Kabanata 13 - Paghaharap ng Dalawang Magkakapatid

2.1K 93 1
                                    


Sandaling pumikit ng mata si Altdolfer at pinilit kalmahin ang sarili. Kailangan nilang makawala sa kadenang nakagapos sa kanila.

"Pagmasdan niyo ang tatlong panauhin natin ng gabing ito. Espesyal sila dahil masasaksihan nila ang dalawang malaking kasiyahan na mangyayari sa buong angkan ng demons. Ang pag-iisang dibdib ni Kiara at Abaddon at pagsakop natin sa  Light City!"

Napakuyom siya ng kamao at galit na tinapunan ng tingin si Herari. Oras na makawala siya sa kadenang pumipigil sa kaniya, pinapangako niya sa kataas-taasang anghel; papatayin niya ito. Natigilan siya sandali nang kumirot ang tagiliran ang kumawala ro'n ang ilan sa kaniyang dugo. Ang kamay naman niya ay naayos na dahil ginamitan niya ito ng enerhiya ng kanjie para maibabalik sa dati ang butong nabali kanina.

"Malaki ang sugat mo Leigh," puna ni John sa kaniya.

Napatingin siya rito. "Sabihin mo, paano ka naging kakampi namin kung isa kang demons?"

Halakhak ni Herari ang umagaw sa kaniyang atensyon at humakbang papalapit sa kanila habang nagsilabasan ang mga ugat sa katawan nito. Kung isang mundane o mortal ang nakakita sa anyo nitong demonyo baka hinimatay na sa 'di kaaya-ayang hitsura nito.

"Matanda sa'kin ang kapatid ko ng limandaang taon pero tingnan mo naman pipitsugin nephillem, mas bata ako keysa sa kapatid kong kumulubot na ang mukha. Hindi ko alam at anong pumasok sa isip niya at bigla siyang umibig sa isang Arbiter na nakilala niya sa mundo... Hmm..." saglit itong tumigil at tila may inaalala sa isip. "'Yon nga nagmahalan silang dalawa... Nakakainggit!" dagdag pa nito at tumawa ulit. "Binago siya ng babaeng Arbiter na iyon. Tinanggap siya ng buong nephillem at kinuha ang dugong demonyo sa katawan niya at pinalitan ng isang anghel. Pero nang nagkaroon ako ng pagkakataon, pinatay ko babae niya para bumalik ang gagong 'yan sa lugar na siyang nababagay sa kaniya."

"Ikaw?! Ikaw ang pumatay sa kaniya!!?" lumarawan ang galit sa mukha ni John na sabihin iyon pero balewala lamang ito kay Herari.

"Bakit? Masakit pa rin ba na pinatay ko ang babaeng bumihag sa puso ng kawawa kong kapatid? Ah, hindi mo nga pala alam iyon dahil isang misteryo ang pagkakapatay ko sa kaniya. Shh... 'Wag kang mag-alala, mayamaya lang ay sisirain ko ang mundong pinili mo Hafiro at isasali na rin kita para naman makapiling mo na ang pinakamamahal mo." ngumisi ito.

"Kung magagawa mo iyon Herari! Nakalimutan mo na ba narito kami para sirain ang plano mo." pagsisingit niya sa usapan dahil alam niyang nasasaktan na si John, na akala niya minsan no'n ay isang manhid na nephillem kaya mas ginusto nitong mananatiling mag-isa sa malaking simbahan. Ang tanging pagkakaalam lang niya rito ay inaanak siya ng matanda at pagiging kritiko sa lahat ng bagay.

"Nagkakamali ka 'bata, masdan mo ang gagawin kong tanawin." at tinalikuran sila nito.

NAGPUPUMILIT si Altdolfer na makawala nang hawakan ni Abaddon ang kamay ni Khrystell. Walang ibang pwedeng humawak sa kamay nito kundi siya lamang dahil pa-aari niya ang babae.

"Khrystell makinig ka! Hindi ikaw iyan, pakinggan mo ang bulong ng puso mo. 'Wag kang magpapadaig sa dugong dumaloy sa'yo! Nandito ako Khrystell, bumalik ka na! Please nakikiusap ako!" halos mapaos siya sa pakiusap na iyon pero nagmistulang bingi ito at humara ang mukha nito sa nagbabagang buwan.

Nilukob ng buong takot ang puso niya at alam niya ganun din ang dalawa pang kasama. Lumayo si Herari at Abaddon sa tabi nito at nagsimulang uminog ang buong paligid. Lumakas ang init na simoy ng hangin at nagsimulang gumuhit ng kakaibang kidlat sa kalangitan. Ang buwan ay nanatiling nakatunghay at kasin-kulay ito sa mata ng dalaga. Parang pinapahiwatig nito na ito na ang katapusan ng kaniyang pinagmulan.

"John! May alam ka ba kung paano tayo makakawala rito?" halata sa boses ni Russel ang takot para sa kanilang lahat nang tanungin nito ang matandang connoisseur.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon