalam ko naman sa kanya. Tumango siya at nag-flying kiss pa. "Pagaling ka."

"Thank you, Mr. Saavedra."

-----------------------------------------------------------

Mr. Saavedra, wag kang maiinlove sa kanya. Masasaktan ka lang. Hahahaha!

Happy 900 reads! Mwaaaaaa! Maraming salamat!

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon