Maya maya pa nung natauhan na ako sa results ng Pregnancy test ay lumabas na din ako
Pagkapasok ko sa loob ay agad napatingin sa aking ang magpinsan at natigil sa pakikipagusap
Nakatingin sa akin si bryan at parang naguguluhan sa nangyayari
Umupo ulit ako sa tapat ng dovtor na pinsan ni bryan
Maya maya pa ay tinanong na niya ako. Nagsimula na naman kumabog ng malaks yung dibdib ko
" hmmm andrea pwede na ba makita yung pregnancy test"nakangiti at masayang bati nito ngunit nanatili lang akong tahimik at binigay na lang sa kanya ang pregnancy test
"oh my god yo.... You're pregnant " di makapaniwalng sabi nito agad naman niya akong niyakap na ikinagulat ko
" magiging tita na ako!" sigaw na sabi niya maya maya pa ay tinanong niya si bryan
" bryan di ka masaya magiging tatay ka na buntis si andrea " nakangiting tanong niya rito
Agad ko namang tinignan kong anong reaksiyon ni bryan.
Hindi ko ito mabasa kahit ang mata niyang pagtitignan mo dati ay puno ng emosyon ngayon ay blanko . Nakangiti soya pero hindi ko masabing masaya talaga siya.
Nagtataka rin ako kung bakit hindi niya pa rin sinasabi sa pinsan niya na hindi ako ang girlfriend niya
Nagtagal tagal pa ang pag uusap naming tatlo at pag papanggap naming dalawa bago namin mapagpasyahan na umuwi
Tulad kanina hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad
Hanggang sa nakaratong na kami sa loob ng sasakyan.
Tahimik kaming dalawa hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya
Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating kami agad sa aking bahay
Hinatid niya ako hanggang sa loob ng walang sinasabing anong salita pagkatapos nun ay agad na siyang tumalikod
At bago pa man siya lumabas ay pinigilan ko na siya
Agad kong hinawakan ang kamay niya. Agad siyang tumingin sa akin . Bakas ang gulat sa kanyang mukha dahil sa aking ginawa
" bryan pwede ba tayong mag usap?" mahinang tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya
Tumango lang siya sa akin
Agad naman akong pumunta sa sala at umupo doon sa sofa. Sumunod naman siya sa akin at umupo sa medyo di kalayuan sa akin
Inumpisahan ko na din ang pagkukuwento simula sa kung sino ako at kung sino ang ako ngayon.
Tahimik lang siya habang nagkukuwento ako bakas ang lungkot sa kanyang mukha . Hinawakan ko naman ang kanyang kamay
Wala na din akong tinago kahit isa sa kanya ultimo ying pananakit at pagtataksil sa akin ng aking asawa kasama ang itinuring kong matalim na kaibigan hanggang sa kung bakit akk mag isa ngayon
Habang kinukwento ko sa kanya lahat hindi ko maiwasanhmg hindi mapaiyak ng maalala muli lahat ng nakaraan pero kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa aking puso
Ito ang unang beses kong may mapagsabihan tungkol sa aking problema dahil yung kaisa isang taong pinagkatiwalaan ko. At akala kong masasandalan ko sa oras ng problema ay lolokohin lang pala ako at aahasin
"ngayon bryan na nasabi ko na sayo lahat. Matataggap mo pa rin ba ako bilang kaibigan mo?" tanong ko dito habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi
Kinakabahan din ako sa magiging sagot niya
Sino ba namang tao pipiliin pa ein maging kaibigan ang isang tulad ko
Babaeng walang narating
Babaeng iniwan at niloko lang ng asawa
Babaeng mahina
Babaeng uto uto
Babaeng madaming problema
Babaeng madumiAno pa ba ? Lahat na yata na sa akin
Pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari
Hinalikan niya ako sa labi. Hindi ko alam ang gagawin ko
Mas lalo akong naguluhan
Tinulak ko naman siya agad .pagkatapos nun ay bigla na siyang nagsalita
" aakuin ko yang batang dinadala mo." hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya
" Hindi ko na papatagalin pa to.Mahal na kita andrea"
" pero may asawa ako at mahal ko siya " sabi ko. Nakita ko naman na nasaktan siya sinabi ko
" pero tulad ng sinasabi mo sinasaktan ka lang niya . Paano kun-" di na niya natapos yung sinasabi niya ng bigla akong magsalita
" pero mahal ko siya . Mahal ko siya kahit hindi niya ako mahal. Mahal ko siya kahit na hindi ako ang mahal niya.Mahal ko siya kahit sinasaktan niya lang ako, Mahal ko siya kahit na nagmumukha na akong tanga " pagkatapos nun ay nagsimula na aking humagulgol
Niyakap niya naman agad ako
bakit ba ganun kung sino pa yung nagmamahal sayo yun pa yung hindi magawang mahalin pabalik. Tapos yung taong halos ipagtabuyan ka na ay di mo magawang iwan .
" kahit masakit sa akin. Tatanggapin ko pa rin yung desisyon mo pero ito ang tandaan mo hinding hindi kita sasaktan at iiwanan tulad ng ginawa niya " sabay halik sa noo ko
" sorry " yun lang ang nasabi ko
Pinunasan niya naman ang mga luha sa pisngi ko
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...