Isang kislap ng mata ay nasa harapan niya na ito at may hawak na assegai sa kanang kamay. Alam na niya kung ano ang gagawin nito sa sibat na hawak. Agad na naglaho sa kaniyang paningin ang pakpak ng dalaga at napapalitan ng kakaibang galit ang hitsura nito."Magdasal ka na Nephillem," anito.
Nagpumilit siyang tumayo para pantayan ito pero napaigik siya sa sakit at kirot. Hindi niya magawang itikyop ang pakpak dahil may bahagi no'n na nabali at napuruhan ng sugat. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit na bumalatay sa katawan niya.
"Huwag ka ng kumilos dahil papatayin na kita!" Mula sa kamay nito ay itinaas nito ang assegai na siyang gagamitin nito sa pagpatay sa kaniya.
Habang siya ay naniniwalang 'di siya magagawa nitong patayin. Hindi nga ba? Hindi siya kumilos para pigilan ito. Hahayaan niyang gawin nito ang bagay na hindi niya kailan man magagawa rito; Ang patayin ang dalaga. Nanatili siyang nakatitig rito at nasa puso pa rin niya ang pagmamahal sa dalaga.
Ilang beses na kumidlat at kumulog kasabay no'n ay paghataw nito sa hawak na assegai para tamaan ang dibdib niya.
"Leigh!" malakas na sigaw ni John.
Napansin niyang natigilan si Khrystell at ang sibat na ilang dali ang layo sa kaniya ay bumagsak na lamang sa harapan niya.
Nagtaas ito ng tingin at ganun din si Altdolfer. Papatago na ang buwan at ilang sandali ay lilitaw na ang araw. Ang Institute ay nagmistulang kalansay na. Minuto na lamang at mapapasok na nang mga ito ang Light City. Kapagkuwa'y napatingin ito sa kaniya at sa mga kamay nito.
"L-leigh..." nalilitong saad nito. "A-anong ginawa ko? Anong nagawa ko?!"
Tama nga siya at magbabalik ang tunay na Khrystell! Nagpumilit siyang tumayo pero hindi niya na kailangan iyon gawin dahil ito na mismo ang lumapit sa kaniya at niyakap siya. Naglahong parang bula ang mga marka sa katawan nito at nagbalik ang inosente nitong mukha.
"Khrystell..." tanging naibulong niya.
"Ako ba ang may kagagawan ng lahat? Sinira ko ang mundo mo Leigh... Nasira ko ang..." Bumitaw ito sa kaniya. "Bilis, patayin mo ako. P-patayin mo ako pakiusap. Hindi ko alam kung paano pipigilan ang komusyon na ginawa ko!"
Agad niyang pinahiran ang mga luhang pumatak sa mukha ng dalagang pinakamamahal. "Hindi kita magagawang patayin. Sapat na sa'kin na nagbalik ka na. Ang kailangan lang natin ay ang pigilan mo ang nga demons at ibalik ang portal ng Institute"
Lumito ang hitsura nito at napasigok. "Hi-hindi ko alam kung paano maibabalik ang lahat pero susubukan kong ibalik ang portal. Tulungan mo ako Leigh na itama ang lahat... Argh!" napahawak ito sa sariling kamay. "No!" sa ibang dimensyon tumama ang pwersang pinakawalan nito. "K-kinokontrol ako ng mga seal ko! Hindi...!" sa ibang dimensyon naman tumama ang pangalawang pwersang ginawa nito.
"Patayin mo na siya Kiara at sasakupin na natin ang Light City!" dugtong ni Herari na hawak sa leeg si John na subrang hinang-hina na. Halos galos na ang mukha at tila tuwang-tuwa naman ang una sa nangyari sa sariling kapatid nito.
"Khrystell 'wag kang makinig sa demonyo mong ama! Siya ang dahilan kung bakit namatay ang tunay mong ina. Si Meliya ay tiyahin mo lang at alalahanin mong alagad niya ang pumatay sa kaniya." hirap man sa pagsasalita ay ginawa pa rin iyon ng matandang connoisseur.
"Hindi ka pakikinggan ng pamangkin mo." ngumisi si Herari.
Bumalong ang mga luha sa mga mata ng dalaga at pinipilit kontrolin ang sarili. "N-nahihirapan na ako..."
Lumapit si Altdolfer dito pero tulad kanina 'di niya ito magawang hawakan pero sapat na ang makitang nilalabanan nito ang kumokontrol sa sarili nito.
"Ngayon na Kiara!" galit na sigaw ni Herari at tinarak ng sibat sa ulo si John.
"Hindi!" napasigaw siya ng malakas. Magkapanabay na bumagsak sa mga mata niya ang luha nang bumagsak ang lalaking siyang tumulong sa kaniya.
Malakas na halakhak naman ng demonyo ang kaniyang narinig. Kung may tamang lakas lamang siya baka sinugod niya na ito at nakipaglaban pero nabali ang kaniyang pakpak at marami siyang sugat at dumudugo pa iyon. Isang suicide attack ang gagawin niya kung sakaling susugurin niya ito. Alam niyang isa itong napakalakas na hari ng demons.
Inilabas niya ang kanjie sa kaniyang kamay. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng panibagong panganib na gagawin nito pero isusumpa niya sa kataas-taasang anghel, hind ito magwawagi sa kasamaang gawin.
"Kiara patayin mo na siya."
Umiling naman si Khrystell at hirap na hirap sa pagkontrola ng sarili. "No! 'Di ko gagawin iyon sa kaniya."
"Sa'kin ka makinig Khrystell. Ibalik mo ang portal ng institute bago tuluyan mawasak ito at lumitaw na ang araw," pakiusap niya.
"Hangal!" galit na umigkas ang kamay nito at isang kislap ng mata ay nasa harapan niya na ito. Pinilipit ang kaniyang leeg at itinaas ang katawan sa ere. "Ako ang papatay sa'yo." Sa isang kamay nito ay may hawak itong sibat na siyang ginamit sa pagpatay nito kay John. Akmang isasaksak nito ang assegai sa kaniya pero inunahan niya ito sa kaniyang kanjie.
Galit na tumawa ito pero nahahalata niyang nasaktan ito sa kaniyang ginawang pagsaksak. Alam niyang nasasaktan pa rin ito sa pwersang bumabalot ng espada. Isa itong espada ng kataas-taasan. Bahagyang niluwagan nito ang pagpilipit sa leeg niya pero hindi siya binitiwan.
"Bitiwan mo siya Ama!" pakiusap ng dalaga sa isang tabi habang pinipigilan ang isang kamay. Ang kaliwang bahagi ng mukha patungong katawan nito ay nagsimulang sakupin ng marka at namumula ulit ang kaliwang mata.
"Mas gusto ko siyang patayin!" at hindi niya napaghandaan ang pangalawang pagtangka nitong saksakin siya.
"Tama na!"
Napatingin si Altdolfer kay Herari na tumilapon sa malayo nang bumagsak siya sa lupa. Hindi siya nito nagawang saksakin dahil dito pinakawalan ng dalaga ang pwersang kanina pa nito pinipigilan. Masakit na ang buong katawan niya at halos hindi niya na magawang igalaw ang ibang bahagi no'n.
Mabilis na lumapit sa kaniya si Khrsytell at dinama ang kaniyang mukha. Nasasalamin niya sa mga mata nito na nag-aalala ito sa kaniyang kalagayan pero hindi pa naman siya mamamatay sa mga sugat at nabaling pakpak. Mamamatay lamang siya kung saksakin ang ulo o puso niya.
"O-okay ka lang?" mabilis na tanong nito.
Tumango siya at ngumiti. "'Wag kang mag-alala... Hindi pa ako mawawala. Aalis pa tayo rito at aayusin pa natin ang lahat ng gusot na ito."
Bahagya itong ngumiti at parang hinaplos ng anghel ang puso ng binata ng sandaling iyon.
"Isa kang suwail na anak! Mas pinapahalagahan mo ang kaaway na iyan!" Hindi maipinta ang galit na lumitaw sa hitsura ni Herari. Halos magwala ito sa galit.
"Mahal ko ang lalaking pinipilit mong patayin Ama. Kung nakaya ng konsensya mong patayin ang tunay kong ina at sarili mong kapatid, ako hindi! Hindi ako kailanman magiging masamang tulad mo. Ibabalik ko sa dati ang lahat at hinding-hindi ko hahayaan na gamitin mo ako sa pagsakop sa buong Light City." pinal na sabi ng dalaga at desidido na itong ibalik ang nasira.
Tinulungan nitong itayo ang binata at naghanda sa gagawin pagbabalik sa portal ng institute
"Kung ganun, uunahin kita."
Isang malakas na pag-ulos ng assegai kasabay ang kidlat at kulog, bumiyak ang lupa nang tumama ang mahabang sibat na may matulis na batong ruby ang dulo sa likod ni Altdolfer.
"Leigh!!!"
"Khrystell..." gumuhit ito sa labi niya nang yakapin niya ang dalaga para saluin ang sibat na para rito.
BINABASA MO ANG
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]
FantasyHe's a Nephillem, A guardian of heaven. He is named Althdolfer, for he was entitled to murder the King's daughter... For 17 years, sinusundan niya ito pero sa isang halik, lahat, nagbago. Althdolfer knew since that day, nahulog siya sa sariling pa...