Andrea' s POV
"Hayts kapag din pala mag bumayahe mag isa" sabi ko sa sarili ko sabay himas sa aking tiyan na medyo malaki na
Napangiti naman ako ng maramdamang gumalaw ito
" excited ka na ba makiya ang daddy mo ?" natutuwang tanong ko dito kahit hindi ako nito naiintindihan
pero nagulat ako ng sumipa ulit to
Napatawa naman ako ng mahina
Maya maya pa ay bigla na akong tinawag ng manong dito sa airport ako na pala ang susunod
Nakapila kasi ako ngayon sa taxi. Wala namang may alam na uuwi ako ngayon at wala rin akong sasakyan kaya wala akong choice kundi mag commute
"salamat manong " nakangitinv sabi ko dito sabay kuha ng aking gamit. Inalalayan niya naman ako hanggang sa makapasok ako sa taxi kaya naman ay binigyan ko siya ng tip
" Thank you ma'am " masayang sabi niya. Ngumiti lang ako sa kaniya pagkatapos nun ay umandar na ang taxi
" ma' am saan po kayo?" tanong nung taxi driver
Binigay ko naman ang address ng aking bahay.
Apat na buwan lang akong nawala pero pakiramdam ko ilang taon na. Namiss ko ang pilipinas at syempre siya
Napangiti naman ako sa naiisip ko.
Namiss niya din ba ako ? Iniisip niya din ba ako ? Hinahanap niya ba ako? Okay na kaya siya ?
Ilang mga tanong na bumabagabag sa isip ko. Hanggat maari ayokong mag isip ng negative. Ayaw kong ma stress ulit at baka mapano ulit ang baby ko. Ang baby namin
Alam kong pinapaasa ko lang yung sarili ko sa mga iniisip ko dahil hindi naman agad pagkatapos ng ilang buwang paghihiwalay at hindi naman pagkikita ay pagkabalik ko ay magiging maayos na ulit
Hindi ko na napansin na nasa tapat na pala ako ng aking bahay
Mahigit isang oras din ang aking biyahe dahil sa traffic.Agad naman akong pumasok.
Agad kong inilibot ang paningin ko sa buong kabahayan
Walang nagbago ganun pa rin
Agad ko naman inilapag ang mga gamit konsa sofa at agad na umupo.
Maya maya oa ay tumawag na lang ako sa isang restaurant para mag order ng pagkain
hindi ko na ata kaya magluto siguro mamayang hapunan na lang.
Pagkatapos din ng 30 mins ay dumating na ang inorder ko.
mabilis ko itong naubos. Nakakatuwa lang na isipin na dati hindi ko pa maubos ubos yung isang serve nun pero ngayon kulang pa sa akin yung dalawa
Hinawakan ko naman ang tiyan ko." busog ka na ba baby ?" masayang tanong ko
Sa limang buwang pagbubuntis ko dito. Palagi ko siyang kinakausap kahit na alam kong hindi niya naman ako naiintindihan. Gumagaan pa rin yung pakiramdam ko
Hindi rin nagtal ay napagpasyahan ko ng umakyat para matulog
Nakahiga na ako ng maamoy kung kakaiba na ang amoy ng aking unan
Hindi ko alam kung nag iilusyon lang ako o hindi.
Niyakap ko na lang ito ng mahigpit at inisip na siya ang kayakap ko pagkatapos nun ay nakatulog na ako ng may ngiti sa aking labi
-----------
5:00 pm
Unti unti naman akong nag unat grabe ang haba din ng naitulog ko
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...