chapter 42

22.8K 251 118
                                    

"Xander naman pumayag ka na kasi nag undergo ng chemotherapy sa ibang bansa "patuloy na pag pupumilit sa akin ng kaibigan kong doctor.

Pero nanatili akong walang imik.Alam kong 50/50 ang chance na gagaling ako diyan.

Mas gugustuhin kong pang gugulin ang natitira kong sandali sa panaka nakang pag tingin at pag sunod kay andrea at sa dalawang anak namin kaysa naman diyan sa chemotheraphy na yan na walang kasiguraduhan. Kung mamatay man ako mas gusto kong sulitin yun hindi sa ospital kundi sa piling nila andrea

Umupo ako sa tapat niya at pinikit ang aking mata.

At doon tumulo na ang aking mga luha. Hindi ko ineexpect na darating ang lahat na ito sa ganto.

"Xander "sabi ni Trisha sakin habang niyuyog ang aking balikat naririnig ko ring medyo nanginginig ang boses niya at ramdam kong malapit na din siyang umiyak

"Ano ba xander?! Hindi ko to ginagawa para sa sarili ko para to sayo! Lahat ng inooffer ko na gamot o kung ano pa man ay lagi mong tinatanggihan. Ano ba talaga ?!"at doon narinig ko ang paghikbi niya

Sa totoo lang natatakot talaga ako. Madaming dahilan kung bakit

Natatakot ako na mag pagamot dahil di pa ako handang tanggapin na pwedeng Hindi maging succesful lahat ng yon at mapunta sa wala ang lahat.
Ayokong makitang ang sarili kong unti unting nang hihina.

Natatakot ako sa nga posibleng mang yari after ng treatment na yun.

Duwag ako

Kasi hindi ko pa matanggap na pwedenh ilang buwan na lang ang ilalagi ko dito sa mundo

Marami pa akong gustong gawin

Gusto ko pang maranasan kung paano maging ama sa kambal ko

Gusto ko pang maranasan na maging mabuting asawa kay andrea

Gusto ko pang maranasan na mag karoon ng masayang pamilya kasama sila

Gusto ko pang humingi ng kapatawaran kay andrea hanggang sa mapatawad niya ako

Madami pa akong gusto pero nililimitan ng pisting sakit na to lahat ng gusto kong gawin.

Sa totoo lang nung nakita ko sila andrea at bryan na mag kasama gustong gusto ko na silang bawiin pero ayokong maging makasaril kasi alam ko sa sarili ko na hindi rin ako mag tatagal sa piling nila

Na darating din yung oras na aalis ulit ako. Ayoko nang dagdagan ang mga kasalana ko sa kanila

Ayoko ng masaktan pa sila tama na yung isang kagagguhang ginawa ko

Maya maya pa ay naramdaman ko ang yakap ni trisha sa akin

Nagulat ako. Maya maya pa ay nag salita ito

"Xander. I love you please live for me " hindi ko alam kung anong irereact ko

Pinabayaan ko lang siya na yakap ako pero di ako gumanti ng yakap sa kanya at nanatiling walang imik

Malaki din ang naging parte ni trisha sa buhay ko sa ilang taon na pag hahanao ko kay andrea

Alam niya lahat lahat ng nangyayari sa akin.Aksidente rin ang pag kakatuklas sa sakit ko. At siya ang nag prisinta na maging doctor ko

Walang nakakaalam ng sakit ko maliban sa aming dalawa. Ayokong kaawan ako ng iba dahil dito. Pero alam kong hindi ko ito matatago ng matagal lalo na ngayon na nararamdaman ko na unti unting pag hina ng aking katawan at unti unting pag bagsak ng aking mukha

Malayong malayo sa xander na nakilala nila dati

Maya maya pa ay tinaggal na ni trisha ang pag kakayakap sakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im just your wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon