Agad na kumilos si Atldolfer at ibinuhos sa dalaga ang laman nang bote nang lumipad siya sa ibabaw. Nakita niyang nasaktan ito at humina ang pwersang nakapalibot dito. Sinamantala niya ang panahon para malapitan ito at iyon nga ang ginawa niya, mabilis siyang lumapit rito at sinalo si Khrystell nang babagsak ito sa lupa.Samantalang ang dalawang magkapatid na si John at Herari ay nagtagisan ng lakas. Habang si Russel ay kaliwa't kanan ang kaharap nitong demons.
Parang napapaso si Altdolfer nang magdaop ang balat nilang dalawa ni Khrystell. Mainit iyon at dumadaloy pa rin ang seal sa katawan nito pero nagawa na niyang hawakan ang dalaga. Nanatiling kulay pula ang mata nito at alam niyang 'di pa rin siya nito nakikilala ngunit nanatili itong walang kibo.
"Khrystell, ako ito... Bumalik ka na sa'kin," pagsusumamo niya habang tinitigan ang mata nito. "Bumalik ka na please. Huwag mo hayaang sirain ka ng dugong demonyo na dumaloy sa dugo mo."
Hindi ito kumibo pero naramdaman niya ang mahigpit nitong kamay na pumulupot sa leeg niya. Sinakal siya nito! Hindi siya nanlaban at hinayaan lamang ang babae.
"Isa kang kaaway! Mamatay ka na!" bumalagsik ang hitsura nito at lalong nag-aapoy ang mga mata nito sa kagustuhan patayin siya.
Nagpumilit siyang ngumiti kahit nararamdaman niya ang higpit na pagkakasakal nito. Kung nasisiyahan ito sa ginagawa, okay lang sa kaniya basta sa huli ay babalik ito sa piling niya. Naramdaman niyang lumutang ang kanilang katawan sa ere.
"H-hindi ako kaaway. A-ako ang lalaking minahal mo at mahal na mahal ka. Ako ang lalaking naging tagapagtanggol mo at lalaking nangangakong hindi kita iiwan kahit anong mangyari... K-khrystell... Ako si Leigh Altdolfer, ang lalaking hinding-hindi ka magagawang saktan man lang o kahit na ang patayin!"
"Tumahimik ka!" isinalya siya nito papalayo. "
Mabilis na lumabas sa likuran niya ang puting pakpak na kasim-puti ng nieve para 'di siya tumilapon sa malayo. Nakikita niyang nagkislapan ang mga mata ng dalaga at parang may iniisip ito pero'di niya mabasa kung ano.
"Naalala mo na ba ako? Natatandaan mo ba na ikaw si Khrystell Sandoval. Ang babaeng pinalaki ng maayos ng isang mortal. Ang babaeng napakabait na anak at magtatapos bilang isang Valedictorian ngayon taon. Ikaw ang aking misyon pero isinuong ko ang lahat ng panganib at kaligtasan para sa'min nephillem dahil mahal kita. Nandiyan ako simula nung bata ka pa hanggang sa maging dalaga ka at dati pa'y minahal na kita."
Umigkas ang kamay nito at kung 'di siya maagap sa paglagay ng proteksyon gamit ang espada, malamang tinamaan siya sa kidlat na ginawad nito.
"Nung gabi, isang linggo bago ang kaarawan mo. Pinuntahan kita para patayin pero 'di ko magawa. Para akong nahipotismong nakatitig sa'yo at nung hinila mo ako at hinalikan, do'n ko napagtantong nagmahal ako ng isang kaaway. Khrystell, maaring kaaway nga ang tingin mo sa'kin pero ako 'yun taong mahal na mahal mo!"
Galit na umigkas ulit ang kamay nito at nagbitiw ng kakaibang kidlat para tamaan siya pero hangga't nasa kaniya ang kanjie, mapoprotektahan siya nito. Mula sa likuran ng dalaga, kita niya ang matayog at maitim na pagbuka ng pakpak nito sa ere. Isang matalim na sulyap ang binigay nito sa kaniya bago ito lumipad paimbulog.
"Damn!" agad niyang sinundan ito. Dapat kanina hindi niya hinayaan na pakawalan ang dalaga. Hinabol niya ito sa ere.
Maraming nakapasok na demons sa institute at nakikita ni Altdolfer na nasisira na ang kalahating panig no'n. Oras na tuluyan itong magupok, sa Light City ang sunod na papasukan ng mga ito.
Nang maabutan niya ang dalaga, bigla niya itong niyakap ng mahigpit nang hilain niya ang kamay nito. Nagpumilit itong kumawala sa kaniya pero hinding-hindi niya ito bibitawan. Ipipilit niya ang sarili sa isip nito at puso na maalala siya. Alam niyang natutulog lamang ang tunay na babaeng minahal niya. Kailangan lamang niyang gisingin ito para bumalik ito sa kaniya.
"Bitawan mo ako nephillem!" matalim ang mata nito nang tingnan siya at nagpumilit na kumawala sa mga bisig niya.
Hindi siya sumagot. Mas humigpit ang kaniyang yakap na ginawad rito at sana sa mga sandaling ito, maririnig nito ang tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang paghina ng pagwawala nito at nagiging pusyaw ang kulay pula ng mata nito. Nagsisilaho rin ang mga seal sa katawan nito at nakikita niya ang pagkatuliro sa kislap ng mata ni Khrystell.
"H-hindi! Kaaway kita. Isa kang nephillem at demons ako. Paano magmamahalan ang dalawang magkaaway?! Dapat pinatay na kita kanina!" Bumalagsik ang hitsura nito at lalong nagpumilit na kumawala sa mga bisig niya.
"Makinig ka Khrystell. Hindi ikaw ito! 'Wag kang padadala sa utos ng ama mo dahil siya ang naging dahilan kung bakit ka nagkakaganito. Hanapin mo ang tunay na ikaw! Ako, hanapin mo ako sa puso mo. Dahil ako ang lalaking handang mamatay para lang sa pag-ibig ko sa'yo." at walang pasabing siniil niya ito ng halik nang kabigin niya ang ulo ni Khrystell habang ang mga pakpak niya ay yumapos sa katawan ng dalaga.
Natigilan naman ito at napatitig ito sa kaniyang mga mata. Tila inaalala nito ang nakaraan pero 'di na ito nanlaban. Bigla, napansin niya ang pagkalito at inosenting kislap ng magagandang mata nito.
"L-leigh...?"
Pangalan niya ang binanggit nito nang bitawan niya ang labi nito. Parang gusto niyang tumalon sa tuwa.
"Naalala mo na ako," lumuwag ang kaniyang pagkakayakap sa dalaga at masuyong pinagmamasdan ang kagandahan nito.
Tumango ito pero hindi niya napaghandaan ang biglang pag-angklas ng kamay nito at tumilapon siya sa malayo nang bigyan siya nito nang pwersa ng kidlat. Ngumisi ito at halu-halong kulay na enerhiya ang nakapalibot dito ngayon. Ang pula, itim, puti at asul. Nagkaroon ng malakas na pagkasira ang lupang sinadsaran niya samantalang sa sulok ng mata ni Altdolfer, puro sugat na ang natamo ng matandang connoisseur habang nakangisi si Herari at may hawak na mahabang assegai. Isa itong uri ng sibat.
Naramdaman niya ang pagkasugat-sugat ng kaniyang pakpak at ilang parte ng katawan niya ay dumudugo. Parang namanhid ang buong katawan niya sa pwersang pinakawalan nito sa kaniya. Kung isa siyang mundane, malamang isa na siyang bangkay ngayon.
BINABASA MO ANG
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]
FantasyHe's a Nephillem, A guardian of heaven. He is named Althdolfer, for he was entitled to murder the King's daughter... For 17 years, sinusundan niya ito pero sa isang halik, lahat, nagbago. Althdolfer knew since that day, nahulog siya sa sariling pa...