Andrea's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko pinag iisipan kung itutuloy ko ba yung balak kong pag uwi sa pilipinas
Tinignan ko ang isang bag na inempake ko kanina pa. Bihis na rin ako at naka ready na ang ticket at passport ko
Sinigurado kong hindi malalaman ni bryan lahat ng ito
Hinawakan ko naman ang aking tiyan
Maya maya pa ay tumayo na ako
Itutuloy ko na to
Para rin naman sa aking anak ang gagawin kong ito
Iniwan ko na ang sulat ko para kay bryan sa gilid ng aking kama
Pagkatapos nun ayBinuksan ko na ang pinto at dahan dahang lumabas
Alas tres na ng madaling araw ngayon
sinigurado kong tulog na ang lahat lalong lalo na si Bryan bago ako lumabas
Pagkalipas din ng ilang minuto ay nakalabas na ako
Tinignan kong muli ang bahay.
Saka ako sumakay ng taxi
" I'm sorry bryan " sabi ko at pagkatapos nun ay umandar na paalis ang taxi" Bryan's POV"
" Umalis na siya " bulong ko sa sarili ko
Hindi ko na siya pinigilan pa. Sino ba ako?
Sino lang ba ako sa buhay niya ?
Kahit naman pigilan ko siya. Babalik at babalik pa rin siya doon
Pumasok muli ako sa kwarto ko pagkatapos na makitang nakaalis na ang taxing sinasakyan niya
Ang sakit lang pala na maiwan
Bumababa ako at pumunta doon sa mini bar at kumuha agad ng alak
Hindi ko naman mapigilang lumuha
Sa ilang buwan nandito kami . Umasa ako na matatanggap niya na yung nagong buhay niya kasama ako pero hindi pa rin pala
Hindi hindi ko pa rin pala siya mapapantayan sa puso ni andrea
Sana ako na lang
Sana ako na lang yung nauna
Sana ako na lang yung mahal niya
Masakit sa akin na kahit anong gawin ko. Kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin
Pero mas masakit makita na nahihirapan at nasasaktan siya ng dahil sa lalaking yun
Gusto ko siyang protektahan.
Pero ayaw kong masakal siya at baka iwan niya ako
Pero eto na nga nangyari na nga yung kinakatakutan ko. Umalis na siya
Iniwan niya na ako
Agad ko namang tinungga ang bote ng alak na nasa harap ko
Pagkatapos nun ay pinagbabato konang mga bagay sa oaligid ko at sinuntok ang salamin na nasa harap ko
Maya maya pa ay dumating na si nang gloria
Siya yung itinuturing kong nanay. At nagaalaga ng bahay ko kapag wala ako dito
" nak bakit anong nangyare sayo ?" nagaalang tanong niya pagkatapos makita ang dumudugong kamay ko at mga basag basag na bote sa gilid ko
Lumapit naman siya sa akin at agad akong hinagkan
" nay bakit ganun ? Ano bang mali sa akin ? Bakit lagi na lang nila ako iniiwan ?" parang batang sabi ko at tuluyan humagulgol
" wala anak"
Pagkatapos nun ay ginamot niya ang aking sagot
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...