Chapter 2

29.9K 439 10
                                    

Flashback:

" Xander saan ka na naman ba pupunta ?" mahinang tanong ko sa kanya

" wala kang pakialam" sabay sampal sa akin  agad naman akong napahawak sa kabilang pisngi ko kung saan niya ako nasamapal

" Paki sabi na lang pala pag may dumating na babae dito. Wala ako " cold na sabi niya at umalis na naman

Umiyak na naman ako. Wala namang bago eh. Aalis siya pipigilan ko siya sasaktan niya ako.Napakalayo sa dating kami
Napangiti na lang ako mapait.

Nilinis ko na lang ang nalahandang almusal para sa kanya  ang aga aga kong nagising dito pero ni kahit tikim hindi niya nagawa

Natigil ako sa aking ginawa nang may biglang nag doorbell sa bahay namin.Agad naman akong lumabas para alamin kung sino yun

"ano po yun m-" natigil ang sasabihin ko ng makita ko kung sino yun

" oh how are you my bestfriend?" sarkastikong sabi niya

Hindi ako sumagot. Ayaw kong pumatol sa isang tulad.

"oh anong nangyari dito ?" kunwaring nagaalalang sabi niya habang hawak hawak ang kanang braso ko na may pasa

Agad ko naman itong binawi sa kanya.Hindi pa rin ako sumasagot sa kanya

" kawawa ka naman tsk tsk tsk sinasaktan ka ba ng  asawa mo ? "

" bakit ka ba nandito ?" tanong ko ng hindi na ako makapagtimpi sa mga pinagsasabi niya

" asan si xander my love ?" malanding sabi niya

" wala siya dito" pero hindi siya naniwala at tinulak ako ng malakas para makapasok siya

Agad ko naman siyang sinundan
" wala nga siya dito ano ba bingi ka ba ?!"galit na sabi ko pero prente pa din siyang nakaupo sa sofa at tila ba siya ang may ari ng bahay mamaya pa ay nilibas niya ang phone niya

"hon i'm here in your house where are you?" malanding sabi niya

Naka loud speak ang paguusap nilang dalawa na sinasadya niya para marinig ko kung paano sila naglalandian dalawa

"i'll be there hon wait a minute "
Sabi naman ng isang lalki sa kabilng linya
Walang duda sa boses pa lang niya alam kong siya na yun.Buti pa siya isang tawag lang ni Victoria uuwi na eh ako siguro kahit sabihin kong magpapakamatay na ako hindi pa rin siya uuwi eh .

"okay hon i love you"sabi ni victoria

" i love you too hon "sabi naman ni xander sa kabilang linya. At doon natapos ang paguusap nilang dalawa

"see.. Kaya kung ako sayo umalis ka na. Lumayas ka na sa bahay na ito dahil wala kang lugar dito naiintindihan mo !" sabay duro sa akin " ako ang dapat na nandito, ako ang dapat nanjan sa posisyon mo !" sabi niya at patuloy pa rin akong dinuduro

Nakarating na kami sa gilid ng sala sa kakaatras ko sa kanya. Nawala ung nagwawalang dragon ko kanina ng maringinko ang paguusap nila. Ang sakit lang pala talaga

Maya maya pa naramdaman ko na angkamay niya sa buhok ko. Pilit ko itong tinatanggal pero mas lalong lumalakas ang pagsabunot niya sa akin.Natumba na din kaming dalawa dahil sa kanya pero hindi pa rin siya tumigil hanggang sa tinulak ko siya  na

" walangya ka sino ka para itulak ako ah!" galit na galit na sabi niya

" hindi.... Hindi ko sinasadya " natatakot na sabi ko.

"talaga lang ha!" unti unti siya lumapit sa akin at nung nakalapit na siya malalakas na sampal at hampas ang natamo ko sa kanya. Pinipigilan ko siya pero hindi pa din siya tumitigil. Hanggang sa pangalawang pagkakataom natulak ko siya ng mas malakas dahilan ng pagkakatama ng isang mukha niya sa cabinet

Maya maya pa ay dumating na si Xander.

"Xander help me "sabi ni victoria

"What happen to you ?" tanong naman ni xander. Dumudugo kasi ang kaliwang bahagi ng ulo ni victoria dahil sa pagkakatama sa isang maliit na cabinet

"si Andrea " pagkatapos nun ay humagolgol na siya ng iyak na para bang nag papaawang bata

agad namang binuhat ni xander si Victoria patungo sa kwarto niya para siguro gamutin

" eh ako xander kailan mo gagamutin yung puso kong basag na basag na " mahinang sabi ko sabay tulo ng mga pinipigilan kong luha. Agad ko naman itong pinunasan at tumayo para gamutin yung mga sugat ko sa mga kalmot ni victoria kanina

Pero habang ginagamot ko yung sugat ko nagukat ako ng biglang may humila sa buhok ko na dahilan ng pagkakatayo ko .

"xander" natatakot na sabi ko habang hawak ko ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa buhok ko

Binitawan niya din naman ito. Pero para sampalin ako. Parang matatanggal ung ulo ko sa katawan ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya.

"how dare you do that to victoria. Pag may nangyaring masama sa batang nasa sinapupunan niya makikita mo talaga !" pagbabanta niya sa akin pero ang labis na nagpawasak sa puso ko ay yung sinabi niyang bata sa sinapupunan ibig sabihin buntis si victoria

muli akong napaupo at napahagulgol ng iyak buti pa si andrea nabigyan niya ng anak samatalang akongasawa niya hindi niya mabigyan

Im just your wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon