Matiim na pinagmasdan ng isang pustorang nagtatago sa dilim sa kaliwang bahagi ng kwartong iyon kung saan payapang nakahimlay ang dalagita sa may kalambutan kama. Napagmamasdan niya ito ng maigi ngayon 'di tulad ng dati.
Kapagkuwa'y, lumabas sa kaniyang palad ang nakatagong patalim. Napapalibutan ito ng kakaibang enerhiya kaya napapansin niya ang kulay asul na enerhiyang bumabalot do'n. Nakahanda na siyang patayin ito.
Marahan siyang humakbang papalapit sa dalagita. Wala pa rin itong kamalay-malay na ito na ang huling gabi na masisilayan itong buhay. Ito ang kaniyang mission. Kailangan niya itong patayin bago ito sumapit ng desi-otso sa susunod na linggo. Matagal na niyang minanmanan ito. Dapat sana ay dati pa niya ito pinatay, nung sanggol pa lamang pero parang nilukob ang puso niya sa tuwing pagmamasdan ang inosente nitong mukha.
Kung titingnan mabuti, parang wala itong dugong demonyong nanalaytay sa buong pagkatao. Maamo ang hugis pusong mukha ng dalagita, mapupula ang makurbang labi na parang inukit ng isang pintor, matangos ang ilong at sinabayan pa sa mga matang pinalilibutan ng mahahaba at makapal na pilik-mata. Magaganda ang pagkakahugis ng mga matang iyon na sa tuwing titingnan niya ito ay tila nahihipotismo siya sa malalamlam nitong mga mata. Ang malalambot at kasing itim ng gabi na kulutang buhok nito ay nagpadagdag sa kakaibang ganda ng dalagita. Masasabi niyang isa itong perpektong pagkakagawa. Wala siyang makitang pintas dito maliban sa isa itong anak ni Herari at kailangan niya ng patayin ito.
Nasaksihan niya ang kabutihan ng puso nito at pagkatao pero alam niyang panandalian lamang iyon. Malapit na ang fullmoon. Malapit na muli ang pagkakabuhay ng ama nitong si Herari. Pero pag pinatay niya ito ngayon, walang saysay ang muling pagkabuhay ng ama nito.
Sa huling sandali, sinulyapan niya ang mapupulang labi nito bago niya inihada ang patalim sa gagawing pagsaksak pero sandali siyang natigilan nang magmulat ng mata ang dalagita. Deritso itong nakatingin sa kaniya. Sandaling naglaho ang kaniyang patalim na hawak.
Nabahala siya na baka nakita siya nito pero sa isipin suot nito ang 'sacred anklets', napahinga siya ng maluwang. Ang suot nito ay isang proteksiyon sa kapwa demonyo para 'di ito makalapit sa babae. Pinipigilan din ng anklets na buksan ang pangatlong mata nito at makita ang totoong paligid pero tulad nga ng sabi niya, panandalian lamang ang lahat.
Napansin niyang ngumiti ito at hindi niya napaghandaan ang ginawa ng dalagita. Mabilis itong bumangon at hinapit ang kwelyo niya pabalik pahiga sa kama. Natigalgal siya nang magtagpo ang kanilang mga labi.
"Khrystell..." bulong ng puso niya. Ilang segundo siyang natigalgal at hindi makakilos.
Pero hind! Hindi siya pwedeng traydurin ng sariling puso kaya mabilis siyang lumayo sa dalagita. Saka niya napansin na pikit na ang mga mata nito at marahil nananaginip ito kanina kaya pala siya nahawakan at hinalikan. Kung gano'n, nasa panaginip siya ng dalagita. Napangiti siya sa bahaging iyon. Ano kaya ang hitsura niya sa panaginip nito?
Pabalikwas na napabangon kinabukasan si Khrystell. Dinama pa niya ang sariling labi at mabilis na tinungo ang salamin at pinagmasdan ang sarili. Napaginipan na naman niya ang gwapong prince charming niya! At sa pagkakataong ito, nahalikan niya raw ito sa panaginip pero bakit parang totoo? Para siyang pinilipit sa kilig at tinungo pa talaga ang mga unan at niyakap ang mga 'yon sa subrang higpit. Kulang na lang ay magtatalon siya sa subrang tuwa.
"Ang gwapo ng prince charming ko! Nararamdaman ko, totoo siya. Balang-araw makikita ko rin ang Leigh Altdolfer ko!" tila nangangarap na saad niya pero agad siyang natigilan. Bakit niya kilala ang pangalan nito?
Sa tuwing nakikita niya ito sa panaginip, malayo ito sa kaniya at nasisilaw siya sa puti at asul na enerhiyang nakapalibot dito. Pero kagabi, nakita niya ang gwapong mukha nito sa malapitan. Ang makakapal na kilay na binagayan ng isang pares ng singkitang mata na matiim kung tumitig. Matang parang tagos hanggang kaluluwa ang mga titig. Matangos ang ilong at mamumula ang manipisan labi kaya kagabi, sa panaginip niya hinalikan niya ito dahil sa kissable lips nitong parang inaanyaya siya. Pero sa pangalan nito... Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay 'Leigh Altdolfer' ang pangalan nito.
"Khrystell?" mama niya ang tumawag sa labas.
"Sandali ho 'ma!" mabilis siyang naligo at nagbihis saka gumayak na para lumabas at kumain.
Mula sa kawalan ay lumitaw ang imahe ni Altdolfer sa labas ng kwarto nang lumabas na ang dalagita. Nakita niya ang kakaibang saya at ngiti nito kanina sa loob ng silid. Niyakap pa nito ang unan at kilig na kilig na dinama ang labi. Buong magdamag niya itong pinagmasdan habang nakatayo siya sa isang sulok. Ang planong patayin ito ay napako sa hangin. Marahan siyang napailing. Ano ba 'to? Bago ito sa kaniyang pandama at wala pa siyang binigong misyon. Bakit ba parang katulad ng dalagita ang nararamdaman niyang saya? Kapagkuwa'y sinundan niya ito sa kusina.
Nagpaalam muna siya sa ina bago umalis ng umagang iyon para . Habang naglalakad sa kalsada, inaabutan niya ng baon tinapay ang mga batang-kalye at matatandang pulubi. Minsan nga, pumasoknakikipag-usap pa s'ya sa mga ito at nakikinig sa talambuhay.
"Magandang umaga po lola!" masayang bati niya sa matandang pulubi na malapit sa gate ng pinapasukan niyang school.
Nakaupo ito at nang makita siya ay agad itong ngumiti. "May kasama ka pala ngayon hija," anito.
"Po?" takang tanong niya.
Ngumiti ito ulit. "Nasa likod mo siya. Isang napakagwapong lalaki. Kaibigan mo ba?" at lumampas ang tingin nito sa likuran niya.
Napatingin naman siya sa sinasabi nito pero wala siyang makita. "W-wala ho akong kasama 'la," kangiwing sagot niya.
"Hindi mo siya nakikita dahil sa proteksiyong nasa paa mo."
Napatingin siya sa sacred anklets na suot. Anong kinalaman no'n?
"Sige na, pumasok ka na." pagtataboy ng matanda at kumilos ito paalis. Paika-ika itong naglakad sa tabi ng kalsada.
Tutulungan pa sana niya itong tumawid nang lapitan siya ni Serafin at kalabitin sa tagiliran.
"Besty!"
Batuk naman ang nakuha nito mula sa kaniya. "Sa'n ka ba kahapon lukaret ka?"
"Sinundan ko ang crush ko at nakalimutan kita." humagikhik ito. "Sorry! Tara pasok na tayo."
Pabirong inirapan na lamang niya ang kaibigan at pumasok na sila sa loob.
MAG-ISA siyang nakaupo sa sementong upuan sa likuran ng science building at pinagmamasdan ng maigi ang anklets na suot. Kabilin-bilinan ng ina niya na huwag itong huhubarin pero pakiramdam niya ay may nakatagong sikreto ro'n at gusto niyang malaman kung ano.
Itinaas niya ang paa sa upuan at sinimulang tanggalin ang kulay puting anklets na may palawit na krus. Naramdaman niya ang malakas na hangin na pumaimbuyog sa paligid. Sa pagtaas niya ng tingin... Para siyang napako sa nakita.
Isang napakagwapong nilalang na nakamulsa ang dalawang kamay sa puting pants. Naka-white longsleeve na tinupi hanggang siko at bahagyang nakabukas ang tatlong butones sa dibdib. Kulay dark brown ang buhok at ang fair complexion nito ay nagpadagdag sa kagwapuhang taglay.
"Leigh Altdolfer..."
Nanaginip na naman ba siya? Binatukan niya ang kaniyang sarili pero totoong nasa harapan niya ang lalaki, isang dipa ang layo ang distansya nito sa kaniya. At sa kaniya nakatitig ngayon ang matitiim nitong mga mata tulad nung nasa panaginip niya!
"Totoo ka ba Leigh Altdolfer?" Gusto niyang magising! Panaginip ito. Isa itong masamang panaginip na ayaw niyang magising.
"Paano mo nakilala ang pangalan ko?"
Napasinghap siya! Totoo nga ito. Mabilis siyang tumayo at lumapit dito. Sinuring maigi ang kaniyang prince charming na tingin niya'y nasa dalawang pu't dalawa ang edad. Dahan-dahang hinawakan niya ang buhok nito upang maiyak lang sa tuwa.
"Ikaw nga! Ang prince charming ko!" At wala sa loob na niyakap niya ito ng subrang higpit. Nakalimutan niyang hindi pala siya nito kilala.
"Khrystell Antonio niyayakap mo ako," anito sa baritonong boses.
Agad siyang bumitaw at hinila ang kamay nito papaupo sa sementong bench. Sa subrang tuwa niya dahil nakita na niya ito sa personal, nakalimutan niyang alamin kung tao nga ba ang kaharap o hindi.
BINABASA MO ANG
Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed]
FantasyHe's a Nephillem, A guardian of heaven. He is named Althdolfer, for he was entitled to murder the King's daughter... For 17 years, sinusundan niya ito pero sa isang halik, lahat, nagbago. Althdolfer knew since that day, nahulog siya sa sariling pa...