KABANATA 10

30 1 0
                                    

Kabanata 10

Bestfriend-Zone

"Salamat Cleo. Sa tingin mo kakayanin ko pa kaya kung wala ka?"

I'll protect you Warren, even your heart...

"Warren, kayo na ba ni Richelle?"

"Si Richelle? Hindi pa eh. Yun nga pala problema ko Cleo. Ayaw pa ko sagutin ni Richelle."

Naka pout syang tumingin saken. >___< Ang sarap nyang gawing display sa bahay, cuteness overload. HAHAHA XD

"A-ano kase... Bakit si Richelle pa Warren? Alam mo namang patay na patay sa kuya mo yun noon pa db? Baka, alam mo na..."

"Na baka ginagamit nya lang ako para mapalapit kay kuya? Edi gamitin nya ko. Gusto ko sya Cleo. Kht pa gamitin nya lang ako, okay lang..."

Gusto ko syang sapakin. Gusto kong sabunutan at isabit sa puno si Richelle. >______<

"Ano kaba Warren! Kht na gusto o mahal mo pa sya hindi tama yang ganyan! Hindi tamang gamitin ka lang nya... Hindi pagmamahal yun!"

"Hindi ka pa naman sgurado eh. Isa pa, ano bang alam mo sa pagmamahal Cleo? Nagmahal kana ba?"

"Nakita mo naman hindi ba, ginawa nya ang lahat para maging president ng student council, panay pa cute sa kuya mo! Lahat ginagawa nya Warren para sa kuya mo! Malandi sya! Wag sya Warren..."

"Tama na Cleo! Hindi ko inaakala na sayo pa lalabas lahat ng yan... Bakit msyado kang mapanghusga? Perpekto kaba Cleo? Sino ka ba sa buhay ko para magdesisyon sinong mamahalin ko?!"

Pakiramdam ko sinampal ng sampung babae yung puso ko... Hindi ko kinaya yung sakit sa puso ko kaya umiyak nako at tumakbo palayo sakanya. Pero nahawakan nya yung kamay ko. At hinarap nya ko sakanya.

"B-bitawan mo nga ko Warren!"

"P-pasensya kana Cleo sa mga nasabi ko..."

"Sino nga ba ako sayo W-warren?! Isang kaibigan na laging andyan kpag may kailangan ka?! G-gusto kita Warren! M-mahal kita!"

Mukhang nagulat sya sa mga sinabi ko dahil sa pagbitaw nya sa kamay ko.

"Nagulat ka noh?! Manhid ka kase Warren! Matagal na kitang mahal! Oo, hindi ako perpekto talaga, hindi nga ako kasing talino ni Richelle eh! Wala naman kase lang akong ibang iniisip kundi ikaw!"

"A-ano Cleo... H-hindi kita gusto. Bestfriend lang tingin ko sayo... Simula pa noon hanggang ngaun hindi nagbabago yung tingin ko sayo Cleo... Sorry."

Tumakbo na ako palayo sakanya. Kaso biglang umulan ng malakas habang naglalakad ako pauwi samen. Mukhang nakikisabay yung ulan sa puso ko ah?

"Ohh anak! Anong nangyari sayo?! Basang-basa ka! Umakyat kana sa kwarto mo at magbihis, ipagluluto kita ng noodles..."

"Opo mommy..."

Sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko alam kung sakit paba toh dulot ni Warren. Sobrang sakit kase... Hindi ko na lang pinansin, at nagbihis ako tska bumababa na kaagad para makakain ng noodles. Nilalamig na kase ako...

"Anak, sabihin mo nga saken kung anong nangyari sayo? Akala ko ba pumunta ka kaila Warren?"

"Opo galing po ako dun... Hin...di nya ko mahal mommy.. Ayaw saken... ni W-warren..."

Hindi ko napigilan na yung mga luha kong sunod sunod na ang pagbagsak sa mata ko... Nakayakap na lang ako kay mommy na hinahaplos yung likod ko.

"Ano kaba Cleo... Mahal ka ni Warren pero sguro hindi katulad ng pagmamahal na meron ka sakanya. Baka kaibigan lang talaga turing nya sayo..."

"Masakit pdin mommy. Ansakit po!"

Patuloy lang ako sa pagiyak. Hindi ko maintindihan yung sakit sa puso ko :'( Hurt Hurt na ko!

"Tama na Cleo... Tahan na... Kumain kana at magpahinga na sa taas."

"Opo."

Bestfriend lang ako sakanya. Kaibigan lang Cleo! Itatak mo yan sa isip at puso mo...

I'll Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon