Kabanata 10 - Direct Portal

2.4K 99 1
                                    


"Alam mo ba kung ano kalaking gulo ang ginawa mo?" nababakas sa boses ng matandang connoisseur ang pinipigilan galit sa kabila ng mga sugat na natamo nito sa pakikipag-away. Nabahiran ng lungkot ang mga mata nito nang sulyapan ang paboritong piano na sirang-sira na at hindi na pwedeng magamit pa.

"Mamayang gabi na ang kabilugan Leigh. Ang mga high class demons pa nga lang ay nahihirapan na tayo, ano pa kaya kung magising na sa pagkakahimlay ang demonyong pinuno nila? Hindi rin natin alam kung magiging kakampi pa ba natin sakali si Khrystell... At si Abbaddon ang kapatid mo..."

Mabilis na pinutol ni Altdolfer ang anuman sasabihin ng kaibigan niyang si Russel laban sa kapatid niya. Ayaw niyang marinig ang pangalan nito. Isa itong lason na ayaw niyang marinig o makita man lang. Ganito kalaki ang galit niya simula nung patayin nito ang sarili nilang ama at ang kaniyang ina. Akala niya ay kasamahan ni Herari ang pumatay ng kaniyang magulang no'n at kakampi niya ang bunsong kapatid na tinanggap ng kaniyang ina bilang isang parte ng kanilang pamilya pero nagkamali siya dahil nung isinama siya ng mga Arbiter sa Light City para ibigay sa kaniya na may basbas galing sa mga ito ang kanjie, ay saka kumilos ng pailalim si Abaddon at pinatay sa pamamagitan ng lason ang kaniyang mga magulang. Halos magwala siya ng malaman niya ang buong katotohanan at tinangka itong patayin pero naglaho na ito at sumama kay Herari; sa mga kasamahan ni Herari. Kung may pagkakataon siya kanina na sugurin ito malamang ginawa na niya pero hindi madali iyon.  Pero alam niyang magtatagpo ang landas nila mamaya at sisiguraduhin niyang mapapatay niya ito sa ngalan ng kaniyang ama't ina.

"Papatayin ko siya." Pinal na sagot niya at naglakad papuntang silid kung saan makakapag-isip siya kung saan pwedeng hanapin ang covert na sinasabi ni Abaddon.

"Leigh!" tawag sa kaniya ni Russel.

"Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago. Hayaan na muna natin siya pero hindi natin pwedeng iabut sa Institute ang nangyayaring kaguluhan ngayon. Magkakaroon lamang ng komusyon at baka maparusahan ang kaibigan mo. Sa ngayon, magpahinga muna tayo at alam kong mamaya ay 'di titigil ang isang iyon na hindi makikita si Khrystell. Alam natin pareho na hindi basta-basta ang mga high class demons, isali pa ang pagkabuhay ng hari nila pero habang hawak ni Leigh ang kanjie. Kaya siyang proteksyunan ng espada kahit anong mangyari. At nararamdaman kong mananaig pa rin ang pagmamahalan ng dalawang batang iyon sa kabila ng gulong ito pero manalangin ka 'bata' na sana hindi tuluyan sakupin ang buong isip at puso ni Khrystell. Malaking gulo ito sa buong demons at nephillem! Sa mga oras na ito, nasa Light City ang ibang nephillem at konti lang ang nasa institute. Kapag mabuksan o sirain ni Khrystell ang portal ng mundo nila sa Institute, masasakop nila ito sakali at pwede rin magkaroon ng madugong labanan sa Light City."

Parang binagsakan ng buong langit si Russel sa narinig at nanghihinang napaupo siya sa sahig habang nagdudurugo ang mga sugat. Hindi na niya alam kung paano ba lulusutan itong problemang nasa harap nila ngayon. Kung nasa katayuan din ba siya ng kaibigan, ganito rin ba ang gagawin niya? Napailing siya. Makapangyarihan talaga ang pag-ibig. Sana lang ay matapos ito na sila ang mananalo. Maabatukan niya talaga si Leigh ng wala sa oras nito.

Nag-ipon ng sapat na lakas si Altdolfer. Hindi naman siya basta susugod do'n na mahina pa ang katawan niya galin sa pakikipag-away kanina. Siya lang ang pupunta ng 'Covert' para kunin ang babaeng pagmamay-ari niya. Dalawa lang ang patutunguhan nito sa gagawin niyang pagsalakay na mag-isa; makakalabas siya ng buhay na kasama ang dalaga at mamamatay sa pag-aasam na makuha ito.

"Pangako kukunin kita Khrystell. Hindi ko hahayaan na makuha ka ng tuluyan sa'kin ng mga demons. Maibabalik kita sa'kin at mamumuhay tayo ng normal." napakuyom siya ng kamao nang sulyapan niya sandali ang kalangitan sa labas, nagsimula ng kumalat ang dilim. Ito ang oras na dapat na niyang pumunta sa lugar ng mga demons.

Nakasuot siya ng itim na shirt sa loob at pinatungan ng itim na leather jacket sa labas. Gano'n din ang pang-ibabang pants niya, itim din. Iniba niya ang ayos ng kaniyang buhok at ginawa itong naayon sa gusto niya. Bago niyan, ilan sa mga sacred medicine at weapon ni John sa kabilang silid ay kinuha niya. Hindi niya kinalimutan ang sacred liquid na nakalagay sa isang pulang boteng, ito ang gagamitin niya sa pagsaboy sa mga kaaway kung sakaling subrang dami na ng mga ito na susugod sa kaniya.

Alam niya kung saan matatagpuan ang lugar na pinagtataguan ng mga ito; ang underworld. Hindi ito basta-basta mapupuntahan ng tulad niya lalo na't wala siyang tamang direct portal papunta ro'n pero nasa kaniya ang tatlong pendant ng sacred anklets ni Khrystell. Binigay niya ito sa dalaga pero nung minsan tinabihan niya ito sa pagtulog, nahulog mula sa bulsa ng saya nito ang mga pendant kaya kinuha niya at tinago. Maari siya nitong gawan ng saktong portal na gusto niya. Pwede siyang matutulungan ng matandang connoisseur pero mas maganda kung mag-isa siyang susugod. Sarili lang niya ang kaniyang alalahanin. At mas mabilis ang kaniyang pagkilos.

Sabay niyang inihampas sa dingding ng silid na kinaroroonan niya ang tatlong pendant. Nagliwanag ang paligid at biglang parang may humampas sa kaniya na malakas na hangin na nagmumula ro'n. Napangiti siya nang makitang lumitaw na ang portal na siyang magdadala sa kaniya papuntang kamatayan. Gagawin niya ito tulad ng kaniyang pinangako sa babaeng minamahal. Walang pwedeng hahadlang sa mga plano niya at para na rin makaharap ang traydor niyang kapatid sa ama.

PAHANGOS na tinungo ng matandang connoisseur si Russel na ginagamot ang sarili sa nakuhang sugat.

"Si Leigh nakita mo?"

Nagkibit ng balikat ang binata at tila tinatamad na hinintay nito maghilum ang sugat matapos dapatan ng gamot. Ilang segundo lang ay naghilum na iyon at tumayo ito para harapin ang matandang kasama.

"Wala ba siya sa silid sa itaas?"

Napapiksi si John at galit na napaisip sandali. "Sinuyod ko ang mga silid pero walang Leigh Atdolfer ang nakita ko. Isa lang ang ibig sabihin nito, gumawa ng suicidal mission ang matigas ang ulo na kaibigan mo! Malamang nasa covert ito ngayon!"

Nagulat naman si Russel sa narinig at pati ito ay nabahala sa kalagayan ng kaibigan. "Pero hindi basta makakapasok ang tulad natin do'n maliban sa..."

"Ang sacred anklets ang gumawa ng portal niya. Maghanda ka 'bata' at susundan natin ang batang iyon! Kung kailan tumanda na ako sa pagiging connoisseur saka pinasasakit ng batang 'yon ang ulo ko!" wala ng panahon para magreklamo ang matandang connoisseur dahil kahit pipigilan niya ang inaanak, mananatiling matigas ang pasya ng binata at gagawa pa rin ito ng hakbang.

Matalino ang inaanak niya pero sa lugar ng kaaway? Imposible na yata ang ginawa nitong pagsugod na mag-isa. Kanina nga ay medyo nahirapan sila. Ano ba ang pumapasok sa isipan nito? Dapat sa ganitong pagkakataon ay siya ang nagpapasya. Wala na siyang magagawa kundi ang maghanda dahil susulong sila. Hindi naman pwedeng hayaan niya ang batang iyon. Dati pa ay pinakiusapan siya ng ama nito nung panahon na lagi itong pumapasyal sa simbahan na bantayan niya ang paglaki ng inaanak. Mistulang parang anak na rin niya ang turing dito kaya isusuong niya ang sariling kaligtasan para rito.

"Handa na ako." anas ni Russel na fully loaded ng ilan sa mga weapon na pinili nito sa isang silid na pinaglalagyan niya ng mga armour, antedote, poison at mga sacred weapon.

Inabot niya sa binata ang isang itim na coat. "Gamitin mo 'yan para 'di tayo makita ng mga demons."

Namangha ito. "Akala ko nasa Light City ang mga ito at pili lang ang binibigyan nito ng mga Arbiter." Natutuwang saad nito habang sinuot ang coat. "Ang gwapo ko rito ah!" Humarap pa ito sa salamin dingding at pumorma sandali. "Ang cool ko talaga! Salamat nito John. Ang astig ko!"

"Pero hindi ibig sabihin niyan kaya ng itago ng suot na coat natin ang tunay na tayo sa underworld. Maari pa rin nila tayong makita lalo na sa pagpatak ng kabilugan." paalala niya na sinimulang maghanda para sa gagawing portal patungong covert.

Hindi literal na isang impyerno ang lugar na covert. Mistula rin itong Light City pero walang araw na nakakapasok ro'n. Tanging apoy na hindi namamatay ang nakalagay sa mga sulo ang bawat nasa paligid ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar. Kaya gusto ng mga ito na sirain ang portal patungong institute para makuha ni Herari ang Light City at angkinin iyon. Nang makagawa na siya ng portal, agad silang pumasok dalawa ni Russel.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon