Kabanata 8 - Ang Una't Huli

2.8K 127 7
                                    


"She'll be okay. Gamutin mo na 'yan sugat mo." Sabi ng matandang connoisseur kay Altdolfer nang pumasok ito at may dalang gamot para sa sugat niyang natamo.

Nasa isang silid sila na halos puti ang buong kapaligiran maliban sa kamang  hinimlayan ng dalagita. Tahimik at payapa itong nakapikit do'n. Nanumbalik na rin ang kulay nito pero hindi gaano. Walang pinainum na gamot dito ang matandang connoisseur o itinarak. Ang sabi nito, normal daw iyon na mangyayari sa dalagita. Lumalabas lang na hindi nila ito kauri at hinding-hindi magiging kakampi kung sakali.

"May alam ka ba kung paano pigilan ang pagkabuhay ni Herari maliban sa patayin siya?" ito ang naging katanungan niya nang sulyapan niya ang matanda.

"Ah, pag-ibig!" natatawang saad nito.

Nag-iwas siya ng tingin at muling sinulyapan si Khrystell. Tama ba? Umiibig ba siya? Kaya ba niya ginawa 'to dahil mahal niya ang babae? Ito ba 'yun ligaw na damdamin na laging nagpapagulo sa buong sistema niya? Napakurap siya kasabay ang pagbuntunghinga. Hindi niya na maikakaila sa sarili na pag-ibig nga ang nararamdaman niya sa dalagita kaya nagawa niyang isuong ang napakalaking imposible. Siguro nga, dati pa siya umiibig dito kaya sa tuwing magtatangka siyang patayin ang babae, laging may ligaw na tibok sa puso niya kaya hindi niya magagawa kahit na salingin man lang ang buhok nito. Nung sinabi sa kaniya ni Khrystell na handa na itong patayin niya, parang gusto niya itong sigawan sa mukha. Hindi niya magagawa ang sinabi nito. Iisa lang ang gusto niya, ang mahalin at proteksyunan ito sa lahat ng gustong kumuha ng dalagita. Aaminin na niya; 'n love na siya.

"Nakakamatay ang pag-ibig, alam mo ba 'yun Leigh? Minsan nama'y, nakakapagbigay ito ng lakas at saya pero..." Lumapit ito sa bintana at binuksan ang siwang no'n. Saka pumasok ang preskong hangin na nagmumula sa labas. "Umibig ka sa isang babaeng alam mong 'di dapat. Araw at buwan. Iyan kayong dalawa. Pero minsan pati ang buwan at araw ay nagtatagpo rin at nagkakaroon ng kakaibang tanawin, 'yon nga lang... Pansamantala lamang at kailangan nilang lumayo sa isa't isa para walang maapektuhan." Humarap ito sa kaniya. "Handa ka bang dumating ang araw na 'yon?"

Tumigas ang kaniyang anyo at napakuyom siya ng sariling kamao. Tama si John. Handa nga ba siya? "Please, kung may alam kang paraan maliban sa..."

"Wala na Leigh. Nasa iyo na ang pasya kung papatayin mo siya o hindi. Hindi kita pangungunahan dahil inaanak kita pero isipin mo ang buong angkan natin. Makapangyarihan ang pag-ibig, iyon nga lang kung pag-ibig din ba ang nararamdaman ng dalagita sa'yo. Iiwan na muna kita para makapagpahinga ka sandali ngunit bago 'yon, may mga damit at gamot sa kabilang kwarto. Kumain ka na rin."

Tumango siya at hinayaan itong umalis. Ang kaibigan naman niya ay nasa kabilang silid at nagpapahinga. Kapagkuwa'y lumapit siya sa babae. Tinitigan ito ng maiigi. Humantong ang tingin niya sa mapupulang labi nito. Marahan siyang napailing at namulsang lumabas sa silid na iyon.

TATLONG ARAW na ang nagdaan, nanatiling walang malay ang dalagita. Mahimbing itong natutulog kung titingnan. Gusto na niyang makita ang mga kislap sa mga mata nito tuwing sulyapan siya ni Khrystell.

Nasa tabi siya ng malaking bintana at pinagmamasdan ang kalangitan sa gabi.  Bukas ng gabi at tuluyan ng ganap ang buwan sa kabilugan nito. Naghalo ang kaba at takot sa puso niya nang maisip na malapit na ang iyon. Napasulyap siya sa dalagita, marahan siyang humakbang papalapit dito at umupo sa malambot na kama. Pinagmamasdan niya ang kagandahan nitong minsan bumihag sa puso niya.

Nagtaas siya ng tingin at hinaplos ang makinis at mamula-mulang pisngi nito. Nadako ang kaniyang mata sa nakapinid nitong labi, parang may kung ano na nagtulak sa kaniya na halikan ito. Dahan-dahang nilapit niya ang kaniyang mukha sa babaeng tinitibok ng puso niya at dumampi ang labi niya sa malambot na labi nito.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon