Pagkatapos ng pag tatagpo namin ni Xander kanina ay hindi pa rin maalisa alis ang galit ko sa kanya
Dahil... Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Marami pa ring katanungan sa aking isip.
Sa walang direksiyon kong paglalakad sa ospital ay napadpad ako sa isang chapel
Hindi ko alam pero kusang lumakad ang aking paa papunta sa loob at nakita ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa gilid na upuan at doon nagsimula na muling pumatak ang mga luha sa aking mata
" Lord bakit naman ganito?"sabi ko sa panginoon habang kaharap ang isang pigurin ng diyos
" unang una yung mama ko, pangalawa yung asawa ko at pinakahuli ay yung anak ko. Ano pa ba ? Lahat na lang ba ng babaeng mamahalin ko kukunin niyo?"at doon naalala ko na naman ang masakit kong nakaraan
" wag namana sana si andrea"
" wag na siya please hindi ko na kaya !.. Gisingin niyo ako sa masamang bangungot na ito"sabi ko at tuluyan ng lumuhod habang hawak hawak ang pigurin ng diyos
Alam kong mukha na akong tanga dito dahil kinakausap ko ang isang bagay na walang buhay pero wala akong pakialam
Ang gusto ko lang ay bumalik si andrea
Naglulupasay na ako sa lag iyak sa harap ng pigurin habang hawak hawak pa rin ito.
Maya maya ay napagod na ako sa pag iyak
Maya maya pa ay napagpasyahan kong umalis na sa chapel pero saktong paglabas ko ay nakita ko ang doctor na nag sabi na patay na si andrea
Mabilis ang kaniyang paglalakad pero mas binilisan at nilakihan ko ang hakbang ko para maabutan siya
Nung malapit na siya sa akin ay agad kong hinawakan ang kanyang braso
Nakita ko naman na nagtataka siya. Pero patuloy pa rin akong nakatingin ng diretso sa kanya
" Yes m-mr what can i do for you" sabi niya na medyo nautal ng unti
" gusto kong malaman kung ano talagang nangyari kay andrea" diretsong sabi ko sa kanya
" a-ah as w-hat i sa-said earlier na-namatay siya dahil sa komplikasyon ng pagkalaglag ng baby niya"nauutal na sabi niya at tila hindi makatingin sa akin ng diretso nakita ko rin na medyo napalitan ng takot at kaba ang emosyon niya bagay na ipinagtataka ko
Medyo nakaramdam na din ako ng kakaiba
" anong nangyari ?!"medyo galit na tanong ko
" ano ba mr . Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko kanina na namatay siya dahil sa komplikasyon"
" gusto kong makita ang katawan niya " diretsahang sabi ko sa kanya
I dont know but i feel something wrong
" ah ... Ahh ... Ah hi-hindi pa pw-pwede" nauutal na sabi niya habang hindi mapakali. Nakikita ko rin na parang kinakabahan siya
" bakit?" tanong ko
Hindi siya sumagot sa akin at pilit na iniiwas ang kanyang tingin
Maya maya pa ay tinawag siya ng isang nurse
" Doctora need po kayo sa room 301 for consultation " sabi ng nurse sa kanya
" Sige "sabi niya
Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kanyang braso
" Uulitin ko ang tanong ko. Anong ginawa niyo kay andrea?!"
" Nasaan siya ?!" medyo pasigaw kong sabi
Nakita ko naman na taranta siya dahil madami dami na ring taon na nakakapansin sa amin dalawa
" mr pwede ba wag ka mag iskandalo dito" sabi niya sa akin at pilit tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanyang braso
" hindi mo magugustuhan ang gagawin ko "
Hindi pa rin siya sumagot sa akin
Kaya naman kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa habang hawak ko pa rin siya sa kaliwa kong kamay
" Hello atty. May gusto po sana akong sampahan ng kaso dahil po sa pagiging irresponsable niya sa kanyang trabaho..... Isa po siyang doctor. Gusto ko pong makulong siya sa laoong madaling panahon. Mag babayad ako kahit magkano makulong lang to at mapatalsik sa kanyang trabaho"sabi ko habang kausap ang lawyer ko
Pagkatapos din nung sinabi ko ay agad kong binaba ang tawag at tinignan ang reaksiyon niya
Hindi ko alam pero kahit papaano. Umaasa pa rin ako na puro kasinungalingan lang ang sinabi ng doctor kay xander.....
Na buhay pa din si andreaAlam kong mas masasaktan lang ako sa ginagawa kong pag papaasa sa sarili ko na buhay pa si andrea pero kasi hindi ko mapigilan dahil hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ang nangyari sa kaniya
" sumunod ka na lang sa akin mr."mahinang sabi niya sa akin. Luminga linga muna siya sa kanyang paligid
Hanggang sa nakaabot kami sa isang kwarto
Huminto kaai sa tapat nun. Tahimik lang kaming dalawa at saglit na nagtitigan hanggang sa senenyasan niya ako na pumasok na.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Takit akong malaman ang katotohanan pero mas takot akong mabuhay ng maraming tanong sa aking isipan
Unti unti kong pinihit sa ang doorknob at binuksan ito hanggang sa tumambad sa akin ang isang babaeng mahimbing na natutulog
Unti unti akong lumapit sa kinaroroonan niya.
Nag simula na ding lumuha ang aking mga mata hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa sobrang kasiyahan
parang nabuhay muli ang puso ko.
Mariin ko siyang hinalikan sa kaniyang noo habang patuloy pa rin ako sa pag iyak
hinawakan ko ng marahan ang kaniyang mukha na napakapayapang natutulog
mamaya pa ay narinig kong nag salita ang doctor
" Gusto kong wala nang makaalam sa kondisyon niya ngayon maliban sa ating dalawa"
sabi niya ." Bakit?" yun lamang ang salita nabitawan ko sa kanya
" Ako ang tita ni andrea. Alam ko lahat ng nangyayari sa kanya.Pinilit kong manahimik na lang dahil sa pag aakalang maayos pa nilang dalawa to ni xander pero hindi ko alam na aabot na sa ganitong sitwasyon.hindi na ako papayag na malagay muli sa kapahamakan ang buhay niya . Masakit rin sa akin ang nangyayari sa kaniya. Ako na ang naging pangalawang ina niya magmula nang mamatay ang kanyang ina kaya gagawin ko lahat maprotektahan lang siya "
Pagkukwento niyaNagulat naman ako sa mga sinabi niya. Never nagkuwento sa akin si andrea ng tungkol sa pamikya niya maliban sa relasyon nila xander.Sadyang masekreto talaga siya
" pasensiya na po sa naging asta ko kanina " pag hingi ko nang paumanhin
" wala yun iho ang hinihiling ko lang nakapalit ay alagaan mo siya.Alam kong mahal mo si andrea"at pagkatapos nun ay umalis ma siya ng kwarto at iniwan ako kasama ni andrea
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...