Kabanata 12 - Si John, Ang Sacred Anklets at Ang Institute

2.1K 97 2
                                    


"Tutulungan ko na ang kaibigan ko!"

Agap na hinawakan ni John ang balikat ni Russel. "'Wag kang gumawa ng hakbang na ikamamatay agad ng kaibigan mo!"

"Ano ba 'tanda! Kita mo ba buhay na ang demonyong hari? Papatayin nila si Leigh!" halos magsigalawan ang panga nito sa galit.

"Russel makinig ka, kahit na sumuong ka pa ro'n, hindi mo maililigtas si Leigh."

"At anong gusto mo gawin natin dito? Ang panoorin ang kaibigan kong paglaruan ng dalawang hinayupak na 'yon? Ikaw kaya ipauna ko ro'n?! Kanina pa ako nanggigigil sa'yo eh!"

Tinapik niya sa balikat at pinakalma ito. Naiintindihan niya ang inaakto ng binata. "Alalahanin mong isa akong connoisseur. Baka isang hiling ko lang sa mga Arbiter diyan sa walang galang na dila mo..."

"Ang sabi ko po... Nanggigigil ako sa mga demons. Bingi pala kayo at 'di mabiro."

Tumango siya at bigla may sumagip sa alaala niya...

Si Maria ay ang tunay na ina ni Khrystell. Ang tiyahin nitong si Meliya ang nagpalaki at nag-alaga sa dalaga. Namatay ang totoong ina nito nang pagkatapos nitong saksakin ng patalim si Herari, agad itong sinundan ni Abaddon para siyang kumuha ng sanggol. Mabilis na nagtago sa loob ng simbahan ang babae dala ang batang nakabalot pa sa lampin. Nang sandaling iyon ay nasa loob si John ng simbahan. Tila inaasahan na niyang may darating na isang panauhin. Inabot ng babae sa kaniya ang sanggol na nagsimulang umiyak. Tinanggap niya iyon.

"Maawa ka, ilayo mo ang anak ko sa lugar na ito. Iligtas mo siya... 'Wag mo siyang hayaan makuha ng kadiliman."
umiiyak na pakiusap nito.

Hindi sumagot si John ng mga panahon 'yon. Tila nakikita niya ang mangyayari sa hinaharap nang hawakan niya ang maliit na kamay ng sanggol.

"Isang Hari ng Demons ang ama ng batang ito."

Marahan pumatak ang luha ng babae. "Iligtas mo siya. Please sinusundan ako ng..."

Hindi natapos ang sasabihin nito. Isang saksak ng espada mula sa likod ang tumigil sa pagsasalita nito. Agad siyang umatras at ang suot na mga sacred anklets ay agad na isinuot sa kamay ng inosenteng sanggol.

"Ibigay mo sa'kin ang bata!" walang emosyon na saad ni Abaddon. Kasunod nito ang ilan mga high class demons sa likuran.

Napangiti ang matanda. "Subukan mo."

Nagpumilit na lumapit ang mga demons pero may pwersang bumalot sa kapaligiran kaya hindi makalapit ang mga ito.

"Papatayin kita 'tanda kapag nakalapit ako sa'yo! Akin na ang batang hawak mo!" rumehistro ang galit sa mukha ng binata.

Nangingiting umiling-iling siya at tumalikod sa mga ito. "Isang half human at nephillem ang ina ng sanggol na ito. May karapatan kaming anghel kahit papaano. Hindi magtatagumpay si Herari na sirain ang portal ng Institute para makuha ang Light City sa pamamagitan ng inosenteng sanggol, na minsan inakala ng kaniyang ina ay binuo sa pagmamahal niya sa isang mortal." Sandali siyang lumingon. "Adios!"

Umalis si John sa simbahan na iyon at tinungo ang bahay ni Meliya na totoong mortal. Isa itong choir member at halos buong oras nito ay umikot sa pagtulong sa simbahan at sa mga bata. Inilagay niya sa kama ng babae ang batang sanggol at hinintay niya na dumating ito. Halos mahimatay pa ito sa gulat nang makita siyang nakatayo sa tabi. Kung 'di marahil sa pakpak niyang nakatiklop sa likuran at puting kasuotan baka tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Anak siya ng kapatid mo sa isang demonyo. Alagaan mo ang batang iyan at 'wag mong tangkain na alisin ang suot niyang anklets. Isa itong proteksiyon. Marami ang magtatangkang kunin siya at maaari rin na papatayin siya ng isang Nephillem, o ako. Isang instrumento ang batang 'to para sirain ang mundo namin pero sa pagkakataon ito hahayaan kong mabuhay siya. Nakikita ko ang hinaharap pero 'di gaanong malinaw. Ngunit nakakasigurado akong katahimikan at kapayapaan ang lahat ng nakikita ko. Aalis na ako pero bago iyon, sa pagsapit ng fullmoon sa ikalabin-walong edad niya, pwede siyang baguhin ng buwan at sa dugong bumubuhay sa kaniya. Huwag mo siyang hayaan sakupin ng kung ano man galit at kasakiman sa lahat ng bagay. Lagi mo ituturo at itanim sa puso niya na pag-ibig ang sagot sa lahat at pag-ibig dapat ang mamayani sa buong pagkatao niya." Saka siya naglaho na parang bula sa mata ng mortal...

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon