"I love you andrea" sabi niya sabay halik sa aking noo atbunti unting bumaba sa aking ilong hanggang sa makaabot sa aking mga labi
Tinugunan ko naman ang halik na ibinibigay niya sa akin
"X-xander "
-----Unti unti kong minulat ang aking mata at unang tumambad sa akin ay ang puting kisame sa kwartong ito.
Dejavu
Inilibot ko naman ang aking mata at nakita ko si bryan sa aking gilid na natutulog
Marahan kong tinatanggal ang kanyang kamay mula sa pag kakahawak niti sa aking kamay
Nag tagumpay naman ako ngunit agad din siyang nagising
Nakita ko naman ang saya sa kanyang mga mata ng nakitang gising na ako
Agad niya naman akong niyakap ng mahigpit at ako naman ay nanatiling qalang inik o kahit ano mang reaksiyon sa ginawa niya.
Maya maya pa pagkatapos ng pag yakap niya sa akin ay agad naman niyang chineck ang aking mukha at malapad na ngumiti sa akin. At unti unting dinikit ang kanyang noo sa aking noo
Pero ako ay walang ibang ginawa kundi tignan lang siya.
Pagkatapos ng mga nalaman ko hindi ko alam kung kaya ko pa rin ba siyang pag katiwalaan tulad noong dati
Hahalikan niya na sana ako para halikan pero agad kong iniwas ang aking mukha at tumingin sa kabilang bahagi
Hindi man ako nakatingin ramdam ko ang pag kadismaya niya at pag kawala ng malapad nitong ngiti nito.
Nakosensiya naman ako sa ginawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin yun
Siguro walang permanente sa mundo. Tulad ng nararamdaman ko sa kanya ngayon.
Pagkatapos nun ay para akong nabingi sa katahimikan at ang tangi ko lamang na ririnig ay ang malalim na pag hinga naming dalawa
Maya maya pa ay bunukas ang pinto.
Agad naman akong sinalubong ni tita samantha at tinanong
"Oh my... Are you okay now andrea?" nag aalalang sabi nito
Pero tulad kanina nanatili akong tahimik
Masakit sa akin na sa isang bigla nag bago lahat pero masisi niyo ba ako.
Nilalamon na ako ng maraming katanungan sa aking isipan at kung ano ba ang dapat kung gawin ngayon...
Kasi gulong gulo na ako.
"Andrea are you okay ? Wala ka na bang ibang nararamdaman maliban sa sakit ng ulo mo?"
Tanong niyang muliHindi na naman ako sumagot dahilan ng biglang pag iba ng atmosphere sa loob ng kwarto. Nakita ko rin ang pagtataka nito sa ginawa ko
Maya maya pa ay nag salita na si bryan
" tita pabayaan muna natin si andrea baka masakit pa talaga ulo niya "
Akala ko ay titigil na ito sa pag tatanong pero
" Andrea,binilhan pala kita ng mga prutas para mas maging healthy ang pag bubuntis mo. Eto oh "sabi nito at agad akong tinabihan para pag balatan ng mansanas
"B-buntis?" utal at medyo naguguluhan kong sabi
Nagtingin naman silang dalawa
"Ah tita samantha pwede ba maiwanan niyo muna kaming dalawa may pag uusapan lang kami ?"
Naguguluhan man ito ay mabilis itong tumango at umalis sa kwarto.
"Ho-"
"What is she saying... Sinong buntis?" sabi ko habang pinipilit na ilayo ang katawan ko mula sa pagkakahawak niya sa akin
Nanatili siyang tahimik. Bagamat ganun ramdam ko pa rin ang bigat sa kanyang dibdib
Tumalikod na lang ako sa kanya at doon ay binitawan ko na ang mga luhang kanina pa gustong lumabas
Ang lawak ng kwarto pero pakiramdam ko napakasikip kito para sa aming dalawa.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa aking likuran
Isiniksik nito ang kanyang ulo sa aking leeg. Ako naman ay hindi makagalaw dahil sa pagkabigla sa ginawa niya
Tatangalin ko na sana ulit ang kanyang kamay ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha niya rito at pagkatapos nun ay narinig ko na ang paghikbi niya
"Sorry andrea" bulong niya sa akin
"Alam kong may nalalaman ka na ngayon "
" pero please wag mo naman akong iwan " mas humigpit ang hawak nito sa akin at mas lumakas din ang pag hikbi nito
Samantalang ako naman ay hindi namalayan ang labis na pagtulo na rin ng luha sa aking mga mata
"Please kahit sa huling pagkakataon maniwala ka sa akin. "
"Im all doing this because i love you and i don't want you to be hurt again "
At bago pa man ako sumagot isang pamilyar na sakit na naman mula sa aking ulo ang aking naramdaman
-----
Author's noteSo ayon isang linggo na lang matatapos na ang klase namin.
Makaka pag ud na siguro ako kada araw 😊😊
Gusto ko na din tong tapusin para maumpisahan ko na din yung isang story ko. Pls pasupprt po din nun.😊
Nakauplished na po yung prologue nun.Check niyo lang po sa profile ko" Own by him " po yung titleHahha 😂😂😂 so ayon pavote po ng chapter na to. Pag naka 80 votes na po mag uud agad ko. Love ya 💕💕💕
BINABASA MO ANG
Im just your wife
General Fiction"Good bye"Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mukha niyang mahimbing na natutulog at kasabay din nun ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.Maingat k siyang hinalikan sa noo.Ilang segundo ang nagtagal bago ako bumitaw Umalis na ako ag...