Kabanata 6
My Queen
Malapit ng matapos ang school year namen. Malapit nadin ang inaasam naming lahat na bakasyon. Nag prapractice na kaming lahat para sa JS prom. Pero nakakaasar pdin si Andre Serdilla. Simula nung eksena sa ice skating rink hindi nya na ko tinigilan kaka kulit. Halos araw at gabi andyan sya para bwisitin ang ako -_- Packingtape sya.
"Cleo, halika kana dito! Pipili kana ng partner mo."
"Oo Cathy!"
Agad akong pumunta sa harapan para pumili ng partner ko, kaso nagulat akong may biglang pumasok sa room.
"Ako po partner ni Cleo!!!"
"Mygosh si Andre!!!"
"Si Andre!!!"
"Andre ako na lang partner mo!!!"
Sigaw ng mga classmate ko ng biglang pumasok si Andre -_-
"Ayaw kitang ka partner. Kaya pwede ba umalis kana dito sa room."
"Grabe toh si Cleo akala mo maganda para tanggihan si Andre..."
"Ang swerte na ni Cleo, ayaw pa niya?"
"Hindi naman maganda para tanggihan si Andre... Sana ako na lang yayain nya."
Naiinis nako -_- Kailangan magbulungan ng naririnig ko. Habang si Andre naman nakangiti lang saken. Si Warren naman patay malisyang naka tingin saken, wala ba syang balak agawin ako sa kuya nya :(
"Sge na Andre. Partner na tayo! Bumalik kana sa room nyo pwede?"
"Yes! Ma'am. I love you... Susunduin kita mamaya..."
Napa nganga lang yung mga classmate ko sa sinabi ni Andre. Si Warren nag okay sign lang saken. Parang sinasaksak yung puso ko! Hindi nya talaga gusto noh? :'(
"Alam nyo na ba si Cleo Arnigo ng class B sa 3rd year yung niyaya ni Andre ko sa prom... Nakakainis! Sino naman kaya yung malanding yon?"
"Ang alam ko bestfriend sya ni Andre saka ni Warren... Sya din yung madalas dinadalhan ni Andre ng food at sinusundan tuwing break..."
"Ohh talaga? Ang swerte naman nya..."
Usap usapan na ko sa hallway -_- Pakshet. Ayoko ng ganto eh. Yung pinagchichismisan ako! Nakita ko kagad sa Andre sa tapat ng school sa harap ng kotse nya sabay kaway saken.
"Cleo mahal ko! Tara na..."
Mababaliw nako kay Andre -_- Walang kupas ang kakulitan at kapilyuhan nya. Mabilis akong tumakbo sakanya at binigyan ko sya kagad ng isang suntok sa mukha sa sobrang inis ko.
"Aray! Bakit ka naman bigla biglang nananapak?! Parang di ka babae ah?!"
"Bwiset ka kase sa buhay ko eh! Usap usapan na ko ng mga chismosa sa hallway dahil sayo!"
Hinawakan nya yung pisngi na sinapak ko, sabay hawak sa bewang ko.
"This is Andre Serdilla Cleo. Once na dumikit ka saken, i'll give you fame. Good or bad fame. Hindi ba sabi ko sayo makikilala mo kung sino ako?"
Pahingi nga martilyo para pukpukin ko ulo neto. Hindi ata gumagana -_-
"Who cares Andre! Who cares to your shits!"
Gusto ko sanang pumiglas sa pagkakahawak nya sa bewang ko pero msyado syang malakas, mabilis nya kong hinigit sa loob ng sasakyan nya. Sabay paharurot neto.
"San tayo pupunta Andre?"
Malamig syang tumitig saken bago sumagot.
"I'll buy your gown. Gusto kong ikaw ang pinaka maganda sa gabing yon. Because i'll be the king and you'll be my queen.."
Sa hindi ko namalayang dahilan bigla akong namula sa sinabi nya. I don't usually got affected sa mga sinasabi nya but this one, it makes me blush.
"That's too fool Andre! Ang daming magaganda sa school noh, hindi lang sa magandang damit madadala yun."
"You deserve to win Cleo. Your beauty is not just seen easily by the eyes, you have beauty inside, a pure heart Cleo."
Hindi nako nakapagsalita. Wala din kaseng lumalabas na salita sa bibig ko. Mukhang sa ulo ko ipupukpok yung martilyo ah? -_- Wala sameng umiimik hanggang makarating kami sa personal designer ng family nila.
"Goodevening master Andre... Goodevening madam Cleo..."
"Goodevening.."
Matipid na sagot ko sa bati nila. Matagal ko ng kilala tong persol designer nila, madalas kaseng napapasyal kami dito noong mga bata pa lang kame.
"Sukatan nyo na si Cleo, i want a elegant yet sexy dress."
"W-what?! Anong sexy dress Andre?!"
"You're sexy Cleo. You have it? Now show it!"
Nakakainis! Napaka manyakis talaga ni Andre -_-
"Please this way madam Cleo..."
Isang linggo bago matapos yung gown ko, eksakto lang para sa JS na isang linggo mula ngaun.
"A-ano Andre... Hindi mo naman kailangan mageffort ipagawa pako... Pero by the way, salamat na din..."
"Kailangan ko gawin toh Cleo, I want you to be my queen."
BINABASA MO ANG
I'll Take The Risk
Aktuelle LiteraturMagpapatuloy ka pa din ba sa pagmamahal kung alam mong sa dulo na masasaktan ka lang? But maybe you could TAKE THE RISK.