Andrea's POV
" Bryan ano b-" di ko natuloy pa ang sinabi ng bigla siyang sumigaw sa akin
" Ano ba andrea kailan ka ba matatauhan . Hindi ka na mahal ng asawa m-" bago pa niya matapos ay nasampla ko na siya ng malakas
Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi niya
Agad akong umakyat papunta sa aking kwarto. Agad ko itong sinarado at ni lock
At doon iniyak ko na lahat. Mababaliw ako kung hindi ko makikita si xander. Gusto kong malaman kung ano ng kalagayan niya ngayon.... Maayos na ba siya .... Naalala niya ba ako
Ang sakit lang talaga
Hindi pa ako handang mawala siya sa buhay ko at hinding hindi ako magiging handa
Flashback:
Bigla ako nakaramdam na parang yinuyogyog ako
Maya maya pa ay unti unti kong idinilat ang aking mata
Nilibot ko ang aking paningin pero laking gulat ko ng makita kong wala na ako sa ospital kundi nasa isang private plane
Maya dalawang nurse sa gilid ko at nasa kanan ko naman si bryan na nakahawak at nakangiti ng malapad sa akin
Nakakunot lang yung noo ko. Sinubukan kong pumikit muli at baka naghihilusyon lang ako pero hindi eh
" bryan bakit tayo nandito?"nagtatakang tanong ko sa kanya
Bigla naman nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi at naging seryoso ang kanyang mukha
Hindi siya sumugot
" bryan sagutin mo ako "medyo na iinis kong sabi
"Andrea taandaan mo lahat ng ginagawa ko ay para rin sa ikabubuti mo. "
Hindi ako sumagot at nakatingin pa rin sa kaniya hinihintay ko ang buong paliwanag niya.
" Sinabi ng doctor na makakasama sayo ang sobrang stress at baka kapag naulit pa yung nangyari ay baka malaglag na ang bata o kaya naman ikaw ang mas mapahamak. Alam mo naman kung gaano ka kaimportante sa akin kaya hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun. "sincere na pagkakadasabi niya sa akin sabay hawak sa mga pisngi ko
Agad ko namang tinggal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. At tumalikod sa kanya
Ilang oras pa ang binayahe namin bago kami nakakaba
At base sa mga taong nakikita ko. Masasabi kong nasa Europe kami
Sinubukan niyang alalayan ako sa paglalakad pero agad kong inilayo ang sarili ko sa kaniya
Kaya naman napilitan siyang mauna. Sinundan ko na lamang siya at tahimik na naglakad
Sa gitna ng paglalakad namin ay nakakita ako ng isang babae na may hawak na baby at sa tabi niya naman ay isang lalaki na kahawak sa kaniyang bewang
At kung titignan mo silang mabuti. Makikita na masaya talaga silang dalawa.Makikita mo rin sa mga mata nila ang pagmamahal
Agad ko namang hinawakan ang hindi gaanong kalakihan kong tiyan
Nagulat na lang ako ng biglang nasa harapan ko si bryan
" andrea ok ka lang ba ?" tanong niya
Ngayon ko lang napansin na naiwanan na pala ako dahil ang dalawang nurse na kasama namin ay nauna
" ok lang ako" sabay iwas ng tingin sa kaniya magsasalita pa sana siya ng sabihan siya
" mauna ka na susunod na lang ako" malamig kong sabiNakita ko naman sa mga mata niya ang pag aalala
Maya maya pa ay nakakabas na kami sa airport
Isang magarang sasakyan naman ang sumundo sa amin
Agad naman kaming sumakay
Wala pang thirty minutes nang huminto kami sa isnag nakagara at napakagandang bahay.
Nung una akala ko hindi pa kami doon pero nagulat na lang ako ng biglang bumaba na si xander at pinagbuksan ako ng pinto pero tulad kanina ay iniiwasan ko pa din siya
Maganda at magara man ang mga kagamitan sa loob ng bahay nun hindi pa rin nun nabawasan ang pagkalungkot na nararamdaman ko ngayon
Maya maya pa ay hinatid na niya ako sa aking kwarto
At doon ko inilabas ang mga luhang. Kanina ko pa pinipigilan
Ayokong mawala na lang ng ganun ganun sa buhay ni xander. Gusto kong makita niya kung paano ko siya ipaglalaban
gusto ko ipaglaban ang karapatan ko. Karapatan namin ng magiging anak niya.
Gusto kong maibalik yung dating kami
pero sino bang niloloko ko. May victoria na siya at may anak pa siya doon . Saan na lang pala ako lulugar .
but for my baby i'll fight for you until the end pagkatapos nun ay unti unti akong nakaramdam ng pagkaantok at maya maya pa ay bumigay na ang aking talukap at tuluyan na nga akong nakatulog
End of flashback
Dalawang buwan na akong nandito at nagtitiis. Hindi ko na kaya
Bukas na bukas rin ay tatakas na ako Dito
Authors note:
Hello sa mga nagbabasa ng story nito. Thank you po 😘😘😂😂😂
Siguro sa susunod ko na lang hahabaan yung autbors note ko kapag irerevise ko na tong story 😊😊
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...