"Ahhhh" malakas na sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng aking ulo.
Agad namang bumukas ang ointo ng aking kwarto at pumasok ang nagaalalang si bryan kasabay din nun ang pag pasok ng dalawa kong anak. Nakit ako rin ang pag aalala sa kanilang mata
Patuloy pa rin ako sa pag sigaw. Dahil hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman kong sakit.hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang may mga senaryo ang rumerihistro sa aking utak. Nakikita ko na ako yung babae doon pero hindi ko makita ang mukha ng lalaking kausap ko
"Hon anong nangyayari sayo? "sabi ni bryan na nakaakap sa akin.
Pero dahil sa tinanong niya lalong sumakit ang aking ulo. Paulit ulit na nag rereplay sa utak ko ang pag banggit niya sa salitang "hon"hanggang sa may isang seneryo ulit ang rumehistro sa aking isipan. Kung saan may isang babae at lalaki na masayang mag kasama.Ngunit biglang nagbago ang imaheng nakikita ko at naging isang nakakatakot na demonyo ang lalaking kasama ng babae
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bigla na lang nagdilim ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.
Vincent's POV
Naglalaro kami nina ni ethan at ella ng bigla kong narinig ang pag sigaw ni andrea mula sa taas
Natarantanta naman akong pumunta doonNaabutan ko naman siya na nakahawak ng mahigpit sa kanyang ulo. Alam kong sobra na talaga siyang nahihirapan ngayon.
Mahigpit ko siyang inakap.umaasang maiibsan ko ang sakit na nadarama niya.Sana ako na lang ang nakakaranas niyan ngayon.
Maya maya pa ay dumating na ang tita niya at agad siyang tinurukan ng anesthesia. Agad naman siyang huminahon at maya maya pa ay nakatulog na.
Marahan ko siyang inilapag sa kanyang kama at kinumutan. Hinalikan ko siya ng mariin sa kanyang noo.
" Mga anak pasok muna kayo sa kwarto niyo ah. Papahinga lang si mommy niyo. Wag na kayong umiyak. Gusto niyo samahan ko kayo sa kwarto niyo?" Umiling naman silang dalawa at pinunasan na ang kanilang luha
Pagkalabas nila ay agad din kaming lumabas ni tita samantha at pumunta sa aking opisina sa bahay.
" didiretsuhin na kita bryan. Hindi magtatagal maalala na lahat ni andrea ang mga nakaraan. Isa sa mga palatandaan ay ang madalas na pag sakit ng kanyang ulo"
" No! It cant be happen. Masaya na kami. Hindi niya na pwedeng maalala ang nakaraan niya. Ako na ang asawa niya ngayon. Kin lang siya pati sila ethan at ella" Medyo napataas nasabi ko dahil sa pagkagulat at takot
" Easy bryan. Alam ko yun. Kailangan niya lang imantain yung binigay ko sa kanyang gamot para hindi niya agad maalala. Pero pinapaalala ko lang sayo hindi panaamatagal ang gamot na iyon dahil hindi mag tatagal ay mawawalan rin ito ng epekto sa kanya"
Pag kasabi niya nun ay agad akong lumabas sa opisina at pinuntahan ang kwarto ni Andrea
Tumabi agad ako sa gilid niya at mahigpit siyang niyakap
" Don' t leave me andrea. I love you so much " kasabay din nun ang pag buhos ng aking mga luha.
Ayoko
Hindi ko kaya
Sila na ang buhay ko
At sila lang ang buhay ko wala ng iba
Flashback :
" Sino ka? Bakit hindi kita kilala ?" Sabi niya sa akin
Napangiti naman ako sa tanong niya. Para kasi itong bata na napaka inosente.
" Ako si bryan " masayang sabi ko sa kanya na para bang nag mamayabang
" kaano ano kita... Bakit ka nandito ?"
Saglit nawala ang mga ngiti s labi ko ng marinig ang tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero para bang may sariling utak ang aking bibig at nagsalita
"Asawa mo ako at tungkulin kong alagaan ka kaya ako nandito " seryosng saad ko
Sana ako na nga lang talaga
Nakokonsensiya ako dahil nag sinungaling ako sa kanya pero ayoko rin naman na ipaalala sa kaniya ang masakit niyang nakaraan
" baki-" hindi ko na pinatapos ang tanong niya
" halika baba na tayo at nag hihintay na sila tita samantha sa atin. Atsaka para na rin sa baby natin "
Hinawakan ko ang kamay niya kahit natatakot ako na baka alisin niya ito pero agad naman itong nawala ng hawakan niya din pabalik ang kamay ko at ngumiti ng matamis sa akin.
End of flashback
Hindi hindi na kita papakawalan andrea. Sisiguraduhin ko na hanggang sa huli tayo lang dalawa. At wala nang siya
Pagkatapos din nun ay nakatulog na din ako sa tabi niya
†****†****†****†****†****†***†
Author' s note
Sana po nagustuhan niyo . Sorry rin pala sa mga napaasa ko unexpected po talaga na nadelee ang nagawa kong chapter 31 kaya umulit ulit ako.
btw
30 votes and comments for the next chapterPromise totoo na po to.
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...