EPILOGO

52 1 0
                                    

( My Memory By Ryu, play while reading this part )

"Cleo! Cleo lumaban ka! Wag mo kong iwan!"

Mabilis namin syang sinugod sa hospital ng bigla na lang syang natumba sa kalagitnaan ng palakpakan ng mga tao.

"Cleo anak, lumaban ka ha? Andito lang kami nila Andre at daddy mo pati si Steven."

Halos manlumo na sila tita habang nasa ambulansya kami. Kung pwede lang ako na lang makaramdam ng sakit ni Cleo, hirap na hirap na kong nakikitang ganun yung kalagayan nya. Nadudurog ng husto yung kalooban ko.

"Cleo, wag mo kong iiwan ha? Nakakainis ka naman eh. Talagang pinatapos mo lang yung kasal naten. Wag mo muna kong iwanan ngaun, sge na please... Lumaban kapa.."

Wala na kong lakas ng loob para yakapin sya. Ayokong maramdaman na unti unti ng nawawala yung hininga nya.

* TUTTTTTTTTT..... *

"CLEOOOO!!!!"

Hindi... Hindi... Wag ngaun Cleo! Punong puno na ng luha yung gown nya. Pilit ko syang inaalog at sinusubukang gsingin.

"Excuse me lang Sir..."

Sinusubukang irevive ng mga nurse si Cleo. pero wala na... Wala na yung asawa ko...

"Cleo..."

Nanghihina na kong lumapit sakanya. Pinagmasdan at hinawakan ko yung mukha nya. Gusto ko isiping natutulog lang sya sa harapan ko. Napuno ng iyakan yung ambulansya.

"Cleo..."

Alam kong ginawa lahat ni Cleo para lumaban. Pilit nyang pinapakita saking malakas sya at hindi nanghihina. Kht hindi nya sabihin sakin, alam kong nahihirapan na sya sa kalagayan nya. Napaka lakas nya talagang babae.

"Its almost been 2 years ng iniwan tayo ni Cleo iho noh? pero hanggang ngaun sariwa pdin sa isip ko yung mga ngiti nya nung araw ng kasal nyo. Alam kong napaka saya nya bago tayo iniwan dahil sayo Andre."

Kung sana alam kong iiwan na nya ko noon, sana mas yinakap ko sya ng matagal at hinalikan ng madami.

"Mas matutuwa sguro si Cleo kung makikita ka nyang masaya na ulit Andre, kilala ko sya ayaw nyang nakikitang malungkot yung mga mahal nya sa buhay lalo kana."

"Opo."

Pinipigilan ko yung mga luha ko. Sabi ni Cleo saken noon, dpat maging matapang. Matapang sa lahat ng pagsubok sa buhay ko.

"Mauna na ako Andre ha? Hinahanap nako ni Steven eh. Magiingat ka paguwe ha?"

"Opo ma. Ingat kdin po..."

Cleo, mahal na mahal kita... Katulad ng pangako ko sayo noon, ikaw lang ang mamahalin ko sa habang buhay. Magkikita rin tayo Cleo, hintayin moko dyan ha? Wag kang maghahanap ng iba dyan. Sakin ka lang. HAHAHA! Taking the risk of loving someone like you Cleo was worth it. Tatandaan mo yan. Walang kong pinanghihinayangan at pinagsisisihan. Namimiss na kita! Ang daya mo pdin akala ko sabay tayo eh. Pero easy lang ha? Baka dalawin mo naman ako. HAHAHA! Stay foot ka lang dyan. I love you so much Cleo Arnigo... Tiill the end <3

[ Wakas. ]

- - - -

Authors Note:

( Hello sa inyo readers :) Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at nakaabot hanggang dito. I hope nagustuhan nyo yung story ko! HAHAHAHA. Sorry sa lahat ng errors, hindi po ko perfect & professional writer kaseee. Bytheway, mahal kopo kayo! Hart hart lang tayo lage. K? ♡ )

I'll Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon