Kabanata 9
My Saviour
Ilang araw na ang nakalipas nung gabi ng JS pero hindi pdin sinasagot ni Andre yung tanong ko. Lumalapit sya saken na parang walang nangyari non. Halos araw-araw silang nag prapractice para sa graduation.
"Mommy, pupunta lang po ako kaila Warren ha?"
"Osge anak. Magingat ka at umuwi ng maaga ha?"
"Opo."
Kpag hindi ko ksama si Andre, pumupunta ako sakanila at nakikipagkwentuhan ng kht anong bagay. Pero hanggang ngaun hindi ko maitanong kung kamusta na sila ni Richelle. Ayokong malaman kung anong meron sakanila.
Msyado akong takot harapin ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Ayokong masaktan lang...
"Nasa garden si Warren Iha."
"Pupuntahan ko na lang po sya tita. Salamat po!"
Mabait ang mama nila Warren, sobra nya nga kong gusto para sa isa sa mga anak nya. HAHAHA! Sapilitan na XD
"Warren?"
"Ayy anak ng tipaklong!!! A-ao ka ba Cleo, wag mo kong tinatakot ah?!"
"Ahahaha! Pasensya kana..."
Naupo kami sa gilid ng mga bulaklak. Nagdala naman si tita ng juice saka cupcakes. Nung mga bata kami, paborito namen tong cupcakes na luto ni tita. Bago pa man mangyari ang lahat.
"W-warren, salamat sa pagliligtas mo saken noon ha? Saka sorry talaga..."
Bumalik lang saken lahat ng nangyari noon.
"H-ha? Cleo talaga ohh! Tama na kakapasalamat saken pwede ba... Walang anuman yon! Isa pa, matagal na yun. Okay na ako ulit."
"W-wala lang... Kung hindi mo kase ako sana niligtas dun sa sasakyan na parating sana... Sana okay pa yung panlasa mo..."
"Cleo, kung hindi ko ginawa yun edi sana wala kong bestfriend ngaun hindi ba? Tska, panlasa lang toh. Mas mahalaga ka kesa dito."
( Flashback )
"Cleoooo!!!! May sasakyan!!!"
Nagsing na lang ako sa hospital. Ksama ko sa kwarto, sa kabilang kama si Warren. Niligtas nya ko sa sasakyang nawalan ng preno. Hindi ako napuruhan puro gasgas lang sa katawan ang natamo ko. Pero si Warren?
"Natamaan ang ulo nya... Wala namang malalang nangyari pero naapektuhan ang kanyang panlasa, mawawalan na sya ng panlasa... Pasalamat na lang tayo.sa diyos yun lamang ang nangyari sakanya."
Narinig kong umiyak si tita pagkatapos magsalita ng doctor at lumabas...
( End of flashback )
"Hindi ka na kase ngumingiti katulad noon Warren, kpag kumakain tayo ng cupcake. Hindi mo na kase malasahan eh."
Nararamdaman kung tutulo na yung luha ko. Masayahin dati si Warren, lalo na kpag kumakain kami sabay ng cupcakes o mga pagkain. Pero dahil saken, wala na syang malasahan.
"Cleo, alam kong ayan ka na naman sa pagsisisi mo sa sarili mo. Wala kang kasalanan... Mas okay na toh kesa malasahan ko yung pagkain, paano kung hindi masarap? At least walang lasa. Hahaha!"
Pagkatapos nyang makalabas sa hospital, para kong aso na laging nakasunod sa kanya... Di nagtagal, alam kong gusto ko na sya. Hindi ako tumatagal ng di ko sya nakikita o natutulungan sa lahat. Pinangako kong gagawin ang lahat para sakanya, mahirap man o madali.
"Kpag may kailangan ka Warren, wag kang mahiyang magsabi ha? Dadating kagad ako! Ako si Super Cleo para sayo!"
Ngumiti lang sya saken bilang tugon. Yung mga ngiting yun, namiss ko yun. Napaka gandang tanawin para saken ng mga ngiti ni Warren...
"Salamat Cleo. Sa tingin mo kakayanin ko pa kaya kung wala ka?"
BINABASA MO ANG
I'll Take The Risk
General FictionMagpapatuloy ka pa din ba sa pagmamahal kung alam mong sa dulo na masasaktan ka lang? But maybe you could TAKE THE RISK.