Kabanata 18
Bestfriends
Hindi na ko pinayagan ni Andre maghatid sakanya ngaun sa airport, baka mapagod lang daw kase ako at ayaw nyang makitang umiiyak ako sa harapan nya. Nasa garden lang ako ng bahay namin at nakatingala sa langit.
"Cleo?"
Nagulat ako sa lalaking biglang humawak sa likod ko. Akala ko rapiest na naman, nakaka trauma yun ah.
"Nako... Pasensya na nagulat kita. Ayos ka lang ba?"
"Oo naman. Wag mo lang akong ginugulat ng ganun. Napadaan ka, kamusta na?"
Umupo si Warren sa tabi ko at muling tumingin saken.
"Ahh. Eto okay lang din naman. Ikaw kamusta na? Ang laki ng pinayat mo saka hindi kana rosy cheeks, putla na yung kulay mo."
"Humina kase ako kumain eh. Hindi ako sanay sa mga gamot ko, kaya lage ko din sinusuka. Pero okay na ko Warren."
Nakita ko na biglang lumungkot yung ekspresyon ng mukha nya.
"Anong problema Warren?"
"Niligtas kita noon Cleo, pero ngaun isa ko sa mga dahilan kung bakit tuluyang bumigay yang puso mo. Pinapatay ko na ngaun yung matalik kong kaibigan."
Hinawakan ko yung mga kamay nya at inilapat sa dibdib ko.
"Nararamdaman mo yung puso ko? Malakas pa sya Warren. Isa pa, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman din naman kasalanan kung bakit hindi mo ko mahal, natanggap ko na yun. Matagal na at masaya nako sa kuya mo."
Yinakap nya ako ng mahigpit. Namiss ko si Warren, namiss ko yung bestfriend ko.
"Salamat Cleo... Pagpagaling ka ha? Para kay kuya Andre... Nakakatawa lang talaga Cleo, kase sobrang mahal ka pala talaga ni kuya. Nagbago sya Cleo, nagkaroon ng direksyon yung buhay nya dahil sayo."
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Warren. Pati kase sila tita at tito, sinabi na saken yan. Kaya wag ko daw iiwan si Andre.
"Oo, magpapagaling ako para kay Andre, sayo, kay mommy at daddy. Para sa lahat ng taong mahal ako."
"Tama yan! Wala na kayang bisyo si kuya ngaun, wala nding babae. Alam namin na focus at sayo lang talaga ang atensyon nya. Natuwa lang kami kase pinagpatuloy pdin nya yung pangarap nya. Sabi nya pa saken, alagaan daw kita pero wag na wag daw kitang aagawin sakanya."
"HAHAHA! Yung mokong talaga na yun."
"Bestfriends forever Cleo?"
Now i understand. Yung nararamdaman ko para kay Warren? Paghanga lang. At kailanman hindi ko ipagpapalit si Warren na bestfriend ko kht na kaninong bestfriends pa dyan :')
"Yeap! Bestfriends forever Warren."
Sinirado namen ang noon pa nameng pangako na Bestfriend Forever ng pinky swear :)
BINABASA MO ANG
I'll Take The Risk
Narrativa generaleMagpapatuloy ka pa din ba sa pagmamahal kung alam mong sa dulo na masasaktan ka lang? But maybe you could TAKE THE RISK.