Kabanata 19
Araw-araw at taon-taon akong naghihintay ng pagbalik ni Andre sa pilipinas. Madalas kausap ko sya sa facebook, video call sa skype. Lagi syang umiiyak kpag nakikitang mas pumapayat ako bawat araw. Si Warren naman, madalas syang bumibisita dito, at kinakamusta ako.
"Wag kang magalala Andre. Gagaling na ata ako eh, lumakas kasi yung pakiramdam ko. HAHAHA!"
"Cleo, wag kang susuko ha? Uuwi na ko mamaya tapos aasikasuhin agad naten yung kasal."
"Nako. Excited nako! Sgurado ka bang ayaw mong sumama ko pagsundo sayo?"
May sariling eroplano sila Andre kaya mapapabilis ang byahe nya, nagstop over lang sila pero malapit na sila sa pilipinas.
"Hindi na Cleo. Magpahinga kana lang dyan ha?"
Tumango na lang ako sakanya, binigyan ko sya ng magandang ngiti bilang tugon.
"Magiingat ka Andre ha? See you later. Muah! I love you..."
"I love you too Cleo... Sge na, magpahinga kana muna."
Lageng ganto. Sa loob ng 4 taon, wala kong ibang ginagawa kundi maghintay at subukan maging malakas sa harap ni Andre. Ayokong ipakitang mas nanghihina ako na mas lumalala na yung kalagayan ng puso ko.
"Cleo..."
Nasa panaginip bako? Parang naririnig ko si Andre.
"Cleo, gsing kana. Andito nako."
"A-andre?"
Naramdaman ko yung mga palad nya sa mukha ko. Hindi toh panaginip. Mabilis kong idinilat yung mga mata ko, at yinakap kagad si Andre na nakaupo sa harapan ko.
"ANDRE!!!"
"Ohh easy lang Cleo... Grabe namang yakap yan. HAHAHA!"
Pinapak ko sya ng halik. Sobrang namiss ko sya, sobrang namiss ko yung taong mahal ko.
- - -
Authors Note:
( Maiksi lang po tong kabanata na toh dahil mahaba napo yung susunod na kabanata at yung epilogo :) Enjoy reading! )
BINABASA MO ANG
I'll Take The Risk
General FictionMagpapatuloy ka pa din ba sa pagmamahal kung alam mong sa dulo na masasaktan ka lang? But maybe you could TAKE THE RISK.