Maaga akong nagising ngayon
May ngiti sa aking mga labi. Sana tama ang desisyong gagawin ko.
Napagawi sa gilid ko ang aking tingin. Kinuha ko ito at hinawakan
"Babawi ako sayo"mahinang sambit ko at nilapag ito sa gilid ng aking kama
Ayoko ng maging selfish. Sapat namana siguro yung ilang taon ibinigay niya sa akin.
Mabilis akong nag ayos nga aking sarili para bumili ng pang agahan namin mamayang umaga. Gusto kong gawin ang nakagawian namin dati.
Gusto ko na lang kalimutan lahat ng nangyari sa nakaraan ko sapat namana sigurong kabayaran ang sobrang pananakit niya sa akin nun para mag desisyon akong di na ipakilala sa kanya ang kambal
Nag madali naman akong umayos. Para maaga akong makabalik.
Pag kalabas ko ay saktong may tricycle agad ko itong pinara at sinabi kung saan ako nito ibaba
Mga sampung minuto lang ang lumipas ng nakarating ako sa palengke.
Agad naman akong dumiretso sa loob pero di ko inaakala na ganto pala karami ang namamalengke ngayon
Nakaramdam ako ng unting hilo dahil sa samu't saring amoy. Napahawak naman ako sa aking tiyan para protektahan ito dahil baka masiko o ano pa man dahil siksikan talaga dito
Pero di ko to ininda at nag patuloy at nag simula ng bumili ng mga kakailanganin
"Manang dito nga po tas dalawa dito "
"Oh ito ih- Ayos ka lang ba ? Namumutla ka ?" nag aalalang tanong ng tindera sa akin
Ngumiti lamang ako at inabot sa kanya ang bayad pero sa pag abot ko ng mga ito di ko sinasadyang mabitawan ang mga barya dahilan upang mag kalat ang mga ito.
Agad naman akong napahawak sa aking ulo nang maramdamang mas lumala ang aking pag kahilo. Maya maya pa ay nag dilim na ang aking paningin.
Pinilit ko pa ring tumayo ng maayos. Sinubukan kong humawak sa lamesa na nasa gilid ko pero di ko na kinaya at nawalan na ng malay.
Bryan's POV
pagkatapos ng mga sinabi ni andrea kagabi hindi ko pa rin alam kung ano bang dapat kung gawin.
Pero di pa rin mababago nun kung gaano ko pa rin siya minamahal ngayon at kailanman di na mag babago yun.
Maya maya pa ay napagpasiyahan ko na silipin siya sa kanyang kwarto.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon .
Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi siya magising. Di pa din nawawala ang kaba sa aking dibdib
Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
Walang andrea sa kwartong iyon. Tuloyan niya na ba akong iniwan.
Pumasok ako sa kwarto at sinubukan tignan kung nandoon siya cr umasa kahit maliwanag pa sa sikat ng araw kung anong nangyayari ngayon.
Agad akong bumalik sa aking kwarto at doon ay nag kulong.
Tinapon ko lahat ng gamit na makikita ko.Iniwan niya na ako ng tuloyan. Siguro babalik na siya kay xander at sa susunod kukunin niya na sa akin ang mga bata.
At ako dito maiiwang lugmok at mag isa samantalang sila ay magiging isang buong pamilya.
Akala ko sapat na ang dahilan ko para pang hawakan siya dahil mag kakaroon na ako ng anak sa kanya pero hindi.
Dali dali kong kinuha ang aking susi at pumunta sa bar kung saan ako laging tambay nun. Nung minsan din akong nalugmok dahil sa pag kawala ng aking asawa at anak noon.
Ang aga pa pero ito ako ngayon lugmok na lugmok na ako.Di ko inaakala na ito ang bubungad sa pag gising ko
Umorder agad ako ng alak. At ininom ito na parang tubig lang.Umaasa na sana man lang maibsan nito yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Alam ko namana na napag usapan na naman to kagabi pero di ko inaakala na ganun na pala talaga niyang gustong makalayo sa akin.
Ilang oras pa ang lumipas nakikita ko na rin mula dito ang unti unting pag dilim sa labas.Patuloy pa rin ako sa pag inom hanggang sa napagpasyahan kong umuwi na.
Saktong pagabas ko ang malakas na pag buhos ng ulan. Nakikisabay ata sa nararamdaman ko ngayon. Agad kong kinuha ang aking susi sa bulsa dahil nababasa na ako ng ulan.
Mabilis akong sumakay at agad na nag maneho. Lumipas ang ilang minuto at palabo ng palabo ang nakikita ko dala ata ng sobrang kalasingan ko ngayon . pero di ko pa rin tinigilan ang pag mamaneho at mas binilisan pa ito.
"Whoaaa Ansakit Andrea! Sana man lang Naawa ka sa akin bago mo ako napag pasyahang iwan!" parant baliw ko na sigaw sa loob ng kotse at pinag susuntok ang manibela. Kasabay nito ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko na mas nag palala sa panlalabo ng mata ko.
Pero di ko inaasahan ang sunod na mangyayari kasabay ng pag angat ko ng tingin nakita ko ang isang malaking truck na pasalubong sa akin.
At bago pa man ako makagawa ng aksiyon para maiwasan ito ay tuluyan na nitonh nabangga ang aking minamanahong sasakyan.
Tumilapon ang aking kotse kasabay din nito ang pag kaka bagok ng aking ulo
Naramdaman ko na ang pagdanak ng dugo sa aking buong katawan
Pinilit kong iminumulat ang aking mata pero unti unting nawawala ang aking panangin
At sa huling pag kakataon siya pa rin ang nasa huling nasa isip ko
------------------------------------------------
Author's note : hello guys miss you na hahahhaha so ayon payag ba kayo na mamatay si bryan ? 😂
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...