Kabanata 1
I'm his saviour
Ang gwapo nya talaga :) Pwede na sguro akong mamatay kpag naging kame. HAHAHAHA! Kaso. May iba na syang gusto e :(
Andito ako sa sulok, pinalalakas yung loob nya para umamin sa crush nya. Tanga ko shet -_-
"Kaya mo yan Warren! Go, go, go! Kpag di ka umamin ngaun baka mawalan ka na ng pagkakataon umamin sakanya?!"
Ouch -_- Parang pinatatamaan ko yung sarili ko. HAHAHAHAHA! Eto kaseng si Warren, pogi lang, talented, matalino, mayaman, malakas ang alindog. Okay minamanyak ko na sya sa isipan ko :3 Katulo ng laway! Kaso torpe naman, parang ako :(
"Uy! Uy! Uy! Ayun na sya Warren ohh! Dali, habulin mo!"
Sabay takbo naming dalawa. Papunta dun sa hipon nyang crush -_- Oo, hipon yun. Mas maganda pa nga ko dun e. Pwe XD
"Ahmmm. Hi Venisse! Ako nga pala si..."
"Warren Serdilla right?"
"Ahh. Oo! May gusto lang sana akong sabihin sayo e. Gusto sana..."
"Warren matutulungan mo ba ko sa kuya mo? Crush ko kase talaga sya e! Pls. Kht number nya lang? Buti na lang at lumapit ka saken."
Aba! Hindi man lang pinapatapos si Warren LabLab ko! Humihirit pa ng number ni Andre (9-_-)9 Sasapakin ko yang babaeng hipon na yan!
"Ahhhmmm. Ano kase, ikaw na lang manghingi sakanya para mas sweet db?"
Halata kong naiinis na sya. Naka yukom na yung mga kamao nya. Kaya hinigit ko na lang sya palayo sa hipon na yun. Mas nasasaktan kase ako sa ginagawa nya e :(
"Haynako! Warren. Hayaan mo na yung babaeng hipon na yun."
Naka yuko pdin sya. Dinala ko sya sa likod ng school namin sa ilalim ng malaking puno. Dito kami pumupunta kpag break time.
"Bakit ba lageng si kuya Andre na lang Cleo? Hindi ba ko gwapo o matalino? Hindi bako talented? Anong kulang saken Cleo, bakit laging si kuya?"
Hindi ko alam sasabihin ko. Baka magkamali ako ng tamang salita tapos maooffend sya kaya sasapakin nya ko. Choss lang XD
"Ano... Hmmm. Good yung pagkakaiba mo sa kuya mo Warren. Hindi ka playboy tska loyal ka kpag nagmahal! Eh yung kuya mo, kht poste papatulan kpag nilagyan mo ng palda e."
Napakamot na lang ako ng ulo, hindi ko kase alam kung tama ako ng sinabi e -_- Baka lalo ko syang napalungkot.
"Sguro nga. Naiisip ko nga minsan maging playboy ndin e, para hindi nako yung hahabol at masasaktan tapos may magkagusto na saken."
'Ano kaba Warren! Merong may gusto sayo! Ako kaya! Andito pako! Kht di ka naman maging playboy kht mukha kang nerd, gwapo kpdin para saken' Nabulong ko na lang sa sarili ko :(
"Nako Warren."
Sabay tayo ko at yaya sakanya para bumalik na sa klase dahil malapit ng matapos yung recess.
Nasa 3rd year Highschool pa lang kami ni Warren habang yung kuya nyang higad 4th year na dito sa Serdilla Highschool Academy.
Hindi kayo nagkakamali ng iniisip, pagmamayari nila tong school na toh. Mayaman kase ang pamilya nila Warren, may iba't ibang business ang family nila sa bansa.
Ako naman, maniwala kayo sa hindi? Bestfriend ko silang dalawa noon pa man. Bestfriend din kase ang mga parents namen, ang pagkakaiba lang. Hindi kami kasing yaman ng mga Serdilla.
"Nabalitaan mo na ba? Si Andre na saka si Venisse. Ang bilis nga e! Hiningi lang daw ni Venisse yung number ni Andre tapos hinalikan na kagad ni Andre."
"Sila na ni Andre saka Venisse alam mo na ba yung tungkol dun? Bagay naman sila e, parehong gwapo at maganda."
"Ang swerte ni Venisse noh? Ang hot kaya ni Andre!"
Yung higad na Andre na yun -_- Sila na kagad nung hipon. Eto pang mga chismosa kung pagusap parang sila lang yung nakakarinig. Kaya habang naglalakad kami ni Warren papuntang room e takip-takip ko yung tenga nya para hindi nya marinig.
Papasok na sana kami ng classroom ng mahagip ng mata ko si Andre saka Venisse na naghahalikan sa hagdan. Kaya dali-dali kong tinulak si Warren para hindi nya makita yun at pinauna ko na sa room. Tsaka ko lumapit sa dalawang PDA.
"Hoy Andre! School toh at di motel kaya pwede ba?!"
Naka pamewang at medyo pasigaw kong sabi sakanila. Kaya napatigil sila at tiningnan ako ng matalim ni Andre.
"Hey Miss! Ano bang problema mo? Distorbo ka msyado ah?!"
"1 Week ka lang babaeng hipon. Pero teka msyado ng matagal yun, hanggang mamaya ka lang."
Sabay talikod ko para lumayo sa nakakasuka nilang auro pero hinila kagad ng babaeng hipon yung braso ko.
"Anong sinasabi mo?!"
Matalim parin yung titig saken ni Andre na parang sinabi nya na 'Watch your words'.
"Pagsasawaan ka din nya. Hanggang mamaya ka na lang."
Hindi ko na nakita yung ekspresyon nung babae kase tumalikod na kagad ako.
Dpat lang sa babaeng hipon na yun! Akala mo kagandahan para saktan si Warren Lablab ko! Butenga na lang sakanya pati dun sa taong higad na yun -_- Nakakasuka.
Hindi naman talaga ko inis kay Andre e, Bestfriend ko din sya. Pero sa tuwing nakikita kong binabasted si Warren ng mga crush nya dahil may gusto sakanya at puro kalandian na ang inaatupag dun na ko nagsimulang mainis sakanya. Why so malandi kase diba?
Nagulat ako ng biglang may humatak sa kamay ko ng malakas.
"ARAY!!! SINO KABA AT..."
Nakita ko si Andre na malamig na nakatitig sa mga mata ko.
"Anong problema mo Andre at bigla kang naghahatak ng kamay?"
"Ikaw Cleo."
"Anong ako?"
"Why you always acting like a saviour kay Warren?"
"I'm not! Saka bitawan mo na nga ko. Nasasaktan nako!"
Imbis na bitawan nya ko e mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
"Lier! Alam mong ayaw ko sa mga taong sinungaling! Nakita kong tinatakpan mo yung tenga nya para di marinig yung usapan ng mga tao."
"Mahal ko sya Andre! Alam mo yan! Isa pa, alam mo namang gusto ni Warren si Venisse e pero pinatulan mo pdin. At kaya kong gawin ang lahat para protektahan lang sya, yung puso nya! I'm his saviour!"
I'm Warrens Saviour...
BINABASA MO ANG
I'll Take The Risk
General FictionMagpapatuloy ka pa din ba sa pagmamahal kung alam mong sa dulo na masasaktan ka lang? But maybe you could TAKE THE RISK.