Chapter7

18.6K 348 8
                                    


Andrea's POV

Nagulat ako nung may lalaking nap sa tabi ko. Agad ko namang nilibot ang mata ko sa paligid

"Nasa ospital pala ako. Bakit hindi pa ako namatay " mahinang sabi ko sa sarili ko

Maya maya pa ay nagising na yung lalaking nasa gilid agad niya akong tinignan at ngumiti

" okay ka na ba " sabi niya sabay hawak sa ulo ko at hawi sa buhok ko

Agad naman akong umiiwas dahil naiilang ako

" excuse me pero sino ka ba ?" mahinang tanong ko . Nakatingin pa din siya sa akin na dahilan ng pagkailang ko ng sobra

" di mo ba ako nakikilala"
Nakangiting tanong niya. Mas lalo tuloy akong nacucurious sa kanya dahil sa pinapakita niyang kabaitan sa akin

" ako si bryan. Yung tumulong at naghatid sayo nung nahimatay ka sa kalsada"

Tinignan ko siyang mabuti .
Hanggang sa nakompirma kong siya ngayon bigla naman akong tinubuan ng hiya. Dahil siya ang palaging naabala ko

"sorry" mahinang sabi ko dahil sa nahihiya na ako

" sorry para saan ?" nagtatakang tanong niya

"sorry sa abala ko"nakayukong sabi ko

Tinaas niya naman ang mukha ko " tumingin ka sa akin" sabi niya tumingin naman ako sa kanya " wala ka dapat ika sorry gusto ko ang mga ginagawa kong pagtulong sayo "

Ngumiti lang ako ng malaki sa kanya

" ang gusto ko lang kapalit ay wag mo nang uulitin yung ginawa mo . Alam mo ba maraming dugo yung nawala sayo muntik ka ng mamatay paano pala kung hindi ako dumating doon sino pala tutulong sayo " nagaalalang sabi niya

" wait bakit ka pala pumunta sa bahay nun "

Bigla naman itong nahiya " ahh ibabalik ko sana yung cellphone mo"

" cellphone ko .. May tumawag ba sa akin jan? "

" ah wala naman bakit?"

" ah wala naman ... Kailan pala ako pwedeng lumabas dito?"
Kasi sa totoo lang ngayon pa lang gustong gusto ko nang umuwi. Gusto kong hintayin si xander sa bahay at baka magbago isip niya at iatras niya ang pakikipag annul sa akin

" ah next week pa daw kailanga muna na mabawinung lakas mo "

" bakit malakas namana ako tignan mo oh" saby pakita ko ng muscle ko sa braso pagkatapos nun ay nagtawanan kaming dalawa

I feel safe kapag siya ang kasama ko

" bryan ano palang trabaho mo?" tanong ko sa kanya mukha kasing kagagaling niya lang sa trabaho kanina nung nakita ko siya natutulog sa tabi ko naka long sleeve kasi to naputi at nakatupi. Nakita ko naman ung suit niya doon sa sofa

" ah ceo ng isang kumpanya"

Natahimik ako bigla

" oi bakit anong nangyare sayo ?"
Nagaalang tanong niya

"nakakahiya na talaga ng sobra sayo. Ang dami mo sigurong ginagawa tapos padagdag pa ako imbis na magpapahinga ka na ngayon kasi ala nuebe na ng gabi eto ka ngayon binabantayan ako"

Wala akong narinig sa kanya kaya tumingin ako

Nakangiti lang siya sa akin

" bakit?" naiilang na tanong ko

" wala natutuwa lang akong nagaalala ka din pala sa kanya. Basta ito ang tandaan mo basta ikaw isang tawag mo lang nanjan na ako. Kahit anong kailangan mo ibinigay ko ok?"

Tumango lang ako

Madami dami din kaming napag usapan dalawa at magaan akong kausap siya para bang matagal na kaming magkakilala

" dito ka lang bibili lang ako ng pagkain sa labas ah . Ano bang gusto mo?"

" kahit ano" sabi ko

" sige " sabi niya maya maya pa ay lumabas na siya

Mga ilang minuto na ang lumipas ng lumabas siya ng biglang ay pamilyar na lalaki ang dumaan sa harao ng room ko

Naiwan niya kasing nakabukas ang pinto kaya kitang kita ang mga dumadaqng tao sa harap nito

Nagmamadali naman akong habulin yun . Alam kong siya yun

Tinanggal ko ang mga nakakabit na dextrose sa kamay ko

Pinilit ko siyang mahabol

" xander " tawag ko sa kanya pero hindi ko alam kung naririnig niya ba ito.

Natigil lamang ako sa paghabol sa kanya ng may nakita akong isang babae lumingkis sa braso niya

Masaya ang babae na kinakausap siya

Lagi na lang ba ganito xander . Lagi mo na lang ba ako sasaktan

Bumalik ulit ako at dahan dahan naglakad pilit na iinisip na siya hindi yung nakita ko

Di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko

Nanlalabo na din ang panangin ko hindi ko namalayan na naliligaw na pala ako

Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa nakarating akosa isang chapel

Pumunta ako doon at naupo

"lord bakit !? "
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa naramdaman ko na lang may yumakap sa akin

Niyakap ko din siya pabalik
" bryan "mahinang sabi ko

"shhhh akala ko nawala ka na naman . Wag kang mag alala nandito lang ako"

Im just your wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon