Kabanata 9 - Pag-ibig sa Pagitan ng Araw at Buwan

2.6K 115 1
                                    


Masakit ang buong katawan ni Khrystell kinabukasan nang magising siya lalo na sa parteng ibaba pero nang maalala ang buong nangyari kagabi ay napangiti siya at walang kahit katiting na pagsisi ang naramdaman niya. Naibigay na niya ang nag-iisang patunay na mahal niya ang lalaki at handa siyang harapin ang kamatayan para rito. Saka naman biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula ro'n ang lalaki na nakangiti. Ngiti na puno ng buhay at pagmamahal na nakatunghay sa kaniya ngayon. Halos malunod siya sa halik at yakap nito kagabi lalo na sa puntong kapwa nila nasambit ang pagmamahal sa isa't isa. May katugon pala ang damdamin niya sa binata at ipapangako niyang aalagaan ang pag-ibig nito.

"Good morning my princess." Lumapit ito sa kaniya at saka lang niya napansin na may hawak itong cake at paperbag sa kamay. "Happy 18th birthday."

Nawala ang ngiting nakaguhit sa kaniyang mukha. Kaarawan na niya! Ibig sabihin ito na 'yun araw na kinatatakutan niyang mangyari sa buhay niya. Dati, ito ang pinakahihintay niyang dumating pero dahil alam na niya ang totoong rason sa likud no'n, parang gusto niyang bumalik sa nakaraang taon at pagsikapan na makakuha ng sulosyun kung paano mapipigilan ang lahat. Nakangiti si Altdolfer sa kaniya pero alam niyang nakatago sa likud ng mga mata nito ang matinding pangamba at takot.

"A-ang kabilugan ng buwan. Mamaya na... Si Herari..." nilukuban siya ng takot. Takot para sa sarili at para sa lalaki.

"Nandito ako, 'wag kang matakot." Nang nasa harapan niya na ito, pinahipan nito ang mga kandila sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "Kahit anong mangyari, hinding hindi kita iiwan. Mas pipiliin ko pa na ako ang mamatay sa kamay mo keysa ang patayin ka. Dati pa, minahal na kita pero hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil ikaw ang misyon na nakatalaga sa'kin pero ngayon, gusto ko lang malaman mo Khrystell na totoong pag-ibig ang nararamdaman ko. Ang nangyari kagabi ay 'di ko pinagsisihan. Tanda iyon na tunay ang pagmamahal ko sa'yo at handa kong harapin ang ama mo kahit kamatayan ang kapalit ng lahat. Mananatiling ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko kahit na araw at buwan ang ating pagitan. I love you so much."

Napaiyak siya sa sinabi nito. Parang tinunaw ang puso niya at kung pwede lang hilain ang panahon at oras sa pagkakataong pwede silang magmahalan na walang kahit anong hadlang. Kung sana mas nakilala niya ito nung panahon mahaba ang kaniyang oras para maipadama niya na mahal na mahal niya rin ito.

"Shh... Hindi kita pinapaiyak." natatawang lumayo ito at nilagay sa side table ang cake. "Binilhan kita ng maisusuot na damit. Lalabas lang ako at ikaw na bahala ang mag-ayos sa sarili mo pero kung gusto mo... Ako, handa akong pagbihisan ka." at pilyong ngumiti ito nang bumalik sa kaniya sabay abot ng dala nitong paperbag.

Natawa siya sa pilyong sinabi nito. "Ako na. Labas dali!" pagpaalis niya rito.

Humagalpak ito nang tawa at ninakawan muna siya ng halik bago siya iniwan mag-isa sa malaking silid.

ISANG simpleng sleeveless na bestidang kulay puti na hanggang tuhod at pinaresan ng puting sapatos sa paa ang suot niya. Halos mamula ang buong mukha niya, pati white undies ay binilhan siya nito. Ang buhok niya ay naka-ponytail at dalagang-dalaga siyang tingnan sa kaniyang ayos.

"The reason why Leigh was pretty in love with Khrystell." napapailing na sambit ni Russel nang lumabas siya na kasama si Altdolfer.

Nakaabang na ito sa kaniya sa labas ng pintuan at nakita niya ang paghanga sa mata nito nang makita siya nitong suot ang biniling damit. Saka lang niya napansin na isang malaking simbahan ang kinaroroonan nila. Maliban kay Russel, may isang panauhin pa siyang nakita.

Matandang lalaki at halos puti na ang buhok nito. May suot na eyeglasses at mahihinuang strikto ito ayun na rin sa titig na pinakawalan sa kaniya ngayon. Nasa harapan ito ng may kalumaang piano at nagsimulang magpatugtog.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon