Masaganang dumaloy ang mga luha sa mata ni Khrystell habang pinagmasdan ang binatang sumalo sa sibat na binigay ng demonyo niyang ama. Mula sa likuran nito, tumagos ang assegai na tumama nito eksakto sa kung saan nakapwesto ang puso. Parang dinurog puso niya at halos 'di niya maigalaw ang katawan habang nakapako ang kaniyang tingin sa lalaking pinakamamahal. Nakaharap ito sa kaniya at hawak nito ang bagay na nakabaon sa puso nito.Sa maraming pagkakataon, niligtas na naman siya ni Altdolfer at paulit-ulit nitong pinapatunayan na mahal na mahal siya kahit buhay nito ay handang ibigay para lang sa kaniya.
"M-mahal na mahal kita..." napaluhod ito.
Saka siya nagbalik sa huwesyo at mabilis na lumapit rito at sinaklolohan. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata.
"N-no! No Leigh... 'Di ka pwedeng mawala! Hindi ko papayagan iyon! Hindi!" natatarantang saad niya. Hindi niya alam kung paano pahihintuin ang mga dugong kumawala rito. Nawawala siya sa konsentrasyon niya kaya ang tanging ginawa niya ay umiyak sa harapan nito.
"'Wag... Kang umiyak." ngumiti ito at dinama ang kaniyang pisngi. "B-basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita K-Khrystell at... Masaya ako na ikaw ang dahilan ng k-kamatayan ko." at dahan-dahang pumikit ang mata nito at tuluyang bumigay ang katawan nito sa lupa.
"Leigh!" Napahagulhol siya sa harapan nito. Niyakap niya ang katawan ng binata at umiyak sa pagkawala nito.
Masayang halakhak ni Herari ang namayani naman sa mga sandaling iyon ang narinig ni Khrystell. Natigilan siya bigla at naghari sa puso niya ang galit. Marahan niyang binitawan si Altdolfer at buong tapang na hinarap ang ama.
"Napakasaya ng ginawa ko," palatak nito.
Mabilis na nagsikalat ang nga seal sa katawan niya at nagkulay dugo ang kaniyang mata. Tinuruan siya nitong maging masama, pwes gagawin niya rin dito ang kasamaan tinuro nito. Nag-ipon siya ng enerhiya sa kamay at hinalukay ulit ang langit. Ibabalik niya ang lahat ng demons sa lugar na nababagay ng mga ito at pipilitin niyang isarado ang portal at ibabalik sa ayos ang lahat.
"Akala mo mababalik mo ang lahat! Binuksan mo na Kiara ang lagusan at mapapasakin na rin ang Light City na karapat-dapat sa'kin!"
"Napakasama mo! Sinusumpa ko kung bakit ikaw ang naging ama ko." Biglang sumabay ang kidlat at kulog sa sinabi niya. Uminog ang buong paligid at nagkaroon na malakas na hangin.
"Napakagandang tanawin anak. Pinahanga mo ako." humalakhak ito.
Agad niyang binigay ang pwersang may kasamang kidlat sa ama. Tinamaan ito pero hindi nasaktan. Sumadsad lang ito sa lupa.
Nagtaas siya ng tingin. Malapit ng masira ang Institute. Hindi na rin niya makita si Russel at iilan na lamang nephillem ang napapansin niyang nakikipaglaban. Lumipad siya patungong kalangitan para ibalik ang sinirang lagusan. Hindi niya alam kung paano gagawin iyon pero pipilitin niya para sa ikatahimik ng lahat. Hindi niya hahayaan ang ama na maghari ito sa kasamaan. Puputulin niya na ang kasamaan nito.
Hinalukay niya ulit ang kalangitan at buong lakas na binabalik ang tila salaming portal. Ang mga demons at nephillem ay pinipilit niyang pinaghiwalay at nilagyan ng barrier ang bawat pagitan ng mga 'to pero nahihirapan siyang maibalik ang lagusan.
"Isa kang walang kwenta!"
Naramdaman niya ang malakas na paghampas ng kidlat sa kaniya. Natigilan siya sa ginagawang pagbabalik ng portal at halos natapon sa malayo ang kaniyang katawan. Kung 'di mabilis ang kaniyang pakpak sa paglatad sa ere, malamang bali-bali siyang babagsak sa lupa.
"Ito ang pinakahihintay ko sa lahat at hahadlangan mo lang? Isusunod kita sa dapat mong kalalagyan."
Mabilis siyang umiwas sa pwersang nakabalot ng kakaibang enerhiyang pula at itim na binigay nito. Nakatulong ang pakpak niya sa bilis ng kaniyang pagkilos at galaw para maiwasan ang paghataw ng kidlat nito sa kaniya at tuluyan siyang patayin. Hinagilap ng kaniyang mata kung saan niya nabitawan kanina ang assegai, nang makita ito agad niya itong kinuha.
BINABASA MO ANG
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]
FantasyHe's a Nephillem, A guardian of heaven. He is named Althdolfer, for he was entitled to murder the King's daughter... For 17 years, sinusundan niya ito pero sa isang halik, lahat, nagbago. Althdolfer knew since that day, nahulog siya sa sariling pa...