KABANATA 15

28 1 0
                                    

Kabanata 15

Fighting for my heart

Pagdating namin sa manila, wala kaming kibuan ni Andre. Alam kong bukas aalis na sya at gusto ko syang pigilan pero naiinis pdin ako sakanya. Sobra.

"Cleo anak, paalis na sila Andre papuntang airport. Hindi ka ba man lang magpapaalam sakanya?"

"Hayaan mo sya mommy! Wala akong pakialam! Ayoko ng sinungaling!"

Nagtalukbong ako sa kumot at lalong tinakpan yung ulo ko ng unan.

"Cleo, kung ano man pinagawayan nyo? Hindi dahilan yun para talikuran mo yung pagkakaibigan nyo. Isa pa, niligtas ka nya sa Prince na yun..."

Narinig kong nagsirado na yung pinto. Hindi ko alam naguguluhan ako. Sumasakit na naman yung puso ko...

"Babye kuya Andre!!!"

Sigaw ni Steven. Mukhang nakaalis na yung sasakyan nila.

( "Oo baliw na talaga ko Cleo... Nagsing na lang ako isang araw, hindi na bsta nakababatang kapatid tingin ko sayo. Mahal na kita Cleo. Mahal na mahal!" )

Paulit ulit yang tumatakbo sa isipan ko. Mahal na mahal ako ni Andre. Mahal na mahal nya ko... Mabilis akong nagbihis ng pantalon at t-shirt.

"Mommy! Pipigilan ko si Andre.... Aggghhh..."

"Cleo! Okay ka lang ba?!"

"O-opo. O-okay lang ako! Alis napo ako..."

Naninikip yung puso ko. Muntikan na kong matumba kanina pero pinipilit kong kayanin. Kailangan kong maabutan si Andre. Pumara agad ako ng taxi.

"Sa aiport po kuya. Paki bilisan lang po may hinahabol po ako."

"Opo ma'am. Okay lang po ba kayo? Namumutla po kayo eh?"

Kaya mo toh Cleo... Kaya mo!

"O-oho... Okay lang ako. Paki bilisan lang po."

Mabilis kong nakita si Andre na papasok na sa loob.

"A-andre!!! Wag mo kong iwan!!!"

Palapit na sakin si Andre kaso.... Hindi na ko makapagsalita...

DUG...

DUG...

DUG...

DUG...

DUG...

DUG...

DUG...

DUG...

Bakit ganto kalakas tibok ng puso ko? Baka magkaka heart attack ako.

Parang may gumagalaw sa tyan ko? Hindi naman ako natatae ah?

"Cleo! Mahal na mahal kita... Noon pa man hanggang ngaun."

Sguro sya may kagagawan neto. Parang lalabas na yung puso ko, sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

"Cleo, magsalita ka naman."

Halaaaa! Lalo nagaalburuto yung tyan ko kpag lalo syang lumalapit saken.

"Cleo please. I want you in my life..."

Teka anong nangyayari parang umiikot na yung paligid ko. Lumalabo na sya sa paningin ko. Nawalan nako ng balanse kaya ako napahiga na sa sahig.

Sigaw na lang nung lalake yung naririnig ko na tinatawag yung pangalan ko pero di ko na sya makita. Sobrang dilim na ng paligid ko.

"CLEOOOOO!!!!!"

I'll Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon