Kabanata 4 - Totoong Mundo

4.2K 149 1
                                    

Hindi niya alam kung sa'n lugar sila ngayon. Basta lamang siyang nakasunod dito ayon sa gusto nito. Nung lumabas sila ng bahay, ibang lugar na ang kaniyang nakita.

Maraming naglalarong katanungan sa isip niya at gusto niyang may isa lang man do'n ang masasagot. Sasabog na yata ang kaniyang ulo sa mga nangyayari ngayon. Kahit sa panaginip, hindi niya ito inaasahan at bakit tinawag siyang Prinsesa Kiara? Sino ito? Ano siya? Sino si Herari? Bakit gusto siyang kunin ng mga demons at bakit nakikita niya ang mga imposibleng bagay na sa libro lang niya nababasa? Isa rin kaya siyang...

"Limang araw mula ngayon ay ang kaarawan mo."

Finally! Nagsalita na rin ito at lumingon sa kaniya. Do'n lang niya napansin na nasa harap sila ng isang bahay. Napatingin siya sa bahay, isang tipikal one storey na yari sa kahoy lamang ito  at napapalibutan ng mga tuyong mga bulaklak at damo ang paligid. Bitak-bitak ang lupa at may nakalagay pang karatula sa sira-sirang bakuran. No Trespassing.

"Oo pero..." nalungkot siya sa isipin siya na lamang ang mag-celebrate ng birthday niya.

Narinig niya ang marahan pagbuntunghinga nito. "Nararamdaman ko ang mga nilalang sa ibang dimensyon, nandito sila para kunin ka." Tumalim ang mga titig nito na nagpalinga-linga sa palibot. Wari'y may hinahanap ang mga mata. "Halika na!" Hinawakan nito ang kaniyang kamay at mabilis siyang hinatak papasok do'n sa halos sira-sirang bahay.

NAMANGHA si Khrystell sa nasaksihan ng kaniyang mata. Isang malaki at maaliwalas na bahay ang nabunglawan niya sa loob na parang munting paraiso. May mga nakaukit na cherubim sa paligid at puti lahat ang kaniyang nakikita maliban sa mga painting na nakasabit sa bawat dingding at sofang kulay asul. Giniya siya ni Altdolfer patungong dining room kung saan nakikita niyang may nakahandang maraming prutas sa mesa.

"Wala akong ibang maiaalok sa'yo maliban sa prutas. Aakyat lang ako sa silid ko." Tinalikuran siya nito at iniwan mag-isa.

Malungkot na sinundan niya ito ng tingin. Hindi man lang siya sasabayan nito? Pabuntunghinga siyang dumampot ng mansanas at sinimulan kagatin iyon. Umupo rin siya sa babasaging upuan. Pakiramdam niya, para siyang Prinsesa sa pagkakaupo niya ro'n. Habang kinakagat niya ang mansanas, masaganang dumaloy naman ang mga luha sa kaniyang mata.

Matiim na pinagmasdan ni Altdolfer ang paligid mula sa labas ng kaniyang bintana sa kwarto. Tama nga siya, may mga nilalang ang paikot-ikot sa bahay niya. Marahil naaamoy ng mga ito ang dugo ng dalagita. Agad niya sinirado ang bintana at nagpalit ng kasuotan. Pagkatapos no'n ay sinira niya ang portal niya paputang 'Institute' kung saan andun ang mga kapwa Nephillem. Sa ginawa niya, hindi siya ma-trace up ng mga ito at hindi malalaman sa ngayon na dinala niya ang babae sa kaniyang hide out. Hindi rin siya pwedeng pumunta sa institute na kasama ang dalagita dahil masusunog lang ang katawan nito sa enerhiyang nakapalibot dito. Tanging mga Nephillem lang ang pwedeng tumuntong sa sagradong lugar. Ginawa ang lugar na iyon para sa kanilang full blood angel and half human, na siyang pumapatay ng mga demons simula noong ginawa ang mundo ng Diyos. Isa silang demon hunter sa madaling salita.

Oras na malaman ito ng Institute ang ginawa niya, alam niyang mapaparusahan siya ng kataas-taasan ng Nephillem at itakwil. Sa isiping iyon, nakaramdam siya ng kaba. Pero sa tuwing naiisip niya ang maamong mukha ni Khrystell, nawawala ang kaba niya at napapalitan ito nang hangarin na mailigtas ito sa pagdating ng kabilugan ng buwan. Ang misyon na patayin ito ay tuluyan binago nung gabing hinalikan siya ng babae. Aminin man niya sa kaniyang sarili o hindi, alam niyang may iba siyang nararamdaman sa dalagita. Hindi pa nga lang niya mabigyan ng pangalan kung ano dahil bago ito sa kaniyang pandama. Sapat na sa kaniyang makita ang magandang mukha ni Khrystell. Sa tuwing pinagmamasdan niya ang kagandahang taglay nito ay nawawala sa focus ang kaniyang pag-iisip at ang tanging sinisigaw ng puso niya ay ang iligtas ito kahit anong mangyari. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito kayang protektahan. Marami ang gustong kumuha sa dalagita.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon