Victoria's POV
Kalalabas lang namin ng ospital ngayon ni xander
Hindi ko naman sinadya yung nangyari kanina. Medyo masakit parin yung braso ko na naputukan ko kanina ng baril pero atleast hindi natuloy yung balak niyang pakikipaghiwalay sa akin
Hindi ako papayag na mawawala lang siya ng basta basta sa akin
Ang dami ko nang ginawa at sinakripisyo para sa kanya.Maski yung kaisa isa kong kaibigan inahas ko para ang sa kanyaMasakit man isipin na hindi niya ako mahal pero atleast nasa tabi ko siya at ako ang kasama niya
Ang batang nasa sinapupunan ko ang alas ko laban sa kanya. Hindi pa naman ganun kalaki yung tiyan ko dahil tatlong buwan pa lang ito
Maya maya pa ay nakita ko nang papalapit siya sa akin agad naman akong ngumiti
" hon !" bati ko sa kanya . Agad ko namang inilingkis ang isang braso konsa kanya
Wala naman siyang reaksiyon. Inalalayan niya lang ako sa paglalakad na mas ikinatuwa ko
Pagkatapos din nun ay agad na kaming sumakay sa sasakyan para umuwi sa condo ko
Maya maya pa ay naramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ko. Agad ko naman tinignan kung sino iyon at nung nakita ko kung sino yun ay agad ko itong pinatay. Natatakot ako na makita ito ni xander
" hon pwede ba bilhan mo ako ng pagkain sa madadaanan nating restaurant" sabi ko sa kanya
Tinanguan niya lang ako maya maya la ay nakarating na kami dokn agad niya namang pinark ang kotse sa gilid
" hon take out mo na lang pala sa condo ko na lang kakainin " pahabol kong sabi nung paalis na siya. Wala naman siyang sinabi
At nung nasiguro kong nakalayo na siya ay agad kong tinawagan yung tumatawag sa akin kanina
" ano ba vincent hindi pa ba sapat yung perang binigay ko sayo para tigilan mo ako!"
"hindi pera ang kailangan ko .kayong dalawa ng anak ko ang kailangan ko!" medyo galit na sabi nito
" anak namin ni xander!" pagkokorek ko sa kanya medyo naiinis na rin ako sa mga pinagsasabi niya
" hahaha wag mo akong lokohin victoria dahil darating ang araw lalabas at lalabas din yang sekreto mo at sa akin din ang bagsak mo " pagkatapos nun ay binaba niya na ang telepono
Hindi rin nagtagal ay dumating na din si xander dala dala ang pagkaing inorder niya
" oh bakit namumutla ka ?" curious na tanong niya
Nagulat naman ako sa tanong niya
" ah w-wala la-ng to " nauutal na sabi koPagkatapos din nun ay hindi na rin siya umimik
Parehas kaming tahimik nung nakarating kami sa condo
Nung nakarating kami sa condo ay agad niyang nilagay nag mga pagkain sa lamesa at agad naman siyang dumiretso sa cr
Maya maya pa sa kalagitnaan ng pagkain ko ay nakita ko ang cellphone niya sa gilid ng lamesa
Agad ko naman itong kinuha para tignan pero pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng cellphone niya ay litrato na nilang dalawa ang nakita ko. Litrato nilang dalawa sa araw ng kasal nila
Napangiti naman ako ng mapait at mahigpit na hinwakan yun
Balang araw makakasal din sa akin si xander at ikaw mawawala ka sa buhay niya. Sisiguraduhin kong makakalimutan ka niya
Maya maya pa ay nakita kong lumabas na sa cr si xander agad ko namang tinago ang cellphone
Ngumiti ako sa kanya nang dumako ang tingin niya sa akin pero yung mukha niya nanatili pa ring blanko
" matutulog na ako" maikling sabi niya sa akin
Agad naman akong tumigil sa pagkain at sumunod agad sa kanya sa kwarto
" tatabi ako sayo " sabi ko pero hindi siya kumibo
Nung parehas na kaming nakahiga dalawa ay dahan dahan ko siyang niyakap
pero maya maya pa ay tumalikod siya sa akin at dahan dahan inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya
Bakit ganun katabi ko na siya at halos mag kadikit na ang mga balat namin pero feeling ko ang layo niya pa din sa akin
Napatanga na lang sa kanya habang nakatingin sa likod niya
Ang dami daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong pangarap para sa amin pero bakit ngayon pa lang pakiramdam ko ang layong matupad nun
Pero napawi din ang lungkot ko nang maalala ko ang bata sa sinapupunan Ko
alam ko siya ang magiging daan para maging masaya kami
agad ko namang nilabas ang cellphone niya. At tinignan muli ang litratong nandoon maya maya maya pa ay nilagay ko na to sa ilalim ng kabinet kung saan hinding hindi niya makikita.
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...