Kabanata 16
Together
( My Memory By Ryu, Play it while reading this part )
Dahan dahan kong dinilat yung mata ko, agad kong nakita si Andre sa tabi ko at natutulog. Ano bang nangyari? Bakit ako andito sa hospital?
"A-andre..."
Sinubukan kong maupo pero biglang sumakit yung puso ko.
"Aggghhh."
"C-cleo? Gsing kana. Doc! Doc! gsing napo si Cleo."
Pinahiga ako ulit ni Andre. Bakas sa mukha nya yung pagaalala.
"Its a good sign dahil nagsing na sya. Kailangan pa natin magobserve bago natin sya mailabas."
"Sge po doc. Salamat po."
Ano bang meron... Ano bang nangyari saken... Gusto ko ng umuwi...
"A-andre... Uwi na tayo?"
Hinawakan ko sya sa kamay kaya napatingin sya saken.
"H-hindi pa daw pwede Cleo. Halos isang buwan kang coma... Sila tito at tita saka si Steven, umuwi lang sandali para makapagpahinga ng maayos. Kahapon pa kase sila dito..."
"Ano bang sakit ko Andre? Lagnat lang ba? Sipon? Ubo? Pwede na naman ako umuwi nyan... Malakas pa kaya ako..."
Ngumiti ako sakanya at sinubukan kong tumayo pero nanghihina ako. Ansakit ng puso ko.
"Cleo... Ma... M-mahina yung puso mo. Noon mo pa daw toh sguradong nararamdaman... Hays. Bakit hindi mo sinabi Cleo? Kht hindi na sakin... Kht kaila tita man lang... Selfish kdin pala Cleo eh."
Hindi ko inaasahang parang ulan na tutulo yung mga luha ko. Nakakapanglumo.
"Gusto kong gumaling Andre... Ayoko dito sa hospital."
Bigla akong yinakap ni Andre. Ramdam ko nadin yung mga luha nyang tumutulo sa likod ko at rinig ko ng basag yung boses nya.
"G-gagaling ka talaga Cleo. M-magpapakasal pa kaya tayo. Anong akala mo makakaligtas ka sa pagiging Mrs.Serdilla, sinuswerte ka ata. Mahal na mahal kita Cleo... G-gagawin ko ang lahat mailigtas ka lang..."
Mas lalong tumulo yung mga luha ko. Tama, magpapagaling ako. Para kay Andre, para kaila mommy at daddy, kay Steven. Gagaling ako.
"Wag ka ng umiyak Andre... Para ka namang bakla eh. HAHAHA!"
"A-ano?! A-ako bakla?! Baka nagkakamali ka ng sinasabihan?! Edi wag kdin ng umiiyak akala mo bata kapa!"
Ipapakita ko sakanilang kaya ko, at malakas ako. Alam kong kpag nagpakita ako ng panghihina pati sila maaapektuhan ko.
"Eh kase umiiyak ka! HAHAHA. Bakla!"
"Hindi ako bakla. At papatunayan ko sayo yan! HAHAHA!"
Hinalikan nya ako sa labi. Yung mga labi ni Andre na nakakaadik, kht sguro buong araw halikan ko lang sya ng ganto masaya nako eh. Ramdam ko yung pag ngiti nya sa pagitan ng mga halik namen.
"A-ako bakla Cleo?"
Pagkapula na lang ng mukha ko ang nasagot ko sakanya.
"HAHAHA! Kilig kilig!"
Sabay sundot nya sa tagiliran ko.
"Baliw ka talaga! HAHAHAHA! Kht anong sabihin mo bakla kpdin!"
"Kaya mo lang naman sinasabi yan para halikan kita eh. Pwede mo naman akong halikan na lang big....."
This time, ako ng humalik sakanya. Masaya lang ako, kase tong pasaway na mokong na toh. Nagmahal na ng seryoso, at ako pa yun. Sasamahan nya ko sa laban na toh. Sasamahan ako ng taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
I'll Take The Risk
Ficción GeneralMagpapatuloy ka pa din ba sa pagmamahal kung alam mong sa dulo na masasaktan ka lang? But maybe you could TAKE THE RISK.