Continuation
Unti unti kong minulat ang aking mata.
Inilibot ko agad ang aking paningin.
Puti lahat ng sa aking paligid at may mga nakaturok sa aking kamay
Doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako dulot ng pag tangkang pagpapakamatay ko.
Hindi rin nagtagal ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae
" oh gising ka na pala kamusta ang pakiramdam mo ?" Tanong niya sa akin
Kunot noo ko lang siyang tinignan
" ahhh btw Im doctora Alexandra... Uhmmm ako yung gumamot sayo nung sinugod ka dito ng isa sa mga katulong mo " paliwanag niya.
tinanguan ko lang siya
Pero hindi pa rin soya tumigil sa pag tatanong sa akin tungkol sa kalagayan ko
Hanggang sa hindi na ako nakatiis
" Leave me alone " matigas kong sabi
Huminto naman siya sa pag sasalita pero hindi pa rin siya lumabas sa kwarto
" I said leave me alone " medyo napataas na sigaw ko
" You kno-"
" don't you understand.... I want to be alone! "
Ngunit hindi pa rin siya nag patinag. Tinignan niya lang ako at maya maya pa ay ngumiti
" Alam mo ba may kapatid din akong lalaki... Kasing edad mo lang din siya" sabi niya habang nakatingin sa akin Napansin ko din ang unti unting pagluha ng kanyang mata
"Pero wala na siya ngayon. Same lang din kayo nang case. Nagtangka din siyang magpakamatay dahil sa depresiyon sa pagkamatay ng kanyang mag ina dahil sa isang car accident pero hindi tulad mo. Hindi na namin naligtas ang buhay niya kaya ikaw maswerte ka pa."sabi niya sabay pahid ng mga luha niya
Nagulat naman ako sa sinabi niya... Doon lang din ako natauhan na ang swerte ko pa rin. Sa case ng kapatid niya namatay ang mag ina nito pero sa akin hindi pwedeng pwede ko pa sila makapiling ulit. Napakalaki kong gago para gawin ang bagay na iyon sa aking sarili .
" Kaya ikaw kong may problema ka.Wag mong sarilihin. Nandiyan ang mga pamilya mo. Ang diyos at ang mga taong nagmamahal sayo"
"Hahaha pasensiya na kung masiyado akong makulit or madaldal naalala ko lang talaga sayo yung kapatid ko." Sabi niya sabay pahid ng luha niya at maya maya pa ay ngumiti siyang muli sa akin
Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya dahil sa ginawa kong pag susuplado kanina
" Thank you " mahinang sambit ko sa kanya pero sapat na rin para marinig niya
" Walang anuman. Sige maiwan na kita. Magpahinga ka lang diyan" sabi niya sabay labas ng kwarto
Agad naman akong napapikit habang iniimagine ang mga alaala namin ni andrea
"Sana mapatawad mo ako" huling katagang nasabi ko bago ako unti unting nakatulog
End of flashback
After four years
Hinahanap ko pa rin siya
Sila ng anak ko
Ang hirap pala talaga hanapin ang taong ayaw mag pakita
Napangiti naman ako ng mapait.
Paano pala kung hindi ko na talaga siya mahanap. Paano na lang ako ?
Maya maya pa ay may kumatok na sa aking opisina. Agad ko naman itong pinapasok
" Sir sorry but still ganun pa rin wala daw na Andrea Monteverde ang lumabas ng bansa at sa ngayon patuloy pa ring siyang pinag hahanap ng mga tauhan ko "
Agad ko naman naibato ang isang baso sa gilid ko matapos ang aking narinig
" Sa apat na taong ibinigay ko sa inyo. Wala kayong naibigay kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Ako ba pinagloloko niyo. Sinsayang niyo lang ang mga perang ibinibigay ko sa inyo. Simula ngayon hindi na kayo magtatrabaho sa akin. Youre all fired ! Alis !" Bulyaw ko sa lalaking nasa harap ko
Agad naman itong lumabas at ako naman ay naiwang mag isa
Sa aking opisinaPinagtatapon ko naman ang mga gamit na nasa gilid ko dahil sa sobrang galit at inis
"Andrea!"
"Hon!"
Paulit ulit kong sigaw hanggang sa mapagod ako
Umupo naman ako sa gilid at inilagay ang akimg palad sa aking mukha at doon ibinubos ang aking labis na kalungkutan
Alam kong napakagago ko para saktan.... Lokohin.... At ipagpalit ka sa iba pero kahit na ganun umaasa pa din ako na kahit sa huling pagkakataon mapatawad mo ako at maisipang mong magpakita at bumalik sa piling ko
Dahil ngayon pakiramdam ko. Nabubuhay na lang sa pagasang balang araw mag kakasama at mabubuo din tayo mag pamilya
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...