Chapter 34

10.4K 226 17
                                    

Xander's POV

"Di na kita mahal "

"Di na kita mahal "

"Di na kita mahal "

Sabi ng isang babae sa akin at pilit akong nilalayuan pero patuloy ko pa rin siyang hinahabol habang humihingi ng tawad

Puro iling lang ang kanyang isinasagot sa bawat salitang binibitiwan ko

Nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang galit at lungkot.kaya mas lalo kong binilisan ang aking takbo para malapitan siya pero bigla itong nawala.

Agad naman akong napabangon pagkatapos ng panaginip na iyon.kasabay din nun ang pag tunog ng aking cellphone

"Sir nahuli po namin ang mga tauhan ni bryan andito po kami ngayon sa isang basement na pag aari niyo malapit sa opisina niyo"

Agad kong pinatay ang tawag at nagbihis pero bago ako umalis ay tinignan ko muli ang isang picture frame na nag papaalala sa akin sa masasayang alala namin nun ni andrea

Pag kalabas ko ng aking bahay ay agad akong pumunta sa parking lot para sumakay sa aking kotse. Pinili ko ang isang itim na sports car at mabilis itong pinaandar

Hindi ko alam ang dapat kung maramdaman ngayon. Alam ko na unting panahon na lang ay makikita at makakasama ko na muli si andrea at hindi na ko din alam kung anong mangyayari pag nagkataon nangyari na nga yon

Ilang minuto lang ay nakarating na agad ako sa isang basement

Tago ang lugar na ito. At tanging iilang tauhan ko lang ang nakakaalam nito

Mabilis akong bumaba sa aking sasakyan. Iginiya naman agad ako ng mga security guards sa loob

Pag kapasok na pagkapasok ko agad sa loob ay nakita ko agad ang sampung lalaki na nakahilera at lahat ay nakatali ang kamay at paa habang nakaupo sa upuan

Duguan ang iba sa kanila samantala ang mga tauhan ko naman ay nasa isang gilid at masayang nag iinuman ng makita nila ako ay agad silang umayos at bumati sa akin

"Sir " nakangising bati sa akin ng aking tauhan na naguna sa pag huli sa mga tauhan ni bryan

Alam ko na ang nais niyang iparating " Tulad ng napagkasunduan. Naihulog ko na ang dalawang milyong hiling mo " sabi ko na mas lalolng nagpalawak sa ngiti niya

Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksiyon niya sa sinabi ko at agad na pinuntuhan ang lalaking tinutukoy niya kanina

"Asan na si andrea at ang mga anak ko ? " diretsong sabi ko at hindi na nag paligoy ligoy. Ayaw ko nang maghintay. Sapat na siguro yung apat na taong naghintay ako sa muling pagbabalik niya

Ngumisi lang siya sa akin at unting binuka ang bibig niyang punong puno ng sugat at dugo sa gilid

Alam kong nanghihina na siya dulot ng pambubogbog sa kanya ng mga tauhan ko pero hindinko maintindihan kung bakit ganyan pa rin siya kayabang

"Ha - ha - ha . Wala na si andrea at ang mga anak mo. Matagal na silang patay " Matapang na sabi niya sa akin

Hindi ako makapagtimpi sa sinabi niya at agad na kinuha ang kanyang kwelyo

" Umamin ka na kung gusto mong mabuhay pa"matapang na sabi ko sa kanya

Hindi na siya sumagot pero sa gitna ng pakikipagtinginan ko sa kanya ay biglang may tumunog na telepono

Tinignan ko ang mga tauhan ko para malaman kung saan nanggagaling ang tunog na yun

Hanngang sa isa sa mga tauhan ko ang kumapkap sa damit ng lalaking nasa harap namin at nakita ang isang cellphone

Agad naman itong binigay sa akin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa kanya dahil posibeng si bryan ito.

Nakita ko naman ang pag pupumiglas ng lalaki nasa harap ko para makuha ang cellphone pero dahil sa pag kakahigpit ng pag katali sa kanya ay di niya magawang makakilos ng maayos

Nag senyas ako na tumahimik ang lahat. Hinawakan naman nila ng maayos ang lalaki

Sinagot ko ang tawag pero agad din itong namatay. Tinignan ko ang recent call at isa no. Lang ang palagi niyang dinidial Agad ko itong tinawagan

Pero bago nito sagutin ay kinausap ko muna ang lalaking nasa harap para kausapin ang nasa kabialang linya para matrack namin kung saan ang location nang tinatawagan niya.

Maya maya pa ay sinagot na din nung nasa kabilang linya ang tawag . Pero taliwas sa plano ang sinabi ng lalaki

"Sir kailangan po namin ng back up. Na trap po kami dito. Nalaman na din ni xander ang ginagawa nating pag haharang s-" agad kong kinuha sa kanya ang telepono at pinatay ito.pagkatapos nun ay sinenyesan ko na ang mga tauhan ko na bugbugin siya

" Pagkatapos niyan magligpit na kayo at wag mag iwan ng kahit anong ebidensiya para hindi tayo makita ng mga tauhan ni xander"
Tumango naman sila

"Ano na kuha mo ba kung saan ang location nung tinawagan ko kanina ?"

"Yes sir... I'll just send the location in your e-mail"

"Okay btw expect the additonal payment dahil dito " pagkatapos nun ay naghiyawan na ang lahat ng mga tao sa loob ng kwartong iyon

Agad naman akong lumabas at dumiretso sa aking sasakyan

Habang magmamaneho ako pauwi hindi ko maiwadang magisip sa mga posibleng mangyari kung tuluyan ko nang matutuntun ang kinalalagyan ni andrea at ng mga anak ko.

Hindi ko rin maiwasan ang mapangiti habang iniimagine na may tatawag sa aking daddy...

Na may pamilya na akong uuwian pagkatapos kung magtrabaho

Na may asawa na akong mag aasikaso sa akin

Pero pagkatapos nun ay hindi ko rin maiwasang isipin kung pwede pa bang mangyari yun

Kung hindi pa ba ako huli para bumawi sa mga kasalanan at pagkukulang ko sa kanila

Hanggang pag uwi ko sa bahay ay di pa rin maalis sa isip ko yun

Dumiretso ako sa kwarto ko at natulog habang sila pa rin ang nasa isip ko

-------------=°~°
Author's note :hello po 👋👋Grabe di ko po expected na aabot sa ganto karami ang mag flood votes at magbabasa ng story ko kasi in the first place napakagulo nito . ang daming typos , wrong grammars, minsan nagkakapalit pa ung name ng mga characters but still thank you 😊. Sorry din po kung hindi niyo magugustahan ang ud ko ngayon. Babawi po ako sa susunod sobrang bc lang talaga. Btw 60 votes po ulit sa next chapter plsss

Im just your wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon