Ngunit natigilan sila nang makarinig sila ng pagkabasag. Sabay silang napatingin sa pinanggalingan, nasira ang dingding at mula rito ay nakapasok ang ilang demons at nilalang na galing pa yata sa ibang dimensyon."Shit! Bakit nakapasok ang mga pangit na 'yan dito?!" inis na pakli ni Russel at inihanda ang sarili. "Napadpad pa ang mga tipaklong na Malukk! Allergy pa naman ako sa pangit."
Mabilis naman siyang hinatak ni Altdolfer at pinatago sa likuran ng binata.
"Malamang mahina ang harang na ginawa mo."
"Mahina o hindi, iisa lang ang gusto ng mga pangit at suwangit na mahahaba ang noong tipaklong na 'yan, si Khrystell!"
Napatingin siya sa mga demons at Malukk na sinabi ni Russel. Pinagtaasan siya ng balahibo. Mas nanaisin na lang niya mamatay sa kamay ni Altdolfer keysa mapunta alin man dito at gamitin sa kasamaan.
"Go to hell!" Unang sumugod si Russel at sa kamay nito ay lumabas ang patalim at humaba iyon. Napapalibutan ito ng pulang enerhiya. Hindi niya napansin iyon kanina nung akma siyang patayin nito dahil sa takot niya.
Tulad nung una, nanatiling shield at proteksiyon niya ang binata. Nasa likod lamang siya nito habang nakikipaglaban sa mga demons na nagtatangkang kunin siya. Napaatras siya habang nakikipaglabanan si Altdolfer at Russel sa mga ito. Nanatili siya sa isang tabi at namumutlang pinanood ang dalawang gwapong lalaking nakikipagpatayan. Abut-abot ang kaniyang kaba na baka masugatan ang lalaking lihim niyang minahal sa panaginip niya. Subrang dami ng demons. Parang buhangin sa dami kaya hindi niya namalayan, biglang may humablot sa kaniyang katawan. Napasigaw siya sa subrang gulat. Kasing-bilis ng kidlat na hinataw ni Altdolfer sa Kanjie nito ang katawan ng demons na 'di siya natatamaan.
"Thank you!"
"Stay close beside me. Marami sila pero kaya namin silang ubusin ni Russel. Just hold on." puno ng determinasyon sabi nito habang kumikisay ang mga demons sa tuwing natatamaan ng kanjie ng binata.
"Hooh! Para lang akong naglalaro nito! Ano, 'yan lang ang kaya niyong mga tipaklong kayo? Sige, ilabas niyo ang lakas niyo! Mga pangit na suwangit!" pang-aasar na sigaw ni Russel sa mga ito habang walang humpay na paghahataw sandata nito.
Napatingin naman siya sa kamay ni Altdolfer na subrang higpit na nakahawak sa kamay niya. Wala itong planong bitawan siya ayon na rin sa pagkakahawak nito. Kahit nasa panganib sila ng mga sandaling ito, 'di niya mapigilan ang sarili na lalong hangaan ang binata at sa tapang na pinapakita nito para maproteksyunan lang siya. Isang Nephillem, nililigtas ang isang demon na tulad niya. Does it mean na gusto rin siya ng binata?Bakit ba hindi na lang siya naging mortal?
Napatingin siya sa kaniyang kanang kamay, sumasakit iyon. Nakikita niya ang tila pulang marka na nagsilabasan sa braso niya patungo sa gitna ng kaniyang palad. Napahiyaw siya sa sakit. Nawala saglit ang focus ng binata sa kaharap na kaaway nang dumaing siya sa sakit. Nag-alalang napatingin ito sa kaniya.
"A-ang kamay ko, sumasakit... Arghh!" pilit siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Altdolfer sa kaniya at sinapo ang kanang kamay. Sumasakit iyon ng todo. Nakikita niya ang maraming pulang marka at mga ugat ng nagsilabasan do'n. Parang nakikipagpaligsahan ang mga ito iyon.
"'Yon kamay mo! Ang mga diabolical seal!" nagitla ito.
"Hey! Ano ba nangyari kay Khrystell at..." Pati si Russel ay natigilan nang mapatingin ito sa kanilang dalawa. Nanlaki ang may kabilugan nitong mata.
"Damn!" napamura si Altdolfer nang tamaan ang braso nito. Nagdurugo iyon at kagagawan ito ng isang Malluk. Hindi nito napansin ng binata ang biglang pagsugod nito dahil nakatuon ang atensyon nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]
FantasyHe's a Nephillem, A guardian of heaven. He is named Althdolfer, for he was entitled to murder the King's daughter... For 17 years, sinusundan niya ito pero sa isang halik, lahat, nagbago. Althdolfer knew since that day, nahulog siya sa sariling pa...