Kabanata 11 - Ang Labanan

2.2K 100 1
                                    


Tahimik na nagmamasid si Altdolfer sa pasilyong kinaroroonan niya. Nagmistula itong parang maze at kung alin daan ang tatahakin niya. Sandali s'yang nag-isip at mayamaya'y nakaramdam siya ng mga papalapit na presinsya ng mga kaaway, mabilis siyang nagtago sa isang sulok. Tamang-tama lang na 'di siya makikita ng mga demons. Mula sa kaniyang pinagtataguan, nakita niya ang mabibilis na paglalakad na parang naka-fast forward na mga demons. Dumeritso ang mga ito at walang kaalam-alam na sinundan niya ang tinahak na daan ng tatlong demons.

"Excited na ako mamaya sa pagbabalik ni Herari. Isabay pa na gaganapin ang kasal ni Abaddon at anak niyang si Khrystell mamaya. Malaking selebrasyon 'to dude!"

Napakuyom ng kamao si Altdolfer sa narinig. Nangangati tuloy siyang patayin ang tatlo pero nagtimpi siya. Hindi naman niya papayagan maangkin ng walang hiyang kapatid niya ang babae.

"Sinabi mo pa! Maaangkin na rin natin ang Light City at ang mga nephillem ay gagawin na lang natin na mga alipin." at sabay na nagsihagalpakan ng tawa ang tatlo. Nagsi-high five pa ang mga ito at tuwang-tuwa na nagpatuloy sa paglalakad na hindi man lang siya napapansin.

"But wait dude! Magaganda ang mga babaeng nephillem. Kukuha ako ng tatlo at gagawin kong sex slave! Hindi na ako makapaghintay nito," hirit pa ng isa.

"Ang konti naman niyan. Dapat isang dosena para lahian agad natin!"

Pinilit na inignora iyon ng binata. Kailangan niya ang tatlo para maturo nito ang kinalalagyan ni Khrystell kaya mamaya na lang niya pagpuputulan ng dila at leeg ang mga ito.

Napasinghap siya nang makita ng tuluyan ang buong lugar ng Covert. Nasa pinakagitna ang dalagang pinapangako niyang iligtas; nakahiga sa malaking kamang nakabalot sa sutlang telang pula. Ang bawat gilid ng kama ay may mga pulang rosas at pulang kandila. Payapang nakapikit ang dalaga at walang kaalam-alam kung anong nangyayari sa paligid. Sinuyod niya ng tingin ang kapaligiran, halos puno ng mga high class at low class na demons. Nag-aabang ang mga ito paglabas ng buwan. Nakatuon ang bawat atensyon sa dalagang nakahimlay sa gitna at sa tabi nito ay ang nakayukong si Abaddon. Kung isang archer ang armour niya malamang tinira na niya ang lalaki pero magugulo ang lahat 'pag ginawa niyan'yon.

Nasa kalayuan siya, nakatago sa isang haliging sementong bato na may mga bungo pa nakapalibot. Nag-isip siya ng maayos kung paano malalapitan ang babae na hindi siya mapapansin ng mga kaaway. Hindi naman siya basta-basta lalantad do'n at hilahin ang dalaga. Tiyak na kamatayan ang sasalubong sa kaniya. Nagtaas siya ng tingin, mula sa kaniyang pwesto pansin niya ang makapal na ulap sa kalangitan. Biglang sumikdo ang kaba at takot sa puso niya. Malapit na ang paglitaw ng buwan.

Nag-isip siya ng maaring gawin pero nawawala siya sa konsentrasyon sa tuwing mapapatingin ang kaniyang mata sa dalaga. Kinuyom niya ang kaniyang kamay at pagbukas ng kaniyang palad ay lumitaw ang kanjie. Hindi na niya hihintayin ang paglitaw ng buwan! Anyong susugod siya ng tahimik nang isang kamay ang mahigpit na humawak sa balikat niya.

"Utak at konsentrasyon ang kailangan natin dito."

Hindi na siya kailangan lumingon. Alam niyang si John ito at kasama ang kaibigan niya. Great! Tatlo na ang iisipin niya pagnagkataon. Bakit pa ito sumunod sa kaniya gayun misyon niya ito.

"'Di dapat kayo sumunod dito. Delikado at panganib ang kinasusuotan ko ngayon," mahinang saad niya.

"Wow p're! Ito pa ang sinalubong mo sa'min ng connoisseur. Kung 'di lang kita bestfriend, ako na mismo ang papatay d'yan sa kahibangan mo." hindi mapigilan naman na inis na sambit ni Russel at kulang na lang ay batukan siya.

"Salamat sa planong patayin ako," pabalang na sagot niya nang sulyapan ito saglit.

Agad naman pumagitna si John sa kanilang dalawa. "Tama na 'yan. Hindi ito tamang oras para mag-away kayong magkaibigan. We are in hurry. Trenta minutos na lang ay fullmoon na!" Mabilis na inilapag sa kaniya nito ang ngayon lang niya napapansin na black coat.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon