Chapter 35

10.5K 202 7
                                    

"Sige hon bye "sabi ko kay bryan at hinalikan siya sa kanyang pisngi

"Bye babies " sabi ko kay angela at angelo at hinalikan din ang kanilang pisngi

Tumawa naman sila sa ginawa ko at parang nakiliti kaya napangiti ako

Pupunta na kasi sila sa school at si bryan naman ay papasok na

" bye hon ingat ka jan ah wala pa naman sina manang ngayon kasi namalengke kung medyo sumama ulit yang pakiramdam mo ay tawagan mo agad ako. " sabi ni bryan sa akin habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa aking pisngi

Napangiti naman ako sa ginawa niya. "Seriously hon? Kaya ko na ang sarili ko. Mabuti pa umalis na kayo at baka malate pa kayo"
Binitawan niya naman ako at dumiretso na sa kambal at tinulongan itong pumasok sa kotse pagkatapos ay pumasok na rin siya sa kotse

Kumaway muna sila sa akin bago paandarin ni bryan ang kotse .habang ako naman ay nanatili na nakatayo habang tinitignan ang kotse nila palayo.

Maya maya pa ay napag pasyahan ko na rin na pumasok sa loob

Nilibot ko ang aking paningin upang tignan kung anong pwede kung gawin pero wala akong makita dahil malinis naman ang bahay

Kaya umakyat na lang ako sa kwarto namin ni bryan para silipin kung maayos at malinis din ito

Malinis naman pero dahil sa gusto kong may magawa dito sa loob ng bahay habang wala akong kasama ay napag pasiyahan ko na ligpitin na lang ang mga gamit gamit sa gilid pati na rin ang mga gamit sa loob ng cabinet.

Tinanggal ko ang lahat ng laman nung cabinet para mas maayos ko malagay ang mga damit at iba pang gamit  pero sa gitna ng pag tatanggal ko ng gamit ay may nalaglag na isang envelope

Nagkalat ang mga papel na laman nito agad ko naman itong pinulot pero maya maya pa ay may nakita akong isang medical records kung saan nakasulat ang pangalan ko

Hindi ko alam kung bakit pero unti unting bumilis ang tibok ng aking puso. Dahan dahan kong pinulot lahat ng papel at dinala ito sa kama

Binasa ko ang nandoon na labis na nag pagulo sa isp ko

Base sa medical records dalawang beses akong muntikan ng malalaglagan

Bagay na hindi nasabi sa akin ni bryan

At base rin dito nag karoon ako
"Post traumatic depression "tinignan ko pa ang ibang mga papel at nakita ko rin ang ibang mga importanteng papeles. Ibang iba sa mga papeles na ginagamit ko ngayon

Pero ang labis na nag pagulantang sa akin ay ang isang Mariagge certificate

Binasa kung kanino yun pero nagulat ako nung makita ko ang pangalan ko doon at pangalan ng isang lalaking di ko maalala

Agad ko itong binitiwan sa sobrang pagkabigla at nung medyo nahimasmasan na ako ay pinagpatuloy ko ang pagtingin sa iba pang papeles pero kasunod din nung marriage certificate na yun ay isang divorce paper at tulad nung kanina ... pangalan ko pa rin ang nakalagay dito at ang pangalan ng lalaki nasa marriage certificate din kanina

May pirma na din ako doon pero walang pirma ng lalaki. Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pag tingin at mabilis na nilagay ulit sa envelope ang mga papeles.

Mabilis ko na ring inayos ang mga gamit na kinalkal ko kanina at nilagay ng maayos ang envelope kung saan ko ito nakuha kanina

May parang kung anong sakit ang biglang namuo sa aking dibdib pagkatapos ng aking nalaman at nakita

Nanghihina akong pumunta sa aking kwarto pagkatapos nang mga nalaman ko at pilit na inaalala kung totoo ba talaga yun

Ngunit isang malabong imahe lang ng isang lalaki ang aking  nakikita at tila may sinasabi ngunit hindi ko maintindihan kung ano..........

hanggang sa bigla na namang sumakit ang aking ulo

"Ahhhhhh" sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Gulong gulo na ang isip ko pati na din ang puso ko

Patuloy pa rin sa pag agos ang aking luha.

Bakit ba wala akong matandaaan?Pinaglalaruan lang ba nila ako?Totoo ba lahat to?

Inuuntog ko ang ulo ko sa pader umaasa na kahit unti ay may maaalala pa ako.

Ang sakit

akala ko sila yung taong mapapagkatiwalaan ko pero hindi pala kasi sa nalaman ko ngayon pakiramdam ko sila ang taong kahit kailan hindi ko na dapat paniwaalaan pa

Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan ngayon at tila pamilyar sa aking ang pakiramdam na to.

Ang maloko ng taong mahal ko

Sino ba talaga ako ?

Ano bang meron sa nakaraan ko?

Bakit nila ako niloko?

Sa lahat ng sinabi nila alin doon yung totoo at hindi?

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Gulong gulo na ako pero alam ko na ako lang ang makakasagot nun

Sa ngayon isang tanong lang ang ayaw kong masagot ito ay kung totoo ba ang pag trato nila sa akin o isa lang ding pag papanggap?

Ayaw ko man pero nilamon na ako ng sakit ng aking ulo at nawalan na din ako ng malay.

Authors note :guys pangit na ba yung flow ? 😭😭😭

Btw 60 votes po baka sakaling makaisip ako ng magandang idudugtong 😂😂😂💕💕💕

Im just your wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon