Kabanata 1 - Ang Pagsisimula

8.8K 258 3
                                    


"Serafin! Babaeng ito iniwan na naman ako," himutok ng disisyeteng dalagitang si Khrystell.

Hinagilap niya ang kaibigan sa maraming nag-uumpukang tao sa field pero kahit anino nito ay hindi niya makita. Kanina lang ay magkasama sila nito sa classroom. Kung saan-saan kasi nagsusuot ito kung kaya pag hahagilapin na niya, mahihirapan muna siya.

Kapagkuwa'y napatingin siya sa suot na orasang pambisig. Tiyak na pagagalitan siya nito ng kanyang ina. Kabilin-bilinan pa nito na pagsapit ng alas-sais ng gabi, dapat nasa bahay na siya kasama ito.

"Kailangan ko na talagang umuwi. Bahala na nga ang babaeng iyon! Hay naman kasi, mapapagalitan pa ako nito kung patuloy ko siyang hahanapin sa madaming tao dito sa field." Inayos niya ang pagkakasukbit ng backpack sa balikat at nagsimulang maglakad. Pero napapasulyap pa rin siya sa bawat kumpulan ng mga estudyante at hinahanap ang matalik na kaibigan.

Mula sa malayo, hindi niya napansin ang mga matang kanina pa nakamasid sa bawat galaw niya. Mga matang kanina pa binabantayan ang buong kilos ng dalagita. Nakatayo ito sa tabi ng library building at hindi ito nakikita ng pangkaraniwang mata lamang.

"Ano 'yon?" Sandali siyang napatigil sa paglalakad. May narinig siyang mga yabag na parang sumusunod sa kanya at paglingun niya ay wala naman tao.

Binalewala iyon ng dalagita at nagsimula ulit sa paglalakad papasok sa maliit na eskinita patungo sa kanilang bahay. Isa iyong shortcut ang dinaanan niya dahil mas mapabilis ang kaniyang pagdating ng bahay kesa dumaan siya sa kabilang kalye. Pero habang naglalakad siya ay patuloy niyang naririnig ang mga yabag na alam niyang nakasunod lang sa kaniya. Hindi siya maaring magkamali ng dinig at kutob. Napatigil siya at mabilis na lumingon. Tulad ng una, wala siyang nakikita.

Nagkibit na lamang siya ng balikat at pilit pinatatag ang sarili. Masyado lang yata siyang nag-imagine ng kung anu-ano. Ito 'yung napapala niya sa kababasa ng mga kwentong kababalaghan at kapapanood ng mga supernatural movies. Eksaktong pagdating niya ng bahay ay nasa harap na ng pintuan ang kaniyang ina at halatang siya ang hinihintay.

"Lumagpas ka ng 15 minutes."

Ngumiti lang siya sa ina at humalik sa hapis nitong pisngi matapos magmano, "Pasensya po, 'ma."

Bumuntunghinga ito at tumango. "Matapos mo magbihis, bumaba ka agad at kakain na tayo. Sinirado ko na ang mga bintana ng kwarto mo at 'wag mong buksan na ang mga iyon."

Tanging tango ang sagot niya sa ina at pakanta-kantang pumasok na silid. Hindi niya alam kung bakit subrang protective ng kaniyang ina, maski lamok siguro ayaw nitong padapuin sa kaniya sa pagka-over protective nito. Pero 'di naman 'yon big deal kay Khrystell, bagkus nga ay ikinakatuwa pa niya kahit wala siyang amang kinagisnan.

Hinubad niya ang sapatos na suot at hinagilap agad ang paboritong tsinelas. Napatingin siya saglit sa tatlong 'anklets' na suot. Kung iisipin niya, simula nung nagkamalay siya ay palagi niya na itong suot sa paa. Isa lamang itong simpleng anklets na iba-iba ang desinyo at hugis ng pendat nito. May iba't ibang kulay ito; puti, pula at itim. Stretchable ito kaya sa paglipas ng panahon, kasabay ng kaniyang paglaki ay pag-unat nito para mananatiling kasya sa kaniyang paa.

"Khrystell!" tawag ng kaniyang ina.

"Ito na po 'ma." Nagmamadaling tinungo niya ang pintuan at lumabas para sabayan ng hapunan ang kaniyang ina. Kahit naman ayaw niyang kumain dahil busog pa siya, pipilitin at pipilitin siya nito.

"Pagkatapos nito, magbasa ka muna ng Bibliya at magdasal." Nasa gitna sila ng pagkain nang magsalita ito.

"Upo, pero... Itong nasa paa ko, bakit ba lagi ko itong suot? I mean, pwede ko ba hubarin ito?"

"Bigay iyan ng... Isang kaibigan. Huwag mong hubarin kahit kailan. Hindi naman nakakasagabal iyan sa'yo anak. Makinig ka sa'kin, huwag mong huhubarin iyan kahit anong mangyari."

Napaisip siya sa sinabi nito. May itinago ba ang kaniyang ina sa kaniya? Pero hindi, kilala niya ito at wala itong inilihim kahit ano sa kaniya. Iyon nga lang, napapansin niyang parang balisa ito nang nagdaang mga araw at panay ang tingin sa kalendaryo kung kailan ang kabilugan ng buwan. Wala nga ba itong tinatago sa kaniya? Hindi kaya isa siyang werewolf na mag-transform tuwing fullmoon, o kaya nama'y vampire na subrang lakas? Natawa siya sa sariling kalokohan at nagpasya nalang na harapin ang pagkain para maharap na niya ang mga assignments.

"Malapit na ang birthday mo."

Nagtaas siya ng tingin at tinitigan ang ina. Bakit hindi ito masaya na malapit na siyang maging ganap na dalaga sa edad na disi-otso? Nahimigan niya ang pag-alala sa boses nito at napapansin niyang balisa na naman ito sa kinauupuang silyang kahoy.

"Bakit po?"

Nagbalik ang hwesyo nito. "Ha?"

"Wala ho," kiming sagot niya. "Sa susunod na linggo ho ang birthday ko mama, okay lang po na 'di tayo maghanda basta ang importante ay magkasama tayo... Masaya na ako ro'n."

"Hindi mo kasi naiintindihan anak..." wala sa sariling sambit nito habang nakatitig sa kawalan. Tila may isang malaking problema itong takot na harapin.

"Ang alin po ang 'di ko naiintindihan?" masyado na siyang na curious sa inasal ng ina.

Bumunot ito ng malalim na buntunghinga at malungkot siyang pinagmasdan. "Kumain ka ng maraming-marami Khrystell." At inasikaso siya nito na hindi naman nito dati ginagawa sa tuwing kumakain sila.

"For the wages of sin is death; but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord." - Romans 6:23

Matapos basahin ang huling verse na iyon ng dalagita sa Bibliya ay humiga na siya sa kaniyang kama. Tulad ng sabi ng Ginang, hindi niya binuksan ang bintana kahit gustong-gusto niya ang hangging-panggabi na nagmumula ro'n dahil nagbibigay ito ng kakaibang ginhawa ang lamig na dulot no'n.

Isa lamang siyang simpleng dalagita na nag-aaral sa isang public school. Nasa senior high na at kung hindi siya sasabit sa anumang kagaguhan ngayon taon, siya ang tatanghalin valedictorian. Mag-aral man siya o hindi, nasa dugo na niya ang marunong sa lahat ng bagay. Ngunit 'di niya ginamit ang mataas na kaalaman para mamintas ng kapwa. Nanatili siyang isang mababa at mapagbigay sa mga kaklase na nangangailangan ng tulong niya kapag nahihirapan ang mga 'to sa isang subject. Kinakantyawan nga siya ni Shella, na tumakbo na lang siya bilang presindente ng Pilipinas dahil malaki ang puso niya sa mga taong nangangailangan at mahihirap.

Nagmulat siya na walang ginto sa bibig kaya alam niya ang pakiramdam ng naghihirap na mga batang kalye na lagi niyang nakikita sa daan at bangketa. Kung kaya minsan, binibenta niya ang mga sariling ubra para ang pera no'n ay pinambibili niya ng mga pagkain at tsinelas sa mga kawawang bata na kahit sapin sa paa ay wala. Siguro, minulat lang talaga ng kaniyang mapagmahal na ina ang 'pag-ibig' sa kaniya. Lagi nitong sinasabi sa kaniya; kahit anong mangyari, dapat pagmamahal at awa ang mananatili sa puso niya.

Kung tatakbo ba siya bilang presidente balang-araw, matatanghal kaya siya? Napangiti siya sa isiping ito at nagpasyang matulog na para bukas ay makutusan niya ang lukaret niyang kaibigan sa singit. Basta na lang siya nitong iniwan.

Mula sa labas ng pintuan, sinilip ni Meliya ang anak. Nababahalang malungkot itong pinagmasdan ang dalagita. Nararamdaman nito ang nalalapit na panganib, na kahit ito mismo ay 'di alam kung paano ba hahadlangan iyon. Pinalaki nito ng maayos ang dalagita ayun sa dapat nitong matutunan bilang isang normal na tao. Nagwagi ito nang lumaking may takot sa Diyos at napakabait na anak si Khrystell. Kailanman ay hindi ito sumusuway at nakikita nito ang puso ng dalagita na puno ito ng pagmamahal pero walang nakakaalam kung hanggang kailan iyon mamayani sa pagkatao ng iniingatang anak.

"Diyos na ang bahala sa lahat." Saka tuluyan nilisan ng Ginang ang kwarto ng dalagita at nagtungo ito sa sariling kwarto.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon