Chapter 23

13.9K 203 5
                                    

Xander' s POV

" Ano na naman ba to Victoria?" mahinahong tanong ko sa kanya matapos itapon sa mesa ko ang isang envelope

" Open it " nakangisi nitong sabi sa akin

Tinignan ko lang siya na nakatingin pa rin sa akin at nakangisi

Agad ko naman itong kinuha

" wait lang saan ka pala galing kanina" nagtatakang tanong ko dito

5 pm na ngayon at kaninang umaga pa siya wala. Kaya nakakapagtaka na bigla na lang siya nandito

Nakita ko naman na biglang nawala ang ngisi nito sa labi at binaling ang kanyang tingin sa ibang direksiyon

Pilit kung hinuhuli ang kanyang tingin pero pinipilit niya itong iiwas

" a-ah ga- galing ako sa - sa " kumunot naman ang noo ko dahil sa paguutal utal nitong oag sasalita

"Victoria" seryosong tawag ko sa kanya

Nakita ko naman na paramg kinabahan siya. Hindi ko alam pero nararamdaman kong may Itinatago siya sa akin

" Galing ako kina mama kanina" diretsong sabi niya pero hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin

" sige baba na ako. Magluluto na lang ako ng hapunan natin "
Sabi niya at pagkatapos nun ay mabilis siyang umalis

Tinignan ko naman ang isang envelope na hinagis niya sa akin kanina

Kinuha ko ito

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Unti unti ko itong binuksan

At dahan dahan kinuha ang laman nito sa loob

Mga litrato

Mga litrato na labis na nag padarog sa puso ko

Akala ko Ok na tanggap ko na pero hindi pa rin pala

Mas masakit pa rin pala kapag mas nakita mo ng mas malapitan.

Mas masakit rin pala malaman na hindi lang ako yung taong minahal niya

Mas masakit rin pala na hindi lang pala ako yung taong nagpapasaya sa kanya

Mas masakit rin pala makita na tila nakalimutan na niya ako

Ang sakit lang talaga makita ang
Mga litrato ni Andrea kasama ang lalaki niya

Grabe at sa mismong bahay ko pa talaga sila unang nagsama

Unti unti kong nilukot ang mga litratong nasa harap ko at pinagbabato to sa inis at galit

Pinagbabato ko na rin ang mga gamit na mahahawakan ko

"Bakit!" malakas na sigaw ko

Kaya pala nung unang punta ko doon pagkatapos kong umalis ay may mga damit ng lalaki akong nakita

Agad agad akong bumaba at pinuntahan si victoria

Agad kong hinablot ang kaniyang balikat

Nakita ko naman ang gulat at takot sa kaniyang mga mata

" Saan mo nakuha yun?!"
Galit kung tanong

Hindi siya sumagot

" Saan ?!" nagtitimping sabi  ko habang hawak hawak ang braso

" Xander nasasaktan ako "
Sabi  niya habang hawak hawak ang kamay ko na nakahawak sa braso niya

Agad ko naman siyang binitawan  At umalis.

Sumakay agad ako sa aking kotse

Pinaadar ito ng mabilis

Halo halo nararamdaman ko ngayon

Galit, inis, inggit

Sa tuwing naalala ko yung mga nakita kong larawan kanina mas humihigpot ang hawak ko sa manibela

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa isang sikat na bar

Agad kong pinark ang aking kotse

At mabilis na pumasok

Agad akong umupo doon sa harap ng bartender at omurder ng maiinom

" Yung pinakamatapang na inumin niyo" utos ko sa bartender bago pa man niya matapos ang itatanong

Habang hinihintay ang order ko. Maya maya ay may lumapit sa aking isang magandang babae na tila ba kinapos sa tela ang suot dahil halos makita na ang kanyang buong katawan dahil sa sobrang ikli

" hey! Mag isa ka lang " malanding sabi niya sa akin habang hinihimas ang binti ko

Hindi ako sumagot sa kanya pero pinabayaan ko lang siya

Maya maya pa ay dumating na yung inorder ko. Agad ko itong tinungga

" isa pa !" utos ko

" you're so hot " sabi sa akin ng nakita kong babae ko na ngayon ay nakaupo na sa binti ko

Maya maya pa ay hinalikan niya na ako. Tinugunana ko naman siya. Naging mapusok ang aming paghahalikan.Natigil lang kami ng kapwa kami nawalan ng hininga

Pagkatpos ay ininum ko na ang alak na binigay ng bartender

Tumagal pa ako ng ilang oras doon sa bar. Umalis na din ang babae na kahalikan ko kanina dahil sa nasukahan ko ito kanina

" i-isa hik p-a" lasing na sabi ko sa bartender

" sir magsasarado na po kami " magalang na sabi niya

" S- sabi hik k- ko Is- Isa p-pa!"

" pero si-" sasagot pa sana siya ng bigla kong siyang kinuwelyuhan

" I-isa hik p-pa!"

" pe-"magsasalita pa sana siya

Binitawan ko yung pagkakahawak sa kanya at nagsimula ng maghagis ng mga baso

" ah " sigaw ko

" w- walang hik h-hiya ka-yo hik"
Pagwawala ko

Maya maya pa ay sapilitang binuhat na ako ng guard palabas ng bar at hinagis

" p* tang ina niyo"
Pagkatapos nun ay sumakay na muli ako ng aking sasakyan

Hindi ko alam pero parang mas sariling utak ang aking mga kamay ay kusang nagmanahe papunta sa isang lugar na pinaka nag papaala sa akin kung bakit ako ngayon nasasaktan

Ilang minuto lang ang lumipas ang nakarating na ako doon pero laking gulat ko nang makitang nakailaw ang buong kabahayan

Bumaba agad ako ng kotse at dahan dahang naglakad papasok doon

Bukas ang pinto

Kumabog ng malaks ang dibdib ko

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng pinto

Im just your wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon