KABANATA 2

46 2 0
                                    

Kabanata 2

Heartless

Nakakainis -_- Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ko kay Andre. Handa nga ba kong gawin ang lahat protektahan lang ang puso ni Warren?

"Cleo, bakit parang kanina ka pa tahimik? Nung pagpasok mo pa lang."

"H-ha? A-ano Warren?"

"Hmm. Ano bang nangyari?"

Hindi ko namalayan na kinakalabit na pala ko ni Warren Lablab mula sa likod -_- Psh.

"Ang lalim ata nyang iniisip mo Cleo?"

"Ahhh. A-ano... Wala naman! Sge na makinig kana."

Aish. Ano ba toh -_- Badtrip talaga na higad na yun. Ginugulo yung isip ko, bakit naman kaya sya makikipagkita saken -_-

( Flashback )

"Mahal ko sya Andre! Alam mo yan! Isa pa, alam mo namang gusto ni Warren si Venisse e pero pinatulan mo pdin. At kaya kong gawin ang lahat para protektahan lang sya, yung puso nya! I'm his saviour!"

"Sgurado kang kaya mo?"

"Oo! Bakit ba?!"

"Meet me. After class Cleo, sa parking lot."

"Ha? For what?!"

"Wala lang. Bsta pumunta kana lang!"

( End of Flashback )

Uwian na. Di ko alam kung pupuntahan ko si Andre -_- Wala naman sgurong gagawing masama saken din yun e.

"Cleo?! Di ka sasabay sakin ngaun?"

Ay. Oo nga pala! Hindi ko makakasabay ngaun si Warren Lablab dahil sa Andre Higad na yun :3 Di ko alam kung pano ko napapayag ang sarili ko na sasama dun.

"Hindi e. May meeting pa kase kami ng student council."

Palusot ko na lang. Pero kasali naman talaga ko sa student council e, secretary ako. Kaya nga lang, wala kaming meeting -_-

"Ahhh. Osge... Ingat ka paguwe ah?"

"O-osge... Salamat Warren!"

Mabilis na kong tumakbo palayo, baka kase di ko mapigilan na yung sarili ko at sumama na lang sakanya pauwi.

"Antagal mo naman ata Cleo, mukhang hirap kang iwan yung kapatid ko ah?"

Siraulo talaga tong si Andre. Kung hindi lang talaga din toh importante saken e matagal ko na tong sinilid sa sako tapos itatapon ko sa mars.

"Pasok na sa loob ng sasakyan Cleo."

"Pero teka...."

Bigla nya kong hinigit sa loob ng sasakyan nya bago pa man ako makapagsalita.

"Bsta sumama ka na lang sakin Cleo, hindi naman kita gagahasain e. Di ang katulad mo yung mga type ko."

"Aba! Ang yabang mo ah?! Bakit sa tingin mo ba papatulan kita?!"

"Oo naman. Alam ko namang type mo ko e."

Psh. Ang yabang talaga nya -_- Bata pa lang ganyan na yan. Naalala ko sabi ni tita, yung mommy nila. Ako lang daw nakakatiis kalaro si Andre e. Hindi ko din naman alam kung paano ako nakatiis sakanya noon, e lagi nya kong pinagtritripan.

"Hey Cleo! Ano na naman ba yang iniisip mo?"

"A-ahh... Wala! Wala ka na dun! Saan ba kase tayo pupunta ah?"

Nakalimutan kong kasama ko pala tong higad na toh.

"Sa mall. Ipagsho-shopping lang kita ng gusto mo."

Feeling ko nabinge ako.

"A-ano? Para san naman?"

"Wala lang. Gusto ko lang? Masama ba?"

Parang may mali dito e -_- May nakukutuban ako.

"Tapatin moko Andre. May kailangan ka noh?"

"H-ha? W-wala noh!"

"Andre? Please wag nga ako. Kilalang kilala na kita. Nung last time na pinagshopping moko, pinaglinis moko ng kwarto mo. So now, tell me what do you want?"

"Your Love Cleo. Can you give it to me?"

"Andre naman e! Sasapakin kita!"

Monggoloid talaga. Mahal ko naman sya ah? Pero as friend. Si Warren ang gusto ko at alam nya yun.

"Yan ang gusto ko sayo Cleo e, palaban. May thrill."

Naka ngisi nya pang sabi. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang kinilabutan ako. Parang may sapi tong kaharap ko.

"Biro lang Cleo. HAHAHAHA! Mukhang kabado kana e."

"Baliw kana talaga!"

Pinagkukurot-kurot ko sya sa asar. Kinabahan naman talaga ako sa sinabi nya. May tiwala naman kay Andre, pero hindi ko naman hawak utak nya e! Pano kung.... Arghhhhhh >____<

"Lets take a deal Cleo."

Seryoso nyang sabi. Habang diretsong nakatingin sa kalsada.

"What? A deal? For?"

"Tutulungan mo kong magbago, and tutulungan kitang mapalapit kay Warren."

"Malapit na kami ni Warren noh! Isa pa, why would i help you change?"

Hindi nya nasagot ang tanong ko, andito na kase kami sa tapat ng mall. Pinagbuksan nya ko ng pinto at inalalayan ako pababa ng sasakyan nya.

"Saang brand ba gusto mong unang puntahan?"

"Ano kase... Andre, di mo pa..."

Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ng bigla nya kong hinigit papasok na ng mall.

"Dito na lang tayo muna sa Gucci. Sge na Cleo, pili na."

"Gusto ko netong bag nato!"

Tapos kung ano-ano pang tinuro ko sa iba't ibang shop. Halos puno na pareho yung kamay namen kaya naisip nyang kumain muna at magpahinga.

"Anong order mo Cleo?"

"Hmmmm.... Gusto ko yung steak!"

"Grabe ka Cleo! Yung ibang babae halos hindi kakain para lang hindi tumaba tapos ikaw steak pa ang gusto?! HAHAHA!"

"Ha? Ano naman nakakatawa dun? Hindi naman ako katulad ng iba e."

"Thats what i like about you Cleo, hindi ka katulad ng iba."

Bigla akong napayuko para takpan yung namumula kong pisngi.

"Bakit ka yumuyuko? HAHAHA! Kinikilig sya ohh!"

"Baliw ka!"

Naiinis talaga ako dito kay Andre e -_- Ayan na naman sya sa mga pangaasar nya saken, hindi naman ako yung mga babae nya para banatan ng mga ganyang linya galing sa twitter. XD

"Cleo, anong meron kay Warren na wala ako?"

Kailangan talaga pareho silang dalawa na ganyan ang tanong sakin. Kaloka ahh?! Kaso si Andre naman kht sabihan ko ng masama di ako sasapakin neto XD Sanay na kase sya saken.

"Hmmmm... Si Warren yung lalaking halos kabaligtaran ng ugali mo. Pero sa mas madaling salita, heartless ka."

I'll Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon