Kabanata 3 - The Sacred Anklets

4.6K 174 5
                                    


Tuluyan niyang tinanggal ang mga anklets na suot, 'yun na rin ay sa kagustuhan niyang malaman ang sekretong nakatago ro'n. Wala naman siyang napapansin kakaiba maliban kay Altdolfer na nagpakilala sa kaniya na isa itong Nephillem: half human and angel. Naniwala siya rito dahil marami na rin siyang nababasang ganito sa mga libro. Alam niyang hindi lang mga mortal na tao ang nakatira rito sa mundo. Pero simula nung nalaman niya kahapon na hindi 'to mortal, naglaho ito sa kaniyang paningin at hindi na ulit nagpakita sa kaniya. Binilinan pa siya na muling isuot ang mga sacred anklets niya pero hindi niya sinunod. Gusto niyang makita ang mga misteryong nakabalot sa paligid at tuklasin ang bawat isa sa mga no'n. Mas astig din kung isa siyang vampire at may lahing lobo na... Natigil siya sa pag-imagine ng bagay-bagay nang marinig niya ang malakas na pagsigaw at kalabog ng kaniyang ina sa sala!

Lumakas ang tahip ng kaniyang dibdib nang makita ang mga itim na usok na pumasok sa kanilang bahay. "Ma!" Mabilis siyang bumaba ng hagdanan para puntahan ito pero gayun na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata at paninigas ng kalamnan sa nakita.

Ang kaniyang ina! Hawak ng isang nakapangit na nilalang na ngayon pa lang niya nakita sa buong buhay niya habang nakapalibot ang mga usok kanina, na ngayo'y nagsianyong parang mga demons. Demons nga ba?

"K-khrystell! T-takbo ka na a-anak! N-natagpuan ka n-na ng mga..." hindi natapos ang anumang sasabihin nito nang pinilipit ng isang demons ang leeg ng kaniyang pinakamamahal na ina.

"Hindi!" halos hindi siya makakilos nang makita mismo ng kaniyang dalawang mata ang dahan-dahang pag-angat ng katawan nito sa ere at pinagbabali ang buto nito na parang walis tingting.

Dinig niya ang bawat tunog ng pagkakabali ng mga buto nito at halos mawalan siya ng malay nang binato pa ng demons ng malakas sa pintuan ang kaniyang ina at ngayon ay patay na bumagsak sa sementong sahig. Mulat ang mata at tumagos ang dugo sa bibig at ilong!

"Kunin ang anak ni Haring Herari!"

Nasindak siya ng tumingin ito sa kaniya ng sabay-sabay. Ang maiitim na mga mata nito na wala ng puti at ang nakakapangit na anyo ay parang gusto niyang masuka sa takot. Sino si Herari? Gusto niyang tanungin ang mga ito kung sino 'yun pero mukhang siya ngayon ang nasa panganib! Ngunit hindi niya kayang iwan ang ina. Gusto niya itong lapitan pero naduduwag siya sa kinatatayuan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at ilang sandali lang ay babagsak siya.

Naisip niya ang mga sacred anklets na hinubad. Hindi kaya ito ang dahilan kung kaya nagsilabasan ang mga ito?Nag-ipon siya ng lakas sa kaniyang mga tuhod at mabilis siyang tumakbo papunta sa sariling silid para kunin iyon at isuot. Agad naman humabol ang mga ito at naging usok. Ngunit bago pa niya narating ang kama kung saan ando'n ang kaniyang bag, nahila na siya nung isa na parang naaagnas na bangkay ang hitsura.

"Anak ni Haring Herari: Prinsesa Kiara!" Bahagya itong yumukod ngunit hindi niya ito pinansin.

"Hindi! Bitiwan niyo ako!" nanginginig man ang boses ay nagpumilit siyang manlaban. Ayaw niya pa mamatay! Ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kaniyang braso. Kasingtigas ng bakal ang mga kamay na nakahawak sa kaniya at amoy nabubulok na patay. Parang hinahalukay ang kaniyang sikmura sa nakakasukang amoy ng mga ito. Kapagkuwa'y naalala niya ang binata. Isa itong Nephillem at baka matulungan siya ngayon ni Altdolfer. "Leigh! Tulungan mo ako, Leigh!!!" Malakas niyang sigaw.

Mula sa kung saan ay lumabas ang binata. Hindi niya inaasahan na lilitaw nga ito pero gumuhit ang kakaibang saya sa puso niya ng makita ang binata. Sa palad nito ay lumitaw ang isang pilak na patalim na pinalilibutan ng kakaibang enerhiya ayun sa nakikita niya. Napasindak siya ng makita 'yon.

"Bitawan niyo siya," kalmadong saad nito.

"Patayin ang Nephillim na iyan!" tila dagundong ng isang kulog ang matigas na boses ng isang demon na nagsalita.

Naging isang mataas na espada ang patalim na nasa kamay ng binata. Magkabila ang talim no'n at pakiramdam niya... Bigla siyang nilukuban ng takot makita ang kabuuang hitsura ng espada. Para bang nakasalalay ang buhay niya sa hawak nito. At sa sumunod na nangyari, tila isa siyang basang sisiw na umiiyak nang magsitagisan na ang mga ito ng lakas! Nephillem laban sa Demons. Sinong 'di maiiyak kung naging tagapanood ka sa dalawang nilalang na nag-aaway sa 'yon harapan? Ngunit sa kabila no'n, humanga siya sa kakisigan ng lalaki at kung paano nito hinarap ang mga demons.

Kitang-kita niya kung paano nagdudurugo ng kulay itim ang mga demon na natatamaan sa espada ng binata pagkatapos ay kumikisay na babagsak sa sahig saka maglalaho na parang usok. Mabilis ang mga demons pero parang kidlat ang kilos ni Altdolfer kaya kahit ang kulay puting damit nito ay 'di man lang nababahiran ng mantsa.

"Tumahan ka na," si Altdolfer. Nakatayo ito at nakapamulsa. Matiim ang mga titig at seryuso ang hitsura.

Nagtaas siya ng tingin at nagdaop ang kanilang mga mata ng binata. Hindi niya mababasa kung ano ang nasa isip nito basta lang itong nakatunghay sa kaniya habang iniiyakan niya ang bangkay ng ina. Hindi siya makapaniwalang wala na ito. Sinisisi niya ang sarili kung bakit patay na ito ngayon.

Napatay lahat ni Altdolfer ang mga demons maliban sa isa na tumakas. Gusto niyang maghiganti pero para kanino? Sino si Herari? Ito ba ang nagpautos para patayin ang kaniyang kaisa-isang pamilya?

Inabot sa kaniya ng lalaki ang kaniyang sacred anklets pero para siyang nauupos na kandila nang mapagmasdan iyon, nasira ang anklets niya. Nagkadurog-durog ang mga pendant at naghiwa-hiwalay. Tuluyan siyang napaiyak at humagulhul sa sariling palad.

"P-patawarin niyo ako... Si-sinuway ko ang bilin niyo..."

"Kung patuloy kang mag-iiyak d'yan, hindi ko maipapangakong mailayo ka pa sa ibang nilalang na muling sasalakay rito. Hindi lang mga demons ang gustong kumuha sa'yo, pati ang ibang nilalang sa ibang dimensyon. Kaya tumayo ka, pahiran mo ang luha mo at maiintindihan mo rin ang lahat na kaya ito nangyari ay may isang napakalaking dahilan." Wika nito at deritsong tumalikod patungong pintuan.

Natigil siya sa pag-iyak at tiningnan ito. Iiwan na ba siya nito? Anong ibig nitong sabihin na may ibang nilalang pa na gustong kumuha sa kaniya? Gaano ba siya kaimportante at sikat na sikat yata siya. Gusto niya itong sundan pero papaano ang kaniyang ina? Hindi ba niya ito bibigyan ng lamay at ilibing ng maayos sa sementeryo? Hind kaya ng puso niyang iwan ito at sundan ang lalaki.

Muli, pumatak ang masaganang luha sa kaniyang mata. Ngayon, mag-isa na lamang siya sa buhay. "L-leigh 'wag kang umalis..." pabulong na lang niya itong nasabi nang humakbang papalabas ng bahay ang binata.

"Sumunod ka sa'kin kung ayaw mo akong umalis." Lumingon ito sa kaniya. Itinaas nito ang kamay sa deriksyon ng kanyang ina. Umangat sa ere ang katawan ng huli at dahan-dahang naglaho ang katawan nito sa hangin.

Naluluhang pinagmasdan na lamang niya ang kawalan nang tuluyang nawala sa kaniyang paningin ang pinakamamahal na ina saka nagpasyang sumunod sa binata. May bumubulong sa kaniyang inosenteng pag-iisip, na huwag niya itong pagkatiwalaan pero masusunod ang kaniyang puso sa oras na 'to.

Guardian Series 1: ALTHDOLFER [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon