Kabanata 5 - Sino Siya?

3.3K 123 2
                                    


PAGOD na patihayang ibinagsak ni Khrystell ang katawan sa malambot na kama. Wala na yata siyang luhang maiiyak pa. Natuyo na yata ang tear ducks niya pero 'yung puso niya, parang hinati sa sakit. Siya ang dahilan kung bakit wala na ang kaniyang ina. Ngunit kailangan niya itong tanggapin dahil kahit anong gawin niya hindi na niya mababago pa ang pangyayari. Gusto niyang tanungin si Altdolfer kung ano ba talaga siya at sino siya pero pinakiusapan muna siya nitong magpahinga bago nito sabihin sa kaniya ang lahat.

Sino nga ba siya? Bumangon siya ulit at nasapo ang kaniyang ulo. Binilinan siya ng binata na kung maaari, wala siyang babasagin. Ano ba ang meron sa kamay niya? Napatingin siya sa dalawang palad. Tulad ng normal na tao, may mga linya iyon pero may balat siya sa gitna ng kanang palad na hugis bilog. Malabo lang ito at sa gitna ng hugis ay may buhay na pulang nunal. Akala nga niya dati, may superpower siya kaya nagbibiruan sila minsan ni Shellah nung bata pa sila. Siya raw si Super Woman at Darna naman ito, na mauuwi sa hagikhikan ang lahat.

Madaling araw na. Iyon ang pagkakaalam niya pero hanggang ngayon ay 'di siya dinadalaw ng antok. Paano nga ba siya makakatulog kung marami ang gumugulo sa isip niya? Bumaba siya ng kama at tinungo ang sala kung nasaan ando'n ang lalaki. Pakikiusapan niya itong ikwento ito ang lahat sa kaniya ngayon para matahimik na siya at makatulog.

Sa condo ni Altdolfer ang bagsak nila kanina. Pinalibutan muna nito ng isang harang ang buong silid gamit ang enerhiyang lumabas sa dagger na nasa kamay nito. Temporary shield lamang daw iyon at mawawalan ng bisa agad pero sapat na para makapagpahinga ang kaniyang katawan at isip.

"Dito ako minsan tumatambay 'pag nababagot ako sa Institue."  naalala niyang sabi nito kanina.

"I made you a glass of milk. I know you can't sleep. Take it."

Hindi lumilingon saad nito habang nakaharap sa malaking tv sa sala. Kampamte itong nakaupo sa mahabang sofa at nanonood ng anime.

Sa unang pagkakataon, napangiti siya sa pinanood nito. Isali pa ang kilig na naramdaman niya dahil pinagtimplahan siya nito. Kinuha niya muna ang isang basong gatas sa kusina at bumalik ng sala. Umupo siya sa tabi nito.

Isang Naruto Shipuden ang palabas. Marunong din pala manood ang katulad nito. Akala niya ay paghawak ng dagger lang ang alam ng binata at pagiging prince charming niya. Nakakapagtaka lang kung bakit isang Nephillem ang kaniyang prince charming. Pero mas mainam na iyon keysa isa itong multo o demons.

"Ang pinakagusto ko sa kanila ay si Gaara. Ang astig kasi niya." Panimula niya habang dahan-dahang ininum ang gatas. Mainit pa iyon.

"Si Naruto sa'kin dahil 'di siya nagpapakita ng kahinaan kahit ang mga kalaban niya ay mas malalakas pa sa kanila."

"Pero magkaaway sila ng bestfriend niya."

Sumulyap ito sa kaniya. "Makakatulog ka na n'yan pagkatapos." pag-iiba nito saka bumaling ulit sa pinapanood.

"Ano ba talaga ako?" kapagkuwa'y tanong niya.

"Magpahinga ka muna. Promise, sasabihin ko lahat. As of now, magpahinga ka para ma-absurd mo lahat ang sasabihin ko." Tumayo ito at pinatay ang Tv. Humiga ito sa malaking sofa at pumikit ng mata. "Let's take a rest first."

Wala siyang magawa kundi ag sumunod sa sinabi nito. Ano pa nga ba ang magagawa niya. Isang sulyap muna ang kaniyang binigay sa lalaki bago tuluyang pumasok sa kaniyang silid at nakatulog siya sa tulong ng gatas na ininom...

Sumakit ang kaniyang ulo at kasabay no'n ay ang paninikip ng kaniyang dibdib. Hirap-hirap na siyang huminga at parang pinupunit ang kaniyang katawan sa sakit. Napasigaw siya sa matinding sakit! Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa subrang sakit na nanulay sa kaniyang buong pagkatao. Hindi niya mapigilan umiyak lalo na at patindi nang patindi ang sakit na sumasalakay sa kaniya, isabay pa ang parang nabibiyak niyang ulo.

"Tama na!" matinding hiyaw niya. "T-tama na!"

Narinig niya ang nakakatakot na halakhak sa bawat sulok na kadilimang iyon. Wala siyang makitang liwanang maliban sa naglalagablab na kulay ng fullmoon, pagkatapos no'n ay walang katapusang kadiliman na ang naaaninag niya.

"Si-sino ka?! Tigilan mo na ito, maawa ka!" impit na iyak niya.

"Normal lang 'yan anak. Pagkatapos mong maramdaman ang sakit, isa ka ng tunay na kauri ko. Ako si Herari, ang 'yong ama. Ang nag-iisang Hari ng mga Demons." kasabay no'n ay ang malakas na kidlat at kulog na nagpadugo lalo sa buwan.

"Hindi! Hindi ako magiging kauri mo! Hindi ako demonyo! Hindi! Hindi kita ama! Hindi mo ako anak, hindi!" malakas niyang sigaw.

"Khrystell!" isang yugyog ang nagpagising sa kaniya.

Panaginip! Dinama niya ang pisngi, umiiyak nga siya at pakiramdam niya, totoong mangyayari ang napaginipan.

"Nightmare..." hind ito tanong mula kay Altdolfer. Tila inasahan na nito ang ganitong bagay. "Matulog ka na ulit." akmang iiwan siya nito pero agad niyang hinawakan ang kamay ng binata.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin nang tingnan siya ng lalaki. "Please, kahit ngayon lang... Stay with me. N-natatakot ako." halos pabulong na lang itong lumabas sa bibig niya.

Narinig niya ang marahan pagbuga nito ng hangin at kumilos para tabihan siya sa malaking kama. "Kung makakatulong 'to para makatulog ka ulit, so be it. Let me be your lullaby and go back to sleep. I'll be there watching you."

Tumango siya at nakahinga ng maluwang. She felt secured and protected. May dalawang dangkal ang layo nito sa kaniya pero sapat na ito para makatulog siya ulit.

Lihim naman napabuntunghinga si Altdolfer habang pinagmamasdan ang nakapikit na ngayon na si Khrystell. Tingin niya ay nakatulog na ito ulit. If he was not mistaken, the fullmoon was trying to communicate her through nightmare. Marahan niyang inayos ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng dalagita. He found himself mesmerized by her beauty again. Is he... What? It's an odd feelings for him. He can't even find the answer why he feels this way. Maybe, he was stunned by her beauty and innocent or... There's something else which too impossible for him to believe. Napahugot siya ng hininga ulit at nagpasyang matulog na lang. May bagong problemang kinakaharap pa siya at makikipagkita pa siya sa kaniyang matalik na kaibigan mamayang umaga. Katulad niya ay isang Nephillem ito at may misyon din sa mundo.

Bago niya ipinikit ang mga mata, sumulyap muna siya sa katabing babae. Napangiti siya. Ngiting kay dalang makikita sa kaniyang gwapong mukha. Nakadesinyo yata siyang laging seryuso at pormal ang aura. But to his dismay, he can't even sleep. Kung sabagay, matulog man sila o hindi mananatili pa rin silang buhay. Kaya nagpasya na lamang siyang bantayan at pagmasdan ang babae sa mahimbing nitong pagkakatulog. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatingin dito nang...

"What the!" Hindi niya inaasahan na humarap sa kaniya si Khrystell at yumakap ang isang braso nito sa kaniya. Nahigit niya ang hininga. Sinasadya ba ito ng dalagita?

"M-ma..." Humikbi ito at lalong humigpit ang pagkakayakap sa kaniya. "I-im s-sorry..."

May fondness na umakyat sa puso niya at guilt. Kung nando'n lang siya sa tabi nito nung oras na mangyari iyon baka buhay pa ang kinikilalang ina ng babae. Nasa Institute siya no'n dahil pinatawag siya ng mga Arbiter dahil sa misyon niyang hindi pa natutupad. Hanggang sa narinig niya ang kaniyang pangalan na tinatawag ng dalagita kaya kahit kaharap niya ang mga Arbiter, iniwan niya ang mga ito.

Ilang sandali pa ay narinig niyang umiiyak na ito habang sinasambit ang ina. Nagdadalawang isip siya kung gigisingin ba ito o yayakapin hanggang sa makatulog ito ulit. Ang huli ang pinili niya kaya nagpasya siyang yakapin ang dalagita at hinagod ang likod nito. Isang malaking kasalanan 'to sa kanilang Nephillem ang kaniyang ginawa. At sa isang Demons pa na nakatakdang maging isang dagok sa kanilang lahat na anghel. But he can't bear to watch her crying. She needs someone to rely on. Napaka-fragile nito at para itong babasaging kristal kung titingnan. How he wish Khrystell was a mortal. Hindi siya magugulo ng ganito. Nakakalito ang ganitong sitwasyon.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon