"Leigh you're here! I'm glad to see you..." Natigil sa ere ang ang pagsasalita ng kaibigan niyang si Russel at napatingin kay Khrystell na may pagtataka. "Nagdala ka ng isang De...""Hindi niya pa alam!" mabilis na putol niya at sinulyapan ang kasama na nagtago sa kaniyang likuran.
Sa hide out ng kaibigan niya sila nagpunta dahil alam niyang may maitutulong ito. Kung meron nga.
Agad na rumehistro ang galit sa mukha nito. "Come on Leigh! 'Di mo ba alam ang panganib na ginawa mo 'pag nagkataon?!" piksi nito.
Kalmadong tumango siya. "That's why we're here. You need to help us."
Napamura ito ng wala sa oras at agad din humingi ng tawad sa nasabing pagmumura. Hindi ito makapaniwala at tila diring-diri ito na isang demons ang kasama niya. "You're out of your mind Leigh. Kung 'di mo siya kayang patayin, ako kaya ko!" At sa isang iglap lang ay hinila nito ang dalagita papalayo sa kaniya at isinalya sa dingding. Napatili ito nang naglabas ng dagger si Russel sa kamay para isaksak sa babae.
Mabilis ang kilos ni Altdolfer na isinalya niya sa tabi ang matalik na kaibigan. Sa lakas ng impact, tumilapon ito at nasira ang marmol na sahig mga dalawang dipa ang layo. Takot na kumapit sa braso niya si Khrystell. Namumutla ito.
"Magkaibigan tayo Russ dahil akala ko matutulungan mo ako pero sa pinakita mo, para mo na rin pinutol ang pagkakaibigan natin," malamig na saad niya at matalim itong tiningnan.
Napahugot ito ng malalim na buntunghinga. "I'm sorry okay! Nadala lang ako at nababahala sa kaligtasan mo. I swear heaven and earth, 'di ko na uulitin ang ginawa ko. Tulungan mo lang akong tumayo rito dahil napuruhan yata ang balakang ko sa'yo."
Bahagya siyang napangiti sa kaibigan. Ngayon nangako ito, nakakasigurado siyang may maitutulong ito sa kaniya.
NAKAUPO silang magkakaibigan habang sumisimsim ng kape nang umagang iyon sa sala. Habang si Khrsytell naman ay nanatili sa tabi ng binata. Tahimik at takot na takot pa rin kay Russel.
"Hey, I told you I'm sorry!" inis na pakli nito sa dalagita sabay lagok ng natitirang kape sa mug.
"O-okay lang... Pero... Bakit pati ikaw na isang Nephillem ay gusto rin akong patayin?"
"Damn!" mura ulit nito. "Sabihin mo nga Leigh, nag-iisip ka ba?" galit na sita nito kay Altdolfer. "Look at her, wala siyang alam. Hindi mo ba sinabi kung ano siya? Kung sino siya? At naka-school uniform pa siya. Hindi mo man lang pinabihis bago kayo pumunta rito sa bahay ko."
"Kung may damit ka pambabae, pahiramin mo siya."
"Wala." nababakas sa hitsura nito ag malaking pagkakadigusto. "Ano ba maitutulong ko?"
Napabuntunghinga siya at napasandal sa sofa. "Is there another way kung paano mapipigilan ang pagkabuhay ni Herari maliban sa pagsapit ng kaarawan ng anak niya?"
Napasikdo ang dibdib ni Khrystell nang marinig ang pangalan Herari. Posible kayang ama nga niya ito at anak siya? Kaninang madaling-araw pa siya nagtatanong sa lalaki kung sino siya pero naatiling tikom ang bibig nito. Mukhang malalaman na niya ngayon ang totoo. Siguro, pinapahanda lang nito ang sarili niya sa posibleng malaman.
"A-ako ba ang anak sa sinasabi mong Herari?" tila may bikig sa lalamunan niya ng sabihin ang katagang ito. Sana'y hindi. Sana...
"Ikaw nga. Ikaw ang anak ng demonyong Herari na 'yon. Isa kang half demon and human. Ngayon, alam mo na kung sino ka at ano ka." si Russel ang sumagot.
Natigalgal siya nang marinig ang sinabi nito. Kung ganun, tama nga ang panaginip niya at narinig. Napailing siya. Hindi! Hindi siya pwedeng maging anak ng isang demons. Ang sabi ng kaniyang ina, isang sundalo ang kaniyang ama at namatay sa digmaan kaya maaga siyang naulila. Pinaglalaruan ba siya ng mga ito? Bakit siya magiging anak ng lalaking sinasabi nito, kahit sa sarili niya ay alam niya kung anong dugo ang dumadaloy sa katawan niya. Iyong panaginip niya, tama. Siguro, ayaw lang niyang tanggapin ang katotohanan. Hindi niya napansin na nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang luha. Hindi niya yata matanggap. Kahit kailan 'di nagtago ng lihim ang kaniyang ina. Kaya ba may sacred anklets siyang laging suot dahil sa kaniyang proteksiyon?
BINABASA MO ANG
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]
FantasyHe's a Nephillem, A guardian of heaven. He is named Althdolfer, for he was entitled to murder the King's daughter... For 17 years, sinusundan niya ito pero sa isang halik, lahat, nagbago. Althdolfer knew since that day, nahulog siya sa sariling pa...